CHAPTER 2
ALTHEA'S POV
Masigla ako habang nagta-trabaho. Pero pagdating ng hapon kasabay ng pagkonti ng mga tao sa 'Craige' unti-unti narin akong nabo-bored. Buti pa si Adonis na nakita kong kasama ni Hermes na mukhang balak maging second Dora The Explorer ay hindi nabo-bored dahil iniikot nila ang buong The Camp.
Dahil kakaparlor s***h bagong upgrade lang ng system ng The Camp, may bago ng inilagay sa mga Phone namin na bigay ng The Camp.
Pwede na naming i-track ang mga bracelet na suot nila Hermes at Adonis para alam namin kung saan sila nandoon. At kung saktong may security camera kung saan sila naggagala, makikita namin kung anong ginagawa nila.
Sa ngayon, kami pa lang ni Fierce ang gumagamit non kasi kami pa lang naman ang may bata sa bahay na kailangang bantayan.
"Shoo!"
Kumunot ang noo ko. Kasalukuyan akong nasa likod ng 'Craige' para magtapon ng kahon na lalagyan ng ingredients ng may marinig ako na kung ano. Nalingunan ko si Hade na kasalukuyang may tinataboy.
"Ano yan?"
"Ay palaka!"
Tumingin ako sa paanan niya at nakita kong may malaking palaka na tatalon-talon paalis. Hindi ako takot sa palaka, takot ako sa maliliit na insekto.
"Wew! Galing mo Thea. Ikaw lang pala ang makakapagpaalis kay Micaela."
"Sino yon?"
"Yung palaka."
"Pinangalanan mo ang palaka?"
"Oo!"
Ngiting-ngiti siya na parang proud na proud sa ginawa niya. Alanganin na ngumiti ako at tumango-tango. Minsan may pagkaweird din tong si Hade. Kung sabagay wala naman atang hindi baliw na tao dito sa The Camp. Parang zombie virus lang yan, super nakakahawa. At saan nagsimula ang virus? Baka kay Craige since alien naman siya.
"Wag mong kausapin yan at baka malason ka."
Nginitian ko lang si Quin at nilagay ko na sa gilid ang box. May kukuha non mamaya. Pumasok na ako sa loob bago pa ako maipit na naman sa alien communication nila ni Hade.
Pagpasok ko sa loob naabutan ko si Yale na lumabas ng kusina na may dalang box. Inilagay niya iyon sa counter at ipapadeliver na sana niya sa isang agent pero nakita ko ang pangalan. Mabilis pa sa alas kwatro na kinuha ko yon.
Mabuhay! This is my lucky day!
Nakasulat sa maliit na papel ang pangalan ni Craige. Nginitian ko si Pierre na siyang dapat magdadala non kay Craige. Napailing na lang siya.
"Hey, Thea." tawag sa akin ni Yale.
"O?"
"Kamusta naman ang indirect kiss-"
Tinakpan ko ang bibig niya at hinila ko siya papunta sa kusina. Pinakawalan ko siya ng nasa loob na kami at inabutan ko siya ng hinablot ko na sandok. "Shh! Magluto ka na lang kung hindi iihawin kita! Nakit mo yung... yung..."
"Yung pag ikot-ikot mo ng mug ng kape para hanapin ang ininuman ni Craige at-"
"Shh!"
Nakapameywang na tinignan niya ako at parang hinihintay niya akong mag explain. Sinimangutan ko siya at inagaw ko sa kaniya ang sandok at mabilis na hinalo ang sauce na nasa isang stock pot sa sobrang tensyon ko.
Mabilis naman na inagaw sakin ni Yale ang sandok at ibinigay iyon sa assistant niya. Inilayo niya ako at napapailing na tinignan ako.
"Wag kang green minded Yale. Aba nakita mo naman si Boss, Sir, Among Tunay. Ang hot, ang gwapo, at higit sa lahat libreng pagnasaan."
"So aminado ka na pinagnanasaan mo siya?"
"Nang slight. Wag lang niyang ibubuka ang bibig niya dahil nawawala ang pagnanasa ko. Don't get me wrong, he's just another pretty face."
"Mas hot ako don."
Nag pose pa siya sa harap ko, flexing his hard muscle. Napangiwi ako at umatras. Ang baliw s***h kusinero s***h gigolo ng The Camp? Not my type. Well hindi ko din type si Craige. Type ko lang siyang pagnasaan.
Kung anong pagkakaiba non wag niyo ng alamin dahil ako, hindi ko din alam. Para lang yang wag kang magkutinting ng may utak ng may utak. Personal Space yow!
Lumabas na ako ng kusina at patalon-talon pa na naglakad na ako papunta sa office ni Craige. Sinilip ko pa ang laman ng box at nakita kong sandwich iyon. Kinapa ko yung bulsa ko at inilabas ang phone ko ng mag-ring yon. Napaangat ang kilay ko ng makita ko ang pangalan ni Craige.
"Hello Boss, Sir, Among Tunay, Hari ng mga alien- I mean ng mga gwapo?"
"Get me a pen."
"Anong klase-"
Napasimangot ako ng bigla na lang nawala ang kausap ko sa kabilang linya. Tumingin ako sa langit habang nag-iisip. Napangisi ako ng may naisip na naman ako na kalokohan. Pumunta ako sa isang tindahan dito sa The Camp na pag-aari ni Kate. Asawa ni Marveige na kapatid ni Craige. Kadalasan mga para sa The Camp ang tinda doon, meron ding mga wine at kung anu-ano.
Pumasok ako sa loob. "Hi Kate!"
"O Thea napasyal ka?"
"Tinamaan kasi ng kasipagan si Among Tunay kaya ako ang naatasan niya ng napakahalagang gawain na baka makapagpayaman sa bansa natin, tenenen! Ang bumili ng ballpen."
Natawa siya at inabutan ako ng black na sign pen. May kinuha pa ako na isa na nakita kong cute, isang set yon. Sinama ko din iyon sa naunang ballpen. Tumaas ang kilay ni Kate pero hindi na siya nagsalita.
"Sa bill ni Craige?" tanong niya.
"Okie. Ay wait isama mo na din iyon."
"Sure ka?"
"Yup."
After a few minutes, palabas na ako ng store ni Kate at tatalon-talon na naglakad ako papunta sa office ni Craige. Tumapat ako doon sa scanner. "Welcome Sakit Ng Ulo Ko."
Napaangat ang kilay ko at inambaan ko ng suntok ang deviceni Craige. Mukhang binago niya ang sasabihin nung pesteng device na iyon. Binuksan ko ang pinto at pumasok. Naabutan ko si Craige na busy na busy sa pakikipag-usap sa telepono habang nagta-type sa keyboard. Napatingin siya sakin at kumunot ang noo niya.
"Yes, please wait a second, my maid just walked in after a hundred years."
Naningkit ang mga mata ko at itinaas ko hanggang sa ulo ko ang mga binili ko at binaba ko din iyon ng pabagsak sa lamesa niya. Para mas malakas ang impact. Mukhang nagwork naman dahil napangiwi si Craige. "Yes, I understand. Give me a minute."
Hinold ni Craige ang phone at tumingin sakin. Hinilot niya ang sentido niya habang ngiting-ngiti na nakatingin ako sa kaniya. Napailing siya. "Boss, Sir, Among Tunay, eto na ang tinapay niyo na nilamas lamas ni Yale bago ipapakain sayo. And here's your ballpen."
Nilabas ko ang sandwitch at ibinigay ko sa kaniya ang ballpen na nasa plastic bag. Hindi ko muna binigay sa kaniya ang black dahil gusto ko muna siyang galitin. Masama ang tingin niya doon sa inaabot ko na gigantic ballpen na kadalasan ang gumagamit ay mga bata. "Ayaw niyo, Boss, Sir, Among Tunay? May iba pa naman ako dito, isang set-"
Nilabas ko ang mga ballpen na may mga cute na designs ng kung anu-anong hayop. Lalong dumilim ang anyo ni Craige. Mukhang malapit niya na akong itapon sa bulkan. "Ayaw mo pa din? Maganda to! Pwede mong hanapin kung anong hayop ka dito. Fine, fine, dahil mabait ako, sa iyo na yang lahat. Effort na effort pa naman ako.. tapos.. tapos.."
Kunwaring suminghot pa ako at nagtatampong inabot ko sa kaniya ang black ballpen. Bumuntong-hininga siya at kinuha sakin iyon.
"You may leave. And leave this things here." sabi niya at itinuro ang mga ballpen na binili ko para sa kaniya.
"Yes Boss, Sir, Among Tunay!"
Naglakad na ako pabas. Napatigil ako ng may maramdaman akong pumipigil sakin. Lumingon ako at napataas ang kilay ko ng makita kong pinigil ako sa braso ni Craige. "What?"
"Sit there."
Nagkibit-balikat ako at umupo doon sa sofa na tinuro niya. Lumapit siya sa lamesa niya at may kinuhang folder pati na ang mga ballpen na pinagbibili ko kanina. Inilapag niya sa harapan ko ang mga iyon at tinanguan ako bago siya bumalik sa desk niya. Nakakunot-noong nakatingin lang ako don.
"Amm.. Boss, Sir, Among Tunay. Para san 'to?"
"Don't you now?"
"No. Apparently, hindi ko alam ang lengguahe niyong mga taga outer space- Ang ibig kong sabihin ninyong mga gwapo. Hindi ko alam ang mga lenguahe ninyong mga gwapo, tama!"
Nakatingin lang siya sakin na walang emosyon at pagkatapos ay napailing na naman siya. "Gawan mo ng summary lahat ng reports na nakalagay diyan."
"Ahh, okay?"
"Isulat mo sa papel pagkatapos ibigay mo sakin. Ayusin mo ang summary para alam ko kung anong mission ang uunahin sa hindi."
"So parang reaction paper? Astig! Ang tagal ko ng hindi nakakagawa non ah."
"Whatever. Just work."
Excited na kinuha ko ang mga ballpen na iba't-iba pala ang kulay at nagsimula na akong gumawa ng summary. Of course, inayos ko dahil ayoko namang may mapahamak. Isinulat ko yon sa bondpaper at napapangiti ako sa ganda ng sulat ko. Nilagyan ko pa yon ng design para kitang-kita ang effort ko.
Nilagyan ko ng flowers, butterflies, stars. Nagdrawing pa nga ako ng mga bunnies, bear, dog, cat at kung anu-ano pa. Akalain mo yon, marunong pa pala akong magdrawing.
Nag-angat ako ng tingin at nakita kong nakatingin sakin si Craige. Nag-iwas siya ng tingin at nagkibit-balikat na lang ako. Baka tinitignan kung maayos ang ginagawa ko. Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas at kung ilang bond paper ang nagamit ko sa dami din ng mga mission. Si Craige naman busy parin sa ka-phonepal s***h business associate niya. Satisfied na tinignan ko ang mga gawa ko.
Kumuha pa ako ng isang bond paper at sinulat ko don 'Althea's Wonderful Project'. Naglagay ako ng iba't-ibang kulay na design bago ko nilagay iyon sa sliding folder. Nag inat-inat na tumayo ako at lumapit ako kay Craige na nakapikit at nakasandal sa swivel chair niya na katatapos lang makipag-usap sa ka-deal niya.
"Eto na Boss, Sir, Among Tunay!"
"Let me see."
Kinuha niya sakin iyon at nakita kong napatigil siya sa una pa lang na page. Tumingin siya sakin pagkatapos ay binasa niya ang report.
"Ang galing kong magdrawing no, sir?" tanong ko.
Hindi siya nagsalita at pinagpatuloy lang ang pagbabasa niya. Sumimangot ako at kinuha ko na lang ang sandwich niya na nabawasan niya na at nakikagat ako. Yum yummy!
"What's this?"
Tinignan ko ang tinuturo ni Craige at napangiti ako ng makita ko na ang UFO ang tinuturo niya na may design sa gilid na nakalagay 'Craige'.
"Astig no? Spaceship niyo, Boss, Sir, Among Tunay."
Tinitigan niya ako. "You really won't get tired on pissing me off, huh?"
Sunod-sunod na umiling ako habang ngiting-ngiti ako sa kaniya. Tumayo si Craige at agad na nilukuban ako ng kabag umikot siya papunta sa gawiko at umupo sa gilid ng desk niya habang nakatingin sakin. Parang may iniisip siya na kung ano. "Thea.."
"Yes, Sir?"
"Stop irritating me."
"Aba, Sir. Paninirang puri yan, kailan pa ang kagandahan ko ay inirritate kayo?"
"Kasasabi ko lang kanina at sumang-ayon ka. You love pissing me off."
Ngumiti ako ng inosente. Seryoso na nakatingin lang siya sakin. Minsan hindi ko alam kung talagang wala lang kaemosyon-emosyon si Craige o magaling lang siyang magtago. Para kasing ikakamamatay niya kapag nagpakita siya ng kahit na anong emosyon. Ang zombie ng The Camp, bow.
"Boss, Sir, Among Tunay, magkaiba ang irritate sa pissing me off. Spelling pa lang magkaiba na. Sus kayo talaga, kailan ba kayo pinanganak? 1 B.C.? Kung meron man non baka nga."
"Remember, Althea, may utang ka pa sakin na nadagdagan dahil kay Adonis."
"Psh. Sinabi ko ba kasing tulungan mo ko? Ewan ko sayo diyan ka na nga-"
Lalakad na sana ako pero pinigilan niya ako ulit. Tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. "Hawak ka ng hawak, kakasuhan na kita. FYI Viki Belo ang kutis ko kaya wag na wag mong hahawakan dahil baka bigla akong maging kulay alien."
"You keep on saying that. I'm not an alien."
"Weh di nga? Sure?"
"Althea."
"Kidding. Pano Boss diyan ka na nga at baka maging zombie ako ng wala sa oras."
"I'm not an alien."
"Bra ka ba?"
"What kind of question is that, Althea?!"
Napahalakhak ako. Hindi daw siya alien pero hindi niya gets ang sinabi ko. Hindi pa ba niya naririnig ang salitang 'banat' at 'pick-up lines'. Hindi ko na siya pinansin at natatawang naglakad na lang ako palabas ng office niya. Pero naririnig ko parin ang sigaw niya.
"I'M NOT AN ALIEN!"
"Whatever you say, Boss, Sir, Among Tunay."