Chapter 10

1717 Words
CHAPTER 10 ALTHEA'S POV   Nag-iwas ako ng tingin kay Craige. Anong nakain nito at biglang lumandi? Wala sa sariling hiniwa ko ang steak sa plato ko at isinubo ko sa kaniya. "Kumain ka na lang. Nawalan na ata ng hangin ang precious brains mo."   "Sagutin mo muna ang tanong ko."   "Talong? Anong talong? Ba't ko sasagutin ang talong mo?! Ang bastos mo talaga!"   Napatingin ako sa paligid namin ng makita kong nakatingin na samin halos lahat ng mga kumakain. Namula ang mukha ko at tinignan ko lang ng matalim si Craige na naaliw na nakatingin sakin.   Hindi siya nakangiti pero ang mga mata niya kumikinang sa pagka-aliw sa akin.   Parang gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ko, or rather siya na lang ang ibabaon ko sa lupa. Ano bang talong kasi yung sinasabi niya? O 'tanong' ba iyon?   Kinamot ko ang pisngi ko sa pagkayamot. Nawindang ako sa tanong niya kanina tapos nabubuliglig na naman ang buhol-buhol na nerves ko dahil sa talong—   "Ang sabi ko 'tanong'. Hindi...talong."   Ayan! Napasimangot ako at kulang na lang iuntog ko ang ulo ko sa pinakamalapit na tao na makikita ko maliban sa gwapong mukha ni Craige. Baka mabangasan ang kagwapuhan niya at wala ng manahin ang mga anak ko—   "SAVE ME FROM TEMPTATION!"   Pati ako napapitlag ng naisigaw ko pala ang favorite quote ko. Kinuha ko ang menu sa katabing lamesa kung saan may lalaki na kasalukuyang tumitingin doon. Itinakip ko iyon sa mukha ko. Nakakahiya.   Nagulat ako ng kinuha ni Craige iyon at inabot pabalik sa lalake na halatang nagulat ng bigla ko na lang hablutin ang menu sa mga kamay niya.   "Pasensiya na." hinging-paumanhin ni Craige.   Tumango ang gwapong lalake. Hindi na siya ulit tumingin sakin pero nakatingin parin siya kay Craige. Kumunot ang noo ko. Paminta. Isa siyang paminta! Napatingin siya sakin at binigyan ko naman siya ng nagbabagang tingin na ikinaiwas niya ng tingin.   "Eat." utos ni Craige.   "Alam ko. Masarap ang talong— ang steak! ANG STEAK!"   Tumingin lang sakin si Craige. Hindi parin siya nakangiti pero nakita kong umabot siya ng wine at uminom. I swear, ngumiti siya. Hindi ko lang makita ng maayos dahil sa wine glass.   Nagdadabog na sumubo ako ng talong— ng steak!   Naman kasi eh! Pati ang tenga ko green narin. Lahat na ata ng part ng katawan ko nilulumot na. Impluwensiya 'to ng Craige na 'to eh. Nang nagsabog ng nakakaakit na bagay sa mundo, may dala ata siyang truck.   Nag-angat ako ng tingin mula sa steak at nakasalubong ko ng tingin ang talong— ANG MGA MATA! Nakasalubong ko ng tingin ang mga mata ni Craige.   Nag-iwas ako ng tingin at naghanap ako ng ibang titignan. Ang kaso walang gwapo sa paligid o kung meron man, hindi pa sapat ang handsomeness nila para sakin. Kaya bumalik ang tingin ko kay Craige.   "Stop looking at me." I said.   "I'm just looking after you, in case may gawin ka na namang kalokohan."   Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Nadistract ako ng nagbeep ang phone ko ng dalawang beses. Tinignan ko ang messages at napabuntong-hininga ako.   FR: Hade ni Quin   Ang mga babae talaga makakita lang ng gwapo, nakakalimutan na ang mga taong pinapahalagahan sila. #illscratchhiseyesout   Ano na naman kaya ang nangyayari sa The Camp at mukhang may selosan na nagaganap? Hindi kaya may ka-date si Quin? Sayang wala ako doon. Sana nakita ko ang reaction ni Hade. Binasa ko pa ang isang message.   FR: Quin ni Hade   Ang mga lalake makakita lang ng boobs nawawala na sa sarili. Kung gusto nila ng boobs, edi sana naging BOOBS na lang sila. #toobeautifultoignorekayahabulinngboys   Napanganga ako. Puro B word ata ang nabasa ko. Una, pwedeng may ka-date si Quin. Pangalawa, pwedeng si Hade ang may ka-date. Pangatlo, baka may ka-date si Quin kaya humanap ng ka-date si Hade.   Napatingin ulit ako sa phone ko ng magbeep iyon.   FR: Hari ng Planet Chumurereng   Stop sending me your group messages agents. Hindi diary ang cellphone ko. And stop interrupting us. #   Napa-angat ako ng tingin. Kasalukuyang binabalik ni Craige ang phone niya sa bulsa niya. Napatingin ako sa phone ko ng makita kong sunod-sunod na text ang biglang nagsulputan. Tinatanong kung anong ginagawa namin ni Craige.   Great. Just great.   Inilagay ko sa silent mode ang phone ko. Titigil din ang mga makukulit na iyon.   "Bakit mo sinabi yon?!" pagalit na tanong ko kay Craige.   "Ang alin?"   "Yon. Alam mo naman na iba ang iisipin nila."   Nagkibit-balikat siya na parang wala siyang pakialam sa mga mangyayari. Lumingon ako sa gilid ko ng may dumaan na sexy na babae na kulang na lang wag ng magdamit. Nakatingin siya kay Craige at napasimangot ako.   Bakit ba lahat na lang ng tao nakatingin kay Craige? Hindi ba nila alam na alien ang tinitignan nila? Binalik ko ang tingin ko kay Craige na nakatingin parin sakin.   "Hindi mo tinignan ang babae na iyon?"   "What?"   Mukhang nagtataka siya sa tanong ko. Inikot niya ang paningin sa restaurant at tumigil ang tingin niya sa babaeng halos wala ng tinakpan. Parang gusto ko ng hilahin ang mukha ni Craige para sakin na lang siya tumingin. Kaso bago ko ginawa iyon, binalik na niya ang tingin niya sakin.   "She'll probably die because of bronchitis, cold, pneumonia or she'll simply freeze to death."   Napatulala ako. Pagkaraan ay... napahalakhak ako. "OMG Boss, Sir, Among Tunay! Nag joke ka! As in! Ilalagay ko 'to sa diary ko! OMG!"   Para akong proud na nanay dahil kasalukuyang nagsalita ng first word ang baby niya. Pumapalakpak at naghead bang pa ako habang nakatingin lang sakin si Craige. Umangat ang gilid ng labi niya na parang proud din siya sa sarili niya.   "Ipapagawa kita ng cake kay Yale. Hindi ko din kakalimutan ang araw na 'to dahil icecelebrate natin 'to every year pati monthsary ng first joke mo ever."   "Crazy."   "For you!"   Napailing na lang siya.   Tumingin ako sa gawi niyong babae ng maramdaman ko ang tingin niya. This time, direkta na sakin ang tingin niya. Sinalubong ko ang tingin niya na nagbabaga. I mouthed something at her 'you're not his type b***h, back off.'   Napangiti ako ng mamula ang mukha niya sa galit. At dahil hindi naman ako natural na bitchy head to toe, umatake na naman ang kabaliwan ko at dinilaan ko siya. Nilagay ko pa sa magkabilang sentido ko ang hinlalaki ko at binelatan ko siya.   Napangiti ako at umayos na ako ng makita kong parang sasabog na siya sa galit. Kung makatitig kanina, akala mo kung sino. Pikon naman pala.   "Stop that." sita sakin ni Craige.   "Siya naman ang nauna ah!"   "Hayaan mo siya. Next time she'll look at you like that, ako na ang bahala."   Tinaasan ko ng kilay si Craige. Superman na ang trip niya ngayon, infairness. Try ko kaya tumalon sa building, sasaluhin niya kaya ako? Or maghanap na lang kaya ako ng bato na lulunukin para maging si Darna ako? Para bagong love team.   Superman at si Darna.   "Boss, Sir, Among Tunay, bakit nasa labas ang brief ni Superman?"   Muntik niya ng maibuga ang iniinom niya. Tumikhim siya at tumingin sakin pagkatapos at pinisil niya yung pisngi ko na parang nanggigigil siya sakin.   "I don't know." sagot niya sakin.   "Siguro proud siya sa red niyang briefs. May kulay red kang briefs Boss, Sir, Among Tunay?"   "I wouldn't talk to you about my briefs Althe—Avery."   "Whatever. Uso ata sa superheroes ang naka-underwear lang no? Kaya kung gusto mong maging superhero, magbrief ka din sa labas para astig."   Nakatingin lang siya sakin pero mukhang gusto naman niyang makinig sa mga sinasabi kong walang kabuluhan. Parang Lola Basyang ang peg ko. Ngumisi ako sa kaniya.   "Ako si Darna. Kaya magbi-bikini na lang ako." sabi ko.   "No."   "Unper! So bery bery unper! Kailangan makita ng mundo ang kaseksihan ko."   "No."   "Hmm. Eh, sinong superhero ang gagayahin ko?"   "Si... Si Inday Wanda. Yung pinapanood ni Paige noon."   Napanganga ako sa sinabi niya. Mukhang seryoso siya talaga. Napapout ako. Ah basta! Gusto ko ako si Darna tapos siya si Superman. Tapos kapag sumingit sa eksena ang Louise Jane niya, papalunukin ko ng comet tapos itatapon ko sa outer space. Para akin na si Superman.   "Ayoko nga non!" tanggi ko.   "Basta."   Nakasimangot na uminom ako ng wine. Napangiwi ako ng maubos ko ang nasa baso ko. Hindi ko gusto. Inabot ko ang wine glass ni Craige at uminom.   That's more like it.Sarap!   "You really have that habit, huh? Lagi mong iniinuman ang iniinuman ko."   "Iba lasa eh. Ginagayuma mo ko no?"   "No."   "Weh?"   Uminom ako ulit at pagkaraan ay ibinaba ko na iyon. Inabot naman iyon ni Craige at siya naman ang uminom. Mukhang nasasanay na kami na mag-share ng inuman.   Nang matapos na kaming kumain, naglakad na kami pabalik sa office namin. Tinitignan ko ng masama ang mga tumitingin sa kaniya. Makagawa nga ng karatula mamaya at ikakabit ko kay Craige.   Pumasok na kami sa elavator. Napangiti ako ng makita kong walang tao doon. Pinindot ko na ang floor na bababaan naming dalawa ni Craige.   "I told you. Stop staring at them like that." saway niya sakin.   "Wala naman akong ginagawa ah."   "Meron."   "Paano mo nalaman?"   "Because while you're looking at them, I was busy watching you."   Umakyat ata lahat ng dugo ko sa pisngi ko. Hindi dahil sa galit. Kundi.. kundi.. kundi sa kilig. Parang ang sweet ng sinabi niya or maybe wala namang meaning iyon. Kasi kung may meaning yon, pareho kaming may problema.   Siguro attracted talaga kami sa isa't-isa. A kind of attraction that's so hard to ignore. Hindi naman kasi mapipigilan ang ibang mga emosyon.   Tumingin ako kay Craige at nakatingin nga siya sakin. Sinubukan kong mag-iwas ng tingin pero parang hindi ko magawa. Like I'm trapped in his eyes. Hinaplos niya ang gilid ng mukha ko at napapikit ako. I wish we can stay like this forever. Like we're on our own world. Without anyone... just us. Yung walang iistorbo--   "Oops!"   Napalingon kami sa nagsalita at nanlaki ang mga mata ko ng makita kong huminto na pala kami. May mga empleyado na nakatingin samin.   "Sa kabila na lang kami."   Dali-daling lumabas sila. Si Craige naman ay nakangiti. As in nakangiti. Pinindot niya ang close button at umandar na ulit ang elevator. Lumingon siya sakin. "Now where were we?"   "Amm..."   "Right. I was about to kiss you."   And he did.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD