CHAPTER 5
ALTHEA'S POV
Kasalukuyan akong nasa 'Craige' habang umiinom ng kape. Alas dose na ng madaling araw pero nandito parin ako. Wala ng masyadong tao at puro agents na lang. Kumuha kasi kami ng mga mission kanina. Nakuha ko na ang sakin at kaya nga ako nandito para hindi ako makatulog habang binabasa ko ang report.
For the past three years, may unusual na nangyayari sa pamilya ng magkakaibigan na Young, Hayes, Harris, Torres, at Parker. Lahat sila may sari-sariling pamilya na. Si Torres, nagkaroon ng anak pero namatay pati na ang asawa niya. Ang iba naman namatay din ang mga anak na lalaki pero buhay ang mga babae.
Si Parker, namatay din ang asawa niya dahil sa depresyon sa nangyari. Hindi maiaalis na nakakapagtakang puro lalaki lang ang pinapatay. Sila Anthony Hayes at ang asawa niya na si Martha, meron silang panganay na anak na lalaki na namatay. Na nasundan ng babae. Pagkaraan ng ilang taon nagkaroon sila ng anak na lalaki ulit, pero namatay din ito.
Siguradong may taong galit sa kanila. After all, nakalagay sa record na may mga bagay na hindi legal sila na ginawa dati. Nagkaroon sila ng mga illegal na gawain na itinigil nila ng magkapamilya sila. Kaya hindi imposible na baka nga may mga taong galit sa kanila. Ang tanong lang, bakit puro anak na mga lalaki lang ang pinapatay sa pamilya nila?
"Hoy!"
"Ay, anak ng palakang kinain ng butiki!"
Pinukol ko ng matalim na tingin ang taong nanggulat sakin. Pinaikot ko ang mga mata ko ng makita kong si Yale lang pala iyon. Umupo siya sa harap ko at nagbaba ng cake. Naibaba ko ng wala sa oras ang folder nang makita ko ang katakam-takam na cake. Kumuha ako ng tinidor at parang witch na humagikhik ako.
"Kailan pa kumakain ang butiki ng palaka?" tanong sakin ni Yale.
Tinignan ko siya at nginuya ko muna ang katakam-takam na cake na basta ko na lang kinain. Uminom ako ng kape at nilunok ko muna lahat ng nasa bibig ko. "Amm..kanina lang. Nakausap ko sila. Gusto na daw nilang mag-change ng life style." sagot ko.
"Baliw." natatawang komento ni Yale.
"I know. Salamat nga pala sa cake."
"May bayad yan."
Iluluwa ko na sana ang kinakain ko, pero tinakpan lang ni Yale ang bibig ko para mapilitan akong lunukin iyon. Ngumisi siya at napailing. "Kidding."
"Sira ulo ka talaga. Alam mo naman na sensitive ako sa pera."
"Oo, kasi kuripot ka."
"Guilty as charge. Saka mabuti narin ang handa in case maisipan ni Boss, Sir, Among Tunay, na singilin ako sa-"
Napahinto ako ng wala sa oras at uminom na lang ako ng kape. Ang alam ko hindi pa alam ni Yale ang kasalukuyang status ko sa buhay ni Craige.
Ngumiti lang ako sa kaniya at nakahinga ako ng maluwag ng hindi na siya nagtanong pa. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko sa cake na ibinigay niya sakin. Infairness, hindi nagbabago ang lasa ng kape kahit na kumain ako ng chocholate cake. Mukhang nagmagic na naman si Yale.
"Sarap. Hindi nagbabago ang lasa ng kape."
"I know. Genius ako eh."
"Yabang."
Tumawa lang siya at tinitigan ako. Kumunot ang noo niya ng parang may napansin sakin. Iminuwestra niya na ipagpatuloy ko ang pagkain na ginawa ko naman. "Parang may bago sayo Thea. Mukhang konting pagod pa hihimatayin ka na sa kinauupuan mo. Idagdag pa na kanina ka pa umiinom ng kape. Last mo na yan, ha?" nag-aalalang sabi sakin ni Yale.
"Kailangan kong magising dahil may binabasa pa ako. At may trabaho pa ako dito bukas at kay Boss, Sir, Among Tunay."
"Kapag hindi mo inalagaan ang sarili mo, magkakasakit ka niyan. Ayoko pa naman na may nagkakasakit dito sa The Camp. Kaya nga healthy na pagkain lagi ang niluluto ko. Pero kahit gaano ka-healthy ang kinakain mo, kung inaabuso mo ang sarili mo, magkakasakit ka parin."
Bumuntong-hininga ako. I need to work. Lagi ko kasing naaalala ang sinabi ng alien na iyon kapag wala akong ginagawa. Kaya pinipilit kong maging busy ang utak ko. "Get some rest, Thea."
"Fine, fine. Hindi ako papasok bukas. Sick leave. Okay lang?"
"Sure."
"Pero sa ngayon dito muna ako."
Napailing na lang si Yale. Pagkaraan ay tumayo na siya ng makitang sumulpot si Eika. Nagmamadaling pumasok siya sa kusina. Hindi ko alam kung anong trip nila ngayon pero mukhang nagtataguan sila.
Binalik ko ang mga mata ko sa folder at nagbasa. Napahinto ako ng may mabasa akong nakalagay na 'partner' sa isang sentence. Parang huminto ang pag-inog ng mundo ng makita ko ang pangalan ng magiging partner ko.
Craige Lawrence.
"NO! Why oh why heaven above? Why? Whyyy?-"
"Quiet."
Natahimik ako ng makita ko si Craige na kapapasok lang. May dala din siyang folder na katulad ng sa akin. Mukhang hindi na siya nagulat sa reaksyon ko. Why Oh Why?
Lumapit ako sa nananahimik na si Hade sa isang tabi at kasalukuyang pinupunasan ang bintana. Wala sa loob na hinawakan ko siya sa balikat at inalog-alog. "Why? why?!"
"Ha?"
Pinalo ko siya sa braso, bago ako bumalik sa kinauupuan ko. Napatili ako ng muntik na bumaligtad ang upuan ng basta na lang akong umupo doon. Buti na lang may pumigil sa pagbagsak ko kasama ng upuan.
"Kapag nasira ang upuan na kinauupuan mo, madadagdagan ang utang mo." banta ni Craige.
Palihim na sumimangot ako at kinain ko na lang ang natira pang cake. Halos mabasag ang platito ng malakas na tinusok-s***h-sinaksak ko ang cake.
Bakit naman kasi si Craige pa? Kung sana hindi siya ang kasama ko, makakawala ako sa kaniya ng matagal-tagal. Malas ko lang dahil siya talaga ang favorite ng mga diwata sa tabi-tabi. Ako, mukhang kakambal ko na talaga ang malas.
Sumubsob ako sa lamesa. Impit na tumili ako. Magiging pinaka-worst na mission ko 'to. I swear. Bubuwisitin lang ni Craige ang bawat araw ko. Tinalo pa niyan ang pinaglihi sa sama ng loob. On second thought, baka hindi naman siya pinaglihi sa kung ano. Hindi naman ata naglilihi ang mga alien.
Or maybe pinaglihi siya ni Tita Sage sa alien. Maitanong nga kapag nakita ko si Tita. Mabuti nang sa nanay niya ko sabihin in case may problema talaga sa utak si Craige. Baka nahulog siya sa hagdanan noong sanggol siya ng hindi lang nila alam. Cool.
Nagulat ako ng biglang umupo sa harapan ko si Craige. Tumaas ang kilay niya ng makita niya sa mga mata ko na ayaw ko siyang makita. "Since we're partners, dapat na mag-usap tayo." panimula ni Craige.
"Sabi ko nga. Ang talino mo talaga Boss, Sir, Among Tunay. Alam na alam mo kung paanong timing ang gagawin mo para buwisitin-- este pasayahin ang gabi ko."
He waved his hand na parang binabalewala ang sinabi ko. I pressed my lips together. Baka kasi lumabas ang pangil ko at bigla ko na lang siyang sakmalin. Tamang-tama dahil ang hot niyang tignan ngayon kaya parang masarap siyang papakin- Ugh! SAVE ME FROM TEMPTATION!
"Nag-desisyon ako na magiging assistant tayo ng isa sa kanila." patuloy niya.
Umilaw ang mga mata ko. At parang may naririnig din ako na mga anghel na kumakanta ng 'Oh, Holy Night.' That means, pwedeng magkaiba kami ng tutuluyan. Hindi kami magkakasama dahil magkaiba ang babantayan namin-
"Kailangan sa iisa lang tayo papasok na assistant dahil sinabi sakin iyon ni Papa. Kay Parker tayo papasok."
Nahulog lahat ng kasiyahan ko. Nagbago din ang tinutugtog ng mga anghel na imbis na 'Oh, Holy Night', napalitan na ng 'Numb' ng Linkin Park. Dooms day ko na talaga. "B-Bakit magkasama tayo? Hindi ba pwedeng hiwalay?" tanong ko sa kaniya.
"No. Sabi nga iyon ni Papa."
"Eh-"
"No. And anyway, it just means na parang magiging bodyguard narin tayo. Ilalagay natin sa resume na marunong tayo sa mga bagay-bagay na makakapagprotekta kay Parker." putol niya sa sasabihin ko.
"Parang PSG ang lagay natin. Cool."
"Presidential Security Group. Presidente lang ata-"
"OKAY!"
Pinutol ko na ang sasabihin niya since hindi niya na gets ang point ko. Wala talaga ni katiting na sense of humor 'tong si Craige kaya dapat bawas-bawasan ko ang pang-tao ko na mga jokes. Kasi nga, hindi siya tao.
"Will you please stop shouting?"
"High pitch lang ang boses ko."
"Pinatingin mo na ba kay Mama yan?"
Oh, Lord. Why? Bakit sa tao pang 'to na wala kahit na isang tuldok na sense of humor. BAKIT? Pakiramdam ko makakalbo ang lahat ng buhok ko -everywhere anywhere. Sa sobrang kunsumisyon na aabutin ko sa taong 'to, baka mukha na akong eighty years old pagbalik namin galing sa mission. O kaya, baka mamatay ako ng wala sa oras.
Kasuhan ko kaya ng attempted r**e para hindi na ako lapitan? Kaso, walang maniniwala na may balak siyang gahasain ako. Baka nga mabaligtad pa ako at ako na ang kasuhan bigla. Wala ata kahit konting pagnanasa sakin yang taong yan. Well the kiss...
"Ang sarap ng halik-- ng cake! Yale! Gusto ko pa ng cake!" sigaw ko.
Namula ako at nag-iwas ako ng tingin kay Craige na sana hindi narinig ang sinabi ko. Kada na lang kasi nasa malapit siya, imposible na hindi ko ipahiya ang sarili ko. Connected pa naman ang utak ko at ang bibig ko kaya kadalasan nasasabi ko ang sinasabi ng utak ko.
"Anong sabi mo kanina?" tanong sakin ni Craige.
"Sabi ko, ang sarap ng cake."
"Sigurado kang iyon ang sinabi mo?"
"O-Oo naman. Ikaw talaga Boss, Sir, Among Tunay. Wala naman akong sinabi na kahit ano tungkol sa halik--"
Ibinagsak ko ang ulo ko sa lamesa. Narinig ko siyang tumawa ng mahina. Marahan niyang itinaas ang mukha ko at napatulala ako ng ngumiti siya. As in smile. Hindi ang kalahati lang niya na ngiti. Smile talaga.
"Anong ginawa mo kay Craige?" tanong ko.
Tumawa lang siya at umiling. Umalis siya saglit at pagbalik niya ay may dala na siyang cake. Napangiwi ako at kahit na busog na ako, kinain ko na lang din ang binaba niyang chocolate cake.
"Why are you eating that?" tanong ni Craige sakin.
"Ha?"
Tinuro niya ang cake. Nanglaki yung mga mata ko at napatingin ako kay Craige. Namula ang mukha ko at inusog ko palapit sa kaniya ang cake. Hindi naman pala niya ibinibigay sakin.
"I'm kidding. Para sayo yan."
Nalaglag ang panga ko. Joke ba yon? Kasi sobrang hindi ako natatawa. Napailing na lang ako at kinuha ko nalang ulit ang cake para wala ng usapan pa. Pagpasensiyahan na ang mga alien na trying hard na mag-joke.
"Bra ka ba?"
"That question again. And again Althea. I'm not a bra."
Napapalatak ako. Bra ka ba? 'cause you're always close to my heart. Buti na lang din hindi ko sinabi dahil baka akalain niya pa seryoso ako. Alam naman natin, ang alien kong boss ay walang kahit na tuldok na sense of humor.
"Anong sinasabi ng isda sa kaibigan niyang isda kapag nag-reunion sila?" tanong ko kay Craige.
"May reunion ang isda? How so?"
Napatingin ako sa ceiling at pinigilan ko ang sarili ko na saksakin siya ng tinidor. Ayoko pang makulong. Ayokong mabalita na 'Althea Evangelista: Pinatay ang Walang Sense Of Humor Na Boss'. Baka biglang bumangon sa hukay niya ang tatay ko at sakalin ako.
Tumingin ulit ako kay Craige. Nag peace sign na lang ako at napailing siya. Pakiramdam ko mutual ang feelings namin. May mutual feelings kami. Parehong sakit ng ulo ang tingin namin sa isa't-isa.
Pagkakaiba ko lang, ako gusto ko talagang pasakitin ang ulo niya. Siya mukhang hindi naman niya sinasadiya at talagang inborn talent niya na iyon. Ipinanganak ata siya para guluhin ang buhay ko.
Tumayo ako para kumuha sana ng kape ng makaramdam ako ng hilo. Pinilig ko ang ulo ko. Inaantok na siguro ako kaya nahihilo na ako. Nararamdaman ko na ang pagod ko. May epek kasi na ganoon si Craige. Pagod na ako at lalong na-drain ang konti kong lakas ng makausap ko si Craige.
Pero tinatamad na akong maglakad pauwi. Hindi naman pwedeng dito ako matulog. Tumingin ako kay Craige na tumayo ng makita na bumuway ang tayo ko.
Palihim na napangisi ako at nagkunwarian ako na nahimatay.