Chapter 6

1885 Words
CHAPTER 6 ALTHEA'S POV   Idinilat ko ang isang mata ko ng tumama sakin ang sinag ng araw. Tumingin ako sa orasan sa bed side table ko at napainat ako ng makita kong tanghali na pala. Ay hindi pala. Trenta minuto na lang mag a-ala una na ng hapon.   Bumangon ako habang hila-hila ko ang kumot ko. Kumunot ang noo ko ng may maapakan ako na kung ano. Kasabay non, may naramdaman akong humawak sa paa ko.   Napatili ako at nagpapasag, lalo na ng may maramdaman akong humila sa paa ko. Pumikit ako ng may dumagan sakin. Mukhang may halimaw sa kwarto ko. Why oh why?   Hindi! Hindi ako pwedeng sumama sa kaharian ng halimaw na nahalina sa beauty ko. Marami pa akong misyon sa buhay katulad ng kailangan ko pang pasabugin ang utak ni Boss, Sir, Among Tunay sa galit sakin.   Nagmulat ako ng mata at handa na sana akong makipagpatayan sa halimaw ng sinalubong ako ng brownish na mga mata. Naglakbay ang mga mata ko sa katawan na nasa ibabaw ko. Oooohlala!   "Amm... Boss, Sir, Among Tunay. Nagkakasala na ang mga mata ko. Pwedeng umalis ka na muna diyan bago kita marape-- I mean, bago pa tayo makita ng kung sino man."   "No."   Itinaas ko ang kamay ko para maalis ko siya sa ibabaw ko pero hinawakan niya lang ang dalawang kamay ko at itinaas sa ibabaw ng ulo ko. Nanglaki ang mga mata ko. "A-Ano ba kasing ginagawa mo dito? Trespassing yan Boss, Sir, Among Tunay."   "A few hours ago, may tinulungan lang naman ako na isang babae na biglang hinimatay. Only to find out nang makarating ako sa bahay niya, na natutulog lang pala siya dahil she's happily snoring."   "Hindi ako naghihilik!"   "Then I realized, naisahan lang pala ako ng babae na iyon para hindi niya na kailanganing maglakad pauwi. At dahil pagod din ako, wag ka ng magrereklamo na dito ako natulog."   Sumimangot ako. Whatever. Pumasag ako para pakawalan niya na ako pero ayaw niya parin akong pakawalan. I gritted my teeth. Kapag ako nagalit, ihahagis ko siya sa labas ng bintana. Well, mamaya na kapag sinipag na ako. Sa ngayon, gusto kong kumain dahil unti-unti ng kinakain ng nerves ko ang maliit at malaki kong intestine. Cool no?   "Boss, Sir, Among Tunay, pwedeng pakibalik na ang braso ko, kasi braso ko naman yan? Gusto ko ng kumain at kailangan ko na ding pakainin si Adonis."   Pinaningkitan niya ako ng mga mata bago ako pinakawalan. Nakahinga ako ng maluwag at tumayo na ako. Iniwasan kong mapatingin sa yummylicious na si Craige. Baka kasi maisipan ko siyang itali at gahasain--   Lumabas na ako ng kwarto at nakasalubong ko si Adonis na kalalabas lang din ng kwarto niya. Bahagyang ngumiti siya sakin at lumapit.   "Okay ka na, Ate? May sakit ka pa po ata. Namumula po ang mukha-"   Tinakpan ko ang bibig niya at binuhat ko siya papunta sa kusina. Iniupo ko siya sa high stool at nginitian ko siya. Nagtataka man sa kinilos ko, ngumiti na lang din siya sakin. "Okay na ako. Mainit lang sa kwarto ko."   "Binantayan ka po ng Boss mo."   Tumango na lang ako habang nakangiwi. Kung bakit naman kasi sa kwarto ko pa naisipan ng Boss kong tamad na matulog. Whatever. Atleast, hindi ako napagod sa pag-uwi. Umupo ako sa high stool at nangalumbabang nakatingin kay Adonis. Nag-iisip ako kung anong magandang almusal namin. Kaso wala akong maisip. Natutulog pa ata ang mga cells sa utak ko na malapit ng maging extinct.   "Anong gusto mong almusal?" tanong ko kay Adonis.   "Hotdog and pancakes po."   "Okie dokie!"   Tumayo na ako at kumuha ako ng pancake mix. Inilabas ko narin sa freezer ang hotdog at inilagay ko iyon sa isang tabi. Itinali ko ang buhok ko para hindi ako maistorbo.   Sinimulan ko ng haluin ang mga mixtures. Kumunot ang noo ko ng parang naging sabaw na yon. Ganon ba talaga dapat yon? Parang may mali akong ginawa. "Hindi maluluto yan.You'll end up having a juice rather than a pancake."   Pekeng-peke ang ngiti na nilingon ko si Craige na katabi na pala si Adonis. Pareho pa silang nakapalumbaba habang nakatingin sa ginagawa ko. Kung hindi ko lang alam, iisipin ko pa na magtatay sila. Ang kaso, kamuka ni Adonis si Naya.   "Since magaling ka naman Boss, Sir, Among Tunay, ano ba ang dapat ang gawin ko?"   "Lagyan mo ng konting flour or pancake mix pa kung meron ka."   Nginitian ko siya ulit at pagkatapos ay pinukol ko ng masamang tingin ang walang kamuang-muang na pancake mix. Kumuha pa ako sa cupboard at nilagyan ko iyon ng konti pa. Mabilis na hinalo ko yon na parang sampung segundo na lang ang itatagal ko sa mundo. Nang matapos ako naglagay na ako ng mixture sa pan.   Naku! Kapag ako talaga nainis sa Boss ko na super caring baka ihulog ko na siya ng patiwarik papunta sa magma ng Taal Volcano. Baka sakaling matahimik ang mundo ko.   Kumuha ako ng slotted turner at ibinaligtad ko na ang pancake. Nalaglag ang panga ko ng sumabog iyon sa pan. Nakalimutan ko, kapag nasa malapit nga pala si Craige inuulan ako ng kamalasan.   "Damn it!" I cursed.   "Akin na nga."   Kinuha na sakin ni Craige ang slotted turner at siya na ang nagluto. Nangangalit ang mga ngipin na kumuha ako ng isang hotdog at inamba ko sa kaniya ng hindi na siya nakatingin. Nang lumingon siya ngumiti ako at kinagat ko ang hotdog.   "Ang sarap pala nito kahit hilaw." sabi ko ng wala sa oras.   "Gross." komento ni Craige.   Nang tumalikod na siya nandidiri na iniluwa ko ang hotdog at itinapon. Pagkatapos ay naghain ako ng mga plato at tumabi ako kay Adonis na ngumiti lang sakin.   "Anong gusto mong gawin today?" tanong ko sa kanya.   "Pupunta po kami ni Hermes kaila Tito Marveige. Tuturuan daw po nila kaming magpaint."   Nakangiting tumango ako. Magaling ngang magpaint si Kate. Hinaplos ko ang buhok ni Adonis. Sigurado ako paglaki niya magiging chick boy siya. Ang gwapo-gwapo niya eh.   Pero saka ko na iyon iisipin. Mag-iipon muna ako para ready na ako in case may gustong pumikot kay Adonis someday. O kaya magpapagawa ako ng tower na parang kay Rapunzel para walang pumikot sa kaniya.   "O, ready na."   Nilingon ko si Craige. Inihain niya sa harapan namin ang mga pancake pati mga hotdog na naluto na niya din pala. Sa mga oras na yon, naisip ko paano kaya kung gigising ako ng ganito araw-araw na siya ang nakikita ko. Sabay kaming mag-aalmusal kasama si Adonis at ang mga magiging anak namin-- erase, erase.   Nagsimula na kaming kumain. Nakatingin lang ako don sa plato ko para hindi ko matitigan ang mga yummylicious na muscles ni Craige. Kung alam ko lang na dito din pala siya matutulog kagabi. Edi sana pinigilan ko ang antok para kapag tulog na siya magagahasa ko na siya--   SAVE ME FROM TEMPTATION!   "Ate?"   Napaangat ako bigla ng mukha at napatingin kay Adonis na nakakunot-noong nakatingin sakin. I smoothed his forehead at ngumiti naman siya. "Bakit?"   "Wala lang po. Bigla ka po kasing tumigil sa pagkain."   "May naisip lang ako."   Sumubo na ulit ako ng pancake. Tinignan ko si Craige na nakatingin sa newspaper, laging may nagdadala dito non sa umaga. Hindi siya lumingon sakin, kaya nakibasa narin ako sa hawak niya. Yung sa likod nga lang ang binabasa ko.   Nilapit ko pa ang mukha ko para kitang-kita ko. Napaangat ang kilay ko ng mabasa ko ang mga balita. Ang dami na palang tsismis sa mundo. Napatuwid ako ng upo ng biglang bumaba ang diyaryo. Nagtama ang mga mata namin ni Craige na mukhang napansin na ang ginagawa ko.   Nagpeace sign na lang ako sa kaniya.   "What are you doing?"   "Nakikibasa sa newspaper ko Boss, Sir, Among Tunay."   Umangat yung gilid ng labi niya pero hindi na siya nagkomento. Pinagpatuloy niya na lang ang pagkain. Iniangat niya ang kape niya at uminom. Napasinghap ako ng makita kong nakatingin siya sakin habang umiinom. Sinundan ng mga mata ko ang ginawa niyang pagdila sa rim ng mug. Damn! Sana mug na lang ako.   Napalunok ako at wala sa sarili na inagaw ko sa kaniya ang mug ng kape at uminom ako. Binalik ko sa kaniya yon at napansin ko na tumaas ang kilay niya.   "Bakit ba ayaw mong magtimpla ng sarili mong kape?" tanong niya sakin.   "Sayang ang effort. Saka tinatamad ako."   "Kailan ka ba sinipag?"   "100 years ago."   Pumalatak siya bago ipinagpatuloy ang pag-inom ng kape. Ibinaba niya iyon sa gitna namin at nakangiting kinuha ko iyon at nakiinom ulit. Nagkakangitian na kami ng paulit-ulit naming ginawa pinagsaluhan ang kape.   Napatigil lang kami ng may maliit na tikhim kaming narinig na parang kinukuha ng atensyon namin. Lumingon ako sa gawi ni Adonis.   "Maliligo lang po ako." paalam ni Adonis samin.   "Okay, want me to help you?" tanong ko sa kaniya.   Umiling siya at nagmamadaling umalis. Mukhang bata pa lang, ayaw na ni Adonis sa mga sweet and mushy things, if that's what we're doing a while ago.   Binalik ko na ang tingin ko a plato at kumain. "Mamaya bibili tayo ng damit." sabi ni Craige.   "Magbibihis body guard ba ako? Black slacks and the likes?"   "No. Though may dress code. Black. Pero pwede ka paring magdamit kung anong gusto mong suotin."   Pumalakpak ako. Mabuti yon. Syempre, gusto ko magaganda ang susuotin ko. Yung tipong maakit sakin si-- I mean, magiging presentable ang ayos ko. Wala akong panahong mang-akit. Weh di nga? If I know...   Pinilig ko ang ulo ko para maitaktak ko palabas ang konsensya ko at ng matusok ko ng tinidor. Tinaktak ko pa ang tenga ko para mawala na siya ng tuluyan "What are you doing?"   "Nagmamagic."   "What magic?"   "May lalabas na hotdog sa tenga ko."   "Gross."   Nginisihan ko lang siya. Nakalimutan ko na off nga pala ang sense of humor ni Craige. Kumbaga sa mga taga Earth, siya ay taga planet Chumurereng. Ang planeta ng mga gwapong bitter.   Kung saan ko nalaman ang planeta na yon, hindi ko din alam. Basta lumabas na lang siya sa utak ko once upon a time. At dahil nga bangag ako, nakagawa ako ng sarili kong planeta. "Anong tawag sa mais na hindi marunong mag joke?" tanong ko kay Craige.   "Kailan pa natutong magsalita ang mais?"   I moan. Ang sakit talaga sa ulo ni Craige. Dapat ipasok ko siya sa school na 'Sense Of Humor School'. Makapaghanap nga non at ipapasok ko sa kinder si Craige.   "Hmm. I like that." aniya ni Craige.   "Ang alin?"   "You moaning-"   Huminto siya. Tinaasan ko siya ng kilay. Nag-iwas siya ng tingin at sumubo na ng pancake. I rolled my eyes at nagpatuloy na lang din ako sa pagkain. Makapagresearch nga ng mga jokes baka sakaling may isa siyang magets don.   Hindi ako mawawalan ng pag-asa dahil baka may way pa para magamot ang malubha niyang sakit. Kung magkakaroon siya ng sense of humor, wala na akong problema. "Boss, Sir, Among Tunay. Kailan tayo pupunta kay Parker?"   "Soon."   "How soon?"   "Very soon."   Pinag-igting ko ang bagang ko at pinigilan ko ang sarili ko na tusukin siya ng tinidor na hawak ko. Ngumiti na lang ako. Be kind to any extraterrestrial living things.   Napasapo ako sa ulo ko at napangiti. "Alam ko na!" anunsiyo ko.   "What?"   "Alam ko na kung sino ang kalahi mo, Sir."   "Sino?"   "Si E.T.! E.T. phone home! E.T. phone home!"    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD