Chapter 1

2317 Words
CHAPTER 1 ALTHEA'S POV   Nagmulat ako ng mga mata. Hindi muna ako bumangon at tumitig lang ako sa ceiling. I'm sure magiging boring na naman ang araw ko. Dalawang araw na akong bored. Wala kasi sa The Camp si Craige.   Don't get me wrong. Wala akong pakialam kung nasaan man siya. Kahit mag ala Dora The Explorer siya at pumunta sa north pole para hanapin ang tambayan ni Santa Claus, wala akong pakialam.   Ang kaso mula noong inatake ako ng kagandahan s***h katangahan at nabasag ko ang antique niyang collection na vase, naging goal ko ng gawing super hot ang kaniyang mga araw. Wag green minded, super hot equals to hell.   Ginagawa kong impyerno ang buhay niya. Napakasungit naman niya kasi kaya imbis na gawin ko ang demands niya ng maayos nagreverse ang utak ko at naging past time ko na ang galitin siya.   Infairness, simula ng ginawa ko siyang laughing stock every time na halos magwala siya sa galit hindi ko na kinailangan pang magpafacial. Instant refreshing ang galitin siya. Nakakaexercise ng mga muscles sa mukha ang pagtawa ko sa mga pang-aasar ko sa kaniya.   Sumimangot ako ng maalala ko yung ginawa ko. Fine, fine, it was my fault.   Bakit naman kasi ako pa ang kailangan na mag-ayos dito sa bahay ng Craige na iyon? Mukha ba akong alalay niya? Kung hindi lang nagmamakaawa si Tita Sage na linisin ko ang bahay ng anak niya na naging pugad na daw ng scratch paper hindi pa ako susunod.   Nunca na maglinis ako dito. Kaya lang malaki talaga ang utang na loob ko kaila Tita Sage dahil sila ang kumupkop sakin nang mga panahon na naglayas ako samin.   Mula pa noon hindi na talaga kami nagkakasundo ni Craige. Maingay ako, siya tahimik. Mahilig ako sa maraming tao, siya loner. At tao ako, siya ay alien. Simple as that.   Pagpasok ko sa villa ni Craige gamit ang susi na binigay sakin ni Tita Sage, napasimangot ako sa dami ng papel na nakakalat. Ang sabi ni Tita Sage lahat daw ng tuwid na papel wag ko daw gagalawin. Lahat daw ng lukot ilagay ko sa plastic bag at wag ko daw itatapon. Baka daw kailangan pa ni Craige iyon.   Kung hindi ko lang alam na imposible, iisipin ko na taniman ng papel ang bahay na ito. O kaya pagawaan ng papel sa dami ng papel na nandito.   Bumuntong-hininga ako pagkatapos ay sinumulan ko na ang paglilinis. Pinasok ko lahat ng lukot na papel sa black plastic bag. Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas dahil hanggang taas ng villa at pati na sa kusina meron. Nang matapos ako, itinambak ko na lang yon sa may sofa. Habang dala-dala ang feather duster, naglakad ako papunta sa isang kwarto na hindi ko napasukan kanina. Kumunot ang noo ko ng makapasok ako.   Bakit ang daming vase dito? Pumasok ako at nagtingin-tingin. Merong vase na halos kasing laki ko na. Sa tingin ko kasya na ako doon. Kaya bago pa may mangyari sakin at mashoot ako doon, lumayo na lang ako.   Tinignan ko pa iyong iba. Meron na parang deformed na ang shape. May iba naman na masyadong makintab. Ibat-ibang size pa. Nacu-curious na nilapitan ko ang isa. Maliit na vase lang siya.   Mahingi nga kay Craige para may lalagyan ako ng pencil at ball pen. Ang ganda, para siyang diamond na ewan though hindi din ako sigurado. Inangat ko yon at kinagat.   "Parang totoong diamond ka ah. Siguro replica ka no? Mahingi ka nga. Hindi naman siguro magagalit ang Boss mo na walang pakialam sa mundo-"   Napapitlag ako ng biglang may kumaluskos. Parang slow motion lahat. Dahil sa gulat ko dumulas sa kamay ko ang maliit na vase. Napasinghap ako habang nanglalaki ang mga matang nakatingin sa vase na parang stars na ngayon. Pira-piraso na.   Relax. Relax Althea. Vase lang yan.   Yumuko ako at kumuha ako ng piraso. Kinagat ko ulit yon at tinignan ng mabuti. Ilang beses narin akong nakakita ng diamond pero hindi ng isang vase na diamond.   "Hala ka! Naku naman. Anong ginawa ko?! Mapapatay ako ng taong yon na pinaglihi ata sa sama ng loob katulad ni Plankton na gustong agawin ang recipe ng crabby patties-" pilit na pinatigil ko ang sarili ko.   Ninenerbyos na naman ako. Huminga ako ng malalim at nagmamadaling tumakbo ako papunta sa kusina. Naghagilap ako ng scotch tape at gunting. Nang makakita ako tumakbo ako pabalik sa kwarto.   Huminga ako ng malalim at sinumulan kong pagdikit-dikitin ang mga piraso ng vase. Kaya ko to.   Nagkanduduling na ako bago ako natapos. Binalik ko siya sa kinalalagayan niya habang pinipilit kong paniwalain ang sarili ko na hindi halatang may nakalagay na scotch tape doon.   Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng biglang bumukas ang pinto. Sunod-sunod na huminga ako ng malalim na tila inuubos ko na ang hangin na nag e-exist sa paligid.   Kinakabahan na lumingon ako sa pinto habang nakapikit ang mga mata ko. Hindi si Craige ang nasa pinto, hindi si Craige ang nasa pinto, hindi si Craige-   "What are you doing here?!"   Oh why, oh why?!   Dahan-dahan na minulat ko ang mga mata ko. Masama ang tingin sakin ni Craige at pinilit kong ngumiti kahit na gusto ko ng tumakbo paalis. Lumapit siya sakin at nakita kong naagaw ng pansin niya ang vase na pilit kong tinatakpan sa likod ko. Pinalis niya ako ng braso niya and I heard him muttered something unintelligible.   "What did you do?!"   "Alin? W-Wala akong ginawa ah!"   "Anong ginawa mo sa vase ko? Alam mo ba kung gaano kamahal yan?!"   Itinaas ko ang gunting at ginalaw-galaw ko iyon sa tapat ng mga mata ni Craige na parang hinihypnotize ko siya. Masama ang tingin na nakatingin siya doon sa gunting. "Humm....wala kang nakita...hummmmm...wala kang nakita..hummm..wala kang nakita-"   "ALTHEA!!"   Napatakip ako sa tenga ko. Hindi na ako nakapagreklamo dahil hinila niya ako palabas ng kwarto na iyon hanggang sa living room. Napaupo ako sa sofa.   Masama ang tingin niya sakin at dahan-dahan na naglakad siya palapit sakin. "Kailangan mong mag bayad."   "A-Ano? Sige magkano ba? Anong akala mo sakin poor?"   "Ako ang mamimili ng kabayaran."   Napalunok ako. Alam kong gwapo siya. At meron siyang yummy- I mean magandang katawan. Pero hindi ko pwedeng ibigay na lang basta-basta ang kagandahan ko sa kaniya. Hindi maaaring mapasakamay ng alien na katulad niya ang kadyosahan ko-   Napatigil ako sa iniisip ko ng umangat ang gilid ng labi ni Craige na parang alam niya kung ano ang iniisip ko. Ipinatong niya sa magkabilang gilid ko ang mga kamay niya. Trapping me.   "You're not my type of a woman. I can have lots of them if I want. Isa lang ang gusto kong kabayaran sa ginawa mong pagbasag sa isa sa collection ko. Be my slave."   The rest was history. Kung anu-ano ang inuutos niya sakin, at katulad ng masunurin na alalay ay sinusunod ko. Iyon nga lang, wala naman sa usapan na kailangan kong maging mabait. Masunurin lang.   Napatingin ako sa bedside table ng mag-ring ang phone ko. Tinatamad na sinagot ko iyon. Wala akong gana. Wala ang favorite past time ko.   "Thea!"   "Napatawag ka Quin?"   "Nakabalik na si Craige."   Parang bigla akong na re-charge at bigla akong napabangon. Mukang magiging lively na naman ang araw ko. Nakangiting tumayo na ako habang nagpo-pole dancing kahit walang pole. Paano nangyari iyon? Tanging kasing genius ko lang ang makakaalam! Yeh!   "Thanks! Pupunta na ako diyan."   "Wala kang balak pumasok kanina no?"   "Wala."   Natatawang binaba ko na ang phone ko. Excited na kumuha ako ng damit at naligo. Nag-ayos muna ako ng sarili ko at sinuot ko ang uniform ng The Camp. Maaga pa naman kaya hindi ko kailangan na magmadali.   Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko si Adonis na kagigising lang. Anak siya ng ama ko sa matalik na kaibigan ko na namayapa na. Napatawad ko na sila at wala akong balak idamay ang bata sa naging kasalanan nila, kaya hinanap ko si Adonis at natagpuan naman siya sa isang bahay ampunan.   Nginitian ko siya at ngumiti naman siya. Ngiti na bihirang makikita ng iba. Sakin lang ata ngumingiti yan, saka kay Craige. Maybe because may attitude sila na pareho kaya mag kasundo sila.   "Anong gusto mong breakfast? Rice, bread, oatmeal?"   "Oatmeal po."   Tumango ako at pinaghanda ko na siya ng oatmeal. Kumuha narin ako ng sakin at sabay na kumain kami. Nang matapos kami ay hinugasan ko na ang plato namin habang si Adonis naman ay pumasok sa kwarto niya.   Nang matapos akong maghugas ay inayos ko ang mga libro na nakakalat sa sofa. Sakto na lumabas si Adonis na nakapaligo na at bago na ang damit.   "O ba't hindi mo ako tinawag? Hindi tuloy kita natulungan."   "Okay lang po ate."   Napangiti ako. Very independent na si Adonis. Siguro dahil lumaki siyang mag-isa sa ampunan kaya naging ganoon siya.   "Gusto mo sumama sakin sa Craige?"   "Pupunta po sana ako kaila Hermes..."   "Okay, halika hahatid na kita."   Hinawakan ko ang kamay niya at magkahawak-kamay na naglakad kami. Pumunta kami sa villa nila Fierce, siya ang umampon kay Hermes na nag-iisang kaibigan ni Adonis sa ampunan noon. Naabutan namin si Fierce na kasalukuyang nasa labas habang karga-karga si Hera.   "Fierce!"   "Hi Thea, hi Adonis. Nasa loob si Hermes iniintay ka."   Yumuko ako at nahihiya na humalik sa pisngi ko si Adonis bago tumakbo papasok sa loob ng bahay nila Fierce. Sumilip ako kay baby Hera. "Ang gandang baby naman. Mana sa ninang na maganda, that's me!"   "Baliw. Sige na lumakad ka na. Alam kong hinahanap mo si Craige."   Ngumisi lang ako sa kaniya. Hindi na ako mag e-explain dahil I'm sure hindi naman siya maniniwala. Naglakad na ako paalis. Last month ata ginanap ang binyag ni Hera. Ang dami namin na umattend. Meron pa nga na ang sabi taga-w*****d daw sila. Hindi ko naman alam kung saan yon kaya hindi na lang ako nagtanong.   Ngiting-ngiti ako ng makarating ako sa Craige. At lalo akong napangiti ng makita ko ang past time ko na kasalukuyang nakaupo sa isang pwesto. Kinuha ko ang maliit na notebook at pen ko at lumapit ako kay Craige.   "Hi Boss, Sir, Among Tunay! Welcome sa napakagandang restaurant, ang Craige. Na lalong gumaganda dahil nandito ako, ang inyong lingkod-"   "I want my clubhouse sandwich and coffee... yung mainit."   Ngumiti lang ako sa pambabara niya. At habang papunta ako sa counter natatawa na lang ako sa dinagdag niyang sinabi kanina. Coffee na mainit. Since dati binigyan ko siya ng ice cold coffee.   Pumasok ako sa loob ng kusina at naabutan ko si Yale na kasalukuyang pinagtitinginan ng mga assistant niya dahil as usual mukha na naman siyang gigolo. Naka-pants lang siya at walang pang-itaas.   "Yale, clubhouse sandwich daw at saka kape na mainit."   "May kape ba na hindi mainit?"   "Meron."   "Sabi mo eh."   Ininit lang ang sandwich dahil kanina pa nagawa iyon. May nagtimpla naman ng kape. Nakangiting naghugas ako ng kamay at inagaw ko kay Yale ang plato ng clubhouse sandwich. Inayos ko yon. Nang matapos ako, nilagay ko yon sa tray pati na ang kape.   "Cute," nakangiting sabi ni Yale.   "I know right."   Lumabas na ako at lumapit kay Craige. Nakangiting binaba ko ang order niya at nakita kong kumunot ang noo niya don sa ayos ng clubhouse sandwich na inayos ko na parang deformed na bahay.   "Ano to?"   "ClubHOUSE sandwich at ang coffee niyo na mainit na mainit. Mas hot pa sayo."   Bumuntong-hininga siya at nagsimulang kumain. Uminom siya ng kape. Lahat yon pinanood ko at hindi parin ako umaalis sa kinatatayuan ko.   "Wala ka bang balak umalis?"   "Meron po. Babush! May lason po yan-"   Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan kong matawa ng maibuga niya ang iniinom niya na kape. Inosenteng tumingin ako sa kaniya."Joke lang. Ikaw naman Sir. Matuto ka ngang mag take ng jokes para hindi ka lalong mag mukhang matanda-"   "What did you say?"   "Sabi ko baka mabawasan ang infinite niyong kagwapuhan kaya chillax."   Umupo ako sa harap niya at kumuha ng sandwich at nakikain. Actually, hindi ako nabusog sa oatmeal kanina. Kaya gutom na gutom ako ngayon. Nang hindi ako makuntento kinuha ko yung kape niya at uminom.   "Don't you have your own food?"   "Meron kaso tinatamad ako. At saka hindi mo ba alam na mas masayang kumain ng may kasabay?"   "Hindi."   "Saang planeta ka ba galing, Boss, Sir, Among Tunay? Sa 'Me, Myself and I' planet?"   Binigyan niya ako ng matalim na tingin at ngumiti lang ako at garapalan na kumagat doon sa clubhouse sandwich. Nakatingin lang sakin si Craige. Inabot niya sakin iyong kape pagkaraan. Ngumiti ako at tinanggap ang kape at uminom.   Kaya din naman palang maging mabait nitong alien na ito. Kailangan lang pala na sabayan ko siyang kumain. Kung alam ko lang edi sana matagal ko ng ginawa.   Nag-angat ako ng tingin ng tumayo siya. Hindi siya tumingin sakin at si Hade na dumaan ang hinarap niya. "Put everything on her tab."   Napanganga ako at nalaglag pa yung kagat-kagat ko na tinapay. Masama ang tingin ang ibinigay ko sa nakatalikod na si Craige habang naglalakad siya paalis. Kulang na lang ibato ko sa kaniya ang palakol na alam kong meron sa tool house sa likod ng 'Craige'.   Well... mamaya na lang. Kakainin ko muna 'to since ako din naman ang magbabayad. And take note, share kami ng kape. Inikot ko ang tasa ng kape at hinanap ko kung saan part siya uminom. Pagkatapos ay uminom ako.   See? May libreng kiss ako. Indirect nga lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD