Chapter 11

2213 Words
CHAPTER 11 ALTHEA'S POV   Kahit ata pasabugan ako ng mga sandaling 'to, hindi ko mapapansin. Nakatingin lang ako sa kawalan. Umalis si Craige kasama si Sir Mateo. Naiwan ako dahil sabi ko may kailangan akong tapusin. Pero tinatamad lang talaga ako. Well... not really. Para kasing nawindang ang sistema ko sa halik ni Craige kaninang umaga.   Hindi nagbabago ang kasungitan ni Craige pero ang sweet na niya... minsan. Sa tingin ko, ganoon na talaga siya. Kumbaga pag naging puro sweet na lang siya, ibig sabihin non my sakit siya o may problema.   Kumunot ng noo ko, parang may naririnig ako na kung ano. Hindi ko na lang pinansin dahil wala ako sa real world sa ngayon. Kasalukuyan akong nasa time kung saan hinalikan niya ako kanina.   "Ang sarap..."   "Avery?"   "Parang heaven sa sarap. Yum yum."   Napapitlag ako ng biglang may tumawa ng malakas. Napakurap-kurap ako at namula ng mukha ko ng nasa harap ko na pala si Sir Mateo na aliw na aliw na nakatingin sakin.   Minsan hindi talaga halata na may problema siya dahil palangiti siya. Siguro dahil kahit gaanong karami ang problema ng isang tao, nakakahanap parin ng paraan para maging masaya kahit sa maliliit na bagay.   "Ano ang masarap?" tanong sakin ni Sir Mateo.   "Ang labi—ang steak! Ang sarap nung steak na... na kinain ko kahapon."   Tumango-tango siya. Halata sa mga mata niya na hindi siya naniniwala sakin. Nangingiting tumingin siya sakin at guguluhin na sana niya ang buhok ko katulad ng ginawa niya dati ng biglang may tumikhim.   Napatingin kami at nandoon si Craige na kasalukuyang walang emosyon na nakatingin samin. Nagpeace sign ako sa kaniya. Hindi naman ako nagpromise na hindi ako lalapit kay Sir Mateo. Tsaka haler? Magkasama kaya kami at boss namin si Sir Mateo. Isama pa doon na talagang habulin ako ng mga hunkalicious, yummylicious, handsomelicious, at sexylicious.   "Maiwan ko muna kayo. Pumunta lang talaga ako dito dahil nakita kita sa siwang ng pinto na tulala. I'll see you both tomorrow." paalam ni Sir Mateo.   Ngumiti lang ako. Nakahinga ako ng lumabas na siya na hindi na kinukuwento kung ano ang mga narinig at nakita niya. Baka lumaki bigla ang ulo ni Craige... sa taas. Ba't ang defensive ng utak ko?   Hindi ako umiimik ng umupo na si Craige sa desk niya. Pasimpleng tinignan ko siya. Mukhang wala siya sa mood. Napakagat-labi ako. Ano na namang ginawa ko?   Ang moody talaga ng taong iyan. Parang weather lang. Tinalo niya pa nga ang weather sa pagpalit ng mood. Makatawag nga sa guiness book of record para isasali ko siya.   "Halika na." aniya Craige.   Tahimik na sumunod ako sa kaniya. Dire-diretso siya at hindi ako tinitignan. Nakasimangot na sumunod ako. Kung hindi ko lang alam kung ano ako sa buhay ng lalaking 'to, baka akalain ko pang na nagseselos siya.   On the other hand, hindi ko naman talaga alam kung anong meron kami. Yes, we do kiss pero hindi pa namin napag-uusapan kung anong meron saming dalawa. Hindi ko din alam kung kaya kong tanungin sa kaniya sa ngayon. Pakiramdam ko kasi kapag pinag-usapan namin iyon, ay mawawala ang kung ano man ang pinagsasaluhan namin.   Napangiwi ako ng bigla siyang huminto at tumama ang mukha ko sa likod niya. Masama ang tingin na tinignan ko si Craige na lumingon sakin.   Hinawakan niya ang pisngi ko at ininspeksyon ang mukha ko. "Masakit?" nag-aalalang tanong niya sakin.   "Hindi, Boss, Sir, Among Tunay. Ang sarap nga eh! Wew!" sarkastikong sagot ko.   Napailing siya at tinignan niya ang mukha ko. Nang makita niya namang okay na, hinawakan niya ang kamay ko at hinila na ako papasok sa elevator. Hinila ko ang kamay ko ng nasa loob na kami ng elevator. Pero hinawakan niya lang iyon ng mahigpit at hinila para mapalapit ako sa kaniya.   "Ikaw naman Sir, ano bang trip mo ngayon? Sarah and John Loyd ba ang peg natin? 'Sir, gaano ka-close?'." pabirong tanong ko.   "What?"   "Saang panahon ka ba pinanganak Sir? Sa panahon ng mga dinosaurs? Ipapalagay na talaga kita sa guinness book of record. Hindi lang dahil ang bilis mong magpalit ng mood. Isa ka pa pala sa endangered species ngayon sa mundo."   "Gutom lang yan. Papakainin na lang kita ng talong--"   "ANG BASTOS MO!"   Nanlaki ang mga mata ni Craige. Mukhang nawindang siya sa ginawa kong pag-sigaw. Kumunot ang noo ko ng inosenteng nakatingin siya sakin. "Anong bastos? Madali lang lutuin yon. O kaya itlog--"   "Stop! Ako na lang ang magluluto, okay?"   Talong... Ang talong... at itlog—   Ipinilig ko ang ulo ko para lumabas doon ang mga lumot na matagal ng nag-camping doon. Inikot-ikot ko pa ang ulo ko na parang sinasapian. Nakatingin lang sakin si Craige habang nag o-orasyon ako. Nakahawak parin siya sa kamay ko.   Wala na akong pakialam. Kailangan matanggal ang mga naninirahang masamang elemento sa utak ko na pumasok doon at gumawa na ng family kaya matindi na ang tama ko ngayon.   Napahinto ako sa new version ko ng head bang ng biglang may pumasok na mga lalaki na naka-tux. Napaatras ako ng wala sa oras ang kaso nabangga na ako noong isa. Bago pa ako matumba ay may mga braso ng sumalo sakin at itinayo ako ng maayos.   Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ng mga mata ko ang tingin ni Craige. Hinawi niya ang buhok ko na kumawala na sa pagkakatali.   Lumingon siya doon sa lalake. "Ingat naman, pare."   Tumingin samin ang lalake. Nang-uuri na tinignan niya si Craige bago siya tumingin sakin. Humagod sa katawan ko ang tingin niya. Typical Male Horninest.   Inismiran ko siya. Kapag hindi ako makapagpigil baka drawingan ko siya gamit ng takong ng sapatos ko. Kaya bago pa ako makasuhan sa pag-eliminate ng taong duda ako kung hahanapin sa mundo, tatahimik na lang ako.   "Nakaharang kasi kayo." sagot nito kay Craige.   Abat! Naramdaman ko na humigpit ang pagkakahawak sakin ni Craige para pigilan ako ng akmang kakalmutin ko na sa mukha niyang hindi ko alam kung mukha ang lalake. "Not worth it."   "Sinisipag ako. Bitawan mo ako at do-drawingan ko ang mukha ng lalaking yan."   Umiling lang si Craige. Tumingin siya sa lalake at parang gusto kong manginig ng makita ko kung gaano kalamig ang tingin niya. Mukhang may natatago pang extraterrestrial power si Craige.   Huminto ang elevator pero wala pa kami sa basement. Mukha kasing napansin na ng mga iba pang lalaki na may nangyayaring kakaiba kaya lumabas na sila. Pero ang lalaking mukhang pangkiskis ng kawali ay mukhang wala pang balak umatras. Mayabang na humarap siya samin ng sumarado ang pinto.   "Nagta-trabaho ka ba dito?" tanong ko.   "Oo, Miss beautiful. Pwede mo akong dalawin kapag type mo. Any time."   "Ganoon ba? Hindi kasi halata."   "Pang-artista nga daw ang mukha ko."   Parang gusto kong tumawa sa sinabi niya. Ang laki naman ng tiwala ng lalaki na 'to sa sarili niya. Minsan talaga may mga taong hindi marunong tumingin sa salamin. Katulad ng taong 'to.   "Ah. Kasi parang kamukha mo yung magsasaka sa probinsiya namin."   Nanglaki ang mga mata niya na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Tumingin ako kay Craige at napangiti ako ng umangat ang gilid ng labi niya. Good mood na siya ulit.   "Look at this face. Kamukha ni Chris Evans. Ikaw, wala kang kamukha...na tao."   Lumapit siya sakin at tumaas ang kilay ko ng makita kong tumaas ang kamay niya na parang sasampalin ako. Handa na akong ilagan siya ng sa isang iglap nawala siya sa harapan ko. Nalipat siya sa pintuan ng elevator kung saan inipit siya ni Craige.   "Look. Papatawarin kita sa hindi paghingi ng tawad ng mabangga mo ang girlfriend ko. Pero ang ambaan siya, hindi ko mapapatawad. If I were you, once the door opens, I'm gonna run as far as I can. Dahil kapag hindi ka tumakbo at naabutan kita, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo."   Tinulak niya ang lalake. Saktong bumukas ang pintuan ng elevator, kaya sumadsad siya sa labas. Nagmamadali na tumakbo siya paalis.   Pero wala na doon ang pansin ko. Paulit-ulit na umikot sa isip ko ang sinabi ni Craige— girlfriend daw?   Erase, erase! Walang ibig sabihin iyon.   Naglakad na kami papunta sa kotse. Bumaba ang tingin ko sa kamay naming magkahawak parin. Bumili kaya ako ng mighty bond at idikit ko ang mga kamay namin. Tama. Bibili ako mamaya.   Pinagbukas niya ako ng pinto at iminuwestra na pumasok na ako. Nakangiting pumasok na ako sa loob at pinanood ko siya ng umikot siya sa kabilang side at pumasok. Pagkaraan ay pinaandar na niya ang sasakyan.   "Mag-grocery muna tayo. Wala na tayong pagkain." sabi ko.   "Okay."   Naghanap kami ng pinakamalapit na grocery store. Huminto kami sa may kalakihan na convenience store. 'DEN'. Bumaba kami ni Craige habang palingon-lingon naman ako. Ang cute ng lugar. May swing pa sa gilid na parang may mga bata na naglalaro dito. Pumasok kami sa loob at nginitian kami ng cashier.   "So, anong bibilin natin?" tanong ni Craige.   "Ano-"   "Syempre PO pagkain PO. Alangan naman Pong manood Po kayo ng movie Po dito Po diba Po?"   Sabay na napatingin kami ni Craige sa nagsalita. May batang maliit na siguro six years old na or seven. May suot siya na fake na eye glasses habang may hawak-hawak siya na libro. Parang mataray na teacher.   "Oo nga, sabi ko nga bibili kami ng pagkain. Ang slow mo talaga Craige." sabi ko kay Craige.   "May kapatid PO ba yan Po? Ang gwapo."   Itapon ko kaya sa bulkang taal ang batang madaldal na 'to?  Pero next time na lang, since ang cute niya. Siguradong may maghahanap hindi katulad nung mukhang aspalto na lalaki kanina.   Tinignan ko ang jumper niya, 'Den'. Sa kaniya siguro pinangalan. So that means, sila ang may-ari nitong store. "May kapatid pa yan. Taken na yung isa, babae naman ang isa, and the other one naman malapit ng maging taken." sagot ko sa bata.   "Eh siya PO?"   "TAKEN NA!"   "Makasigaw naman PO. Obvious ka na, Inday."   Kinurot ko siya sa pisngi. Siya ang tipo ng bata na sa sobrang ka-cute-an parang ang sarap ng paluin sa puwit. Kaso baka bigla akong kasuhan kaya wag na lang. Tinignan ko si Craige at mukhang naaaliw siya doon sa bata.   Kumuha na kami ng pwede naming iluto. Iniwasan namin ang talong at itlog dahil meron pa niyon sa bahay. Umikot pa kami ni Craige para maghanap pa ng iba.   Tinignan ko ang bata ng bigla siyang kumuha ng chips at kinain iyon. Hindi ko na siya sinaway dahil mukha naman siya ang anak ng may-ari. Ang lakas ng loob eh.   Napangiti ako ng inalok niya ako. Kumuha naman ako at kumain na din, since medyo gutom na nga ako. Ang hirap pala maging w**********l. "Ate Sha! Si Ate Ganda yung magbabayad ng chips."   Muntik ko ng mailuwa ang kinakain ko. Naku! Sarap talagang kurutin ng batang 'to. Namigay nga magpapalibre naman. Nilingon ko si Craige.   May hawak siyang talong na tinakip niya sa mukha niya. Tumatawa siya.   Napasimangot ako. Naalala ko nung pinagbayad niya ako dati. Mukhang taga-iisang planeta ang tirahan ng dalawang 'to. O baka magkapitbahay. Nag-appear pa sila niyong bata.   "Ewan ko sa inyong dalawa. Magsama kayo."   "Talaga PO? Mamang gwapo tayo na lang daw PO, mas maganda naman PO ako, kesa kay ate ganda PO."   Kinurot ko ang bata ulit sa pisngi na hindi naman sumigaw. Hinila ko na si Craige bago pa siya maagaw ng makulit na batang kalahi din si E.T.   "Pasensiya na ho kayo kay Den. Iisang anak lang kasi yan eh."   Tinanguhan ko lang ang babae. Cute naman si Den. Pero bilib din ako sa mga magulang niya at hindi nabaliw sa pag-alaga sa kaniya. Sangkatutak na kunsumisyon sigurado ang ibinibigay niya sa mga magulang niya.   Nang mailagay na sa plastic bag ang mga binili namin, nagpaalam na kami sa kanila pati sa batang cute na si Den na busy na sa pag re-rearrange ng mga bagay-bagay sa store nila. Katulad na lang ng napkins napunta na sa helera ng piatos. Goodluck talaga.   "Ang cute ng batang yon." komento ni Craige.   "Alam mo pala ang salitang cute? Astig!"   "Anong akala mo sakin alien—"   "YUP!"   Kinunutan niya ako ng noo pagkatapos ay pinasakay na ako sa kotse. Nang makapasok na siya, ngumiti ako sa kaniya. Ang gwapo niya talaga. Kung sana hindi lang siya masungit baka matagal ko na siyang na-r**e. Siguro iyon ang exact reason kung bakit siya ginawang masungit. Para hindi ako makagawa ng kahalayan— kasalanan.   Napatingin ako sa kabuuan niya. Yum yummy. Wala sa sarili na umabot ako ng kung ano sa plastic bag at isinubo ko iyon. Napatili ako.   "AHHH!"   Nagulantang si Craige at bigla niyang itinigil ang sasakyan. Tili ako ng tili habang pinapaypayan ko ang bibig ko . Sili pala ang nakain ko!   "Hey, hey...relax." aniya ni Craige.   "Relax ka diyan! Maanghang!"   Pumalatak siya. Nagulat ako ng walang babalang kinuha niya ang sili sa bibig ko at itinapon sa labas ng bintana. Kumuha siya ng tubig sa plastic bag at inabot sakin pero parang mas lalong lumala yon. Inunti-unti ko...   "Ikaw kasi eh.."   "Hindi ko nga alam!"   "Gusto mo kasi ng hot. Yan pa ang kinuha mo... nandito naman ako."   Napanganga ako. Nakalimutan ko bigla ang sizzling feeling sa bibig ko. Nakatingin lang ako kay Craige na hindi naman nakangiti pero puno ng amusement ang mga mata.   His second joke...   MABUHAY!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD