Chapter 3

2329 Words
CHAPTER 3 ALTHEA'S POV   Kasalukuyan akong nag e-exercise kasama si Hermes at Adonis. Halatang napipilitan lang si Adonis at walang emosyon na sumusunod lang siya sa ginagawa namin ni Hermes.   Sa tingin ko iyon na talaga ang normal self niya. Kung matatagpuan ko siya na tumatawa siguradong may mali kapag nangyari iyon. Parang si Craige lang, siguro attitude na talaga ni Adonis.   Wala naman akong problema sa kaniya dahil bukod sa independent siya mature pa siyang mag-isip. Hindi siya ang tipo ng bata na nagta-tantrums. Bigyan lang siya ng libro masaya na siya.   "Kembot-kembot, tapos ganito, woo, woo, woo!"   Sumunod naman sila sakin. Nasa harap kami ng bahay ko na katulad ng ibang villa sa The Camp ay walang bakod dahil hindi naman kailangan.   Day-off ko ngayon kaya dahil sa natural ng nakaprogram ang utak ko na gumawa ng kalokohan sa umaga, naisipan ko na lang na mag exercise. Sakto naman na naabutan ko pagkagising ko si Hermes na nandito na sa bahay at mukhang kinukulit na naman niya si Adonis.   Kumabaga sa may sakit, si Hermes ang gamot ni Adonis dahil sabi nga ni Fierce, si Hermes lang daw ang may pasensiya na kulitin si Adonis.   "O, kaniya-kaniya na ng sayaw!"   Kung anu-ano na ang sinayaw ko. Kinakawayan ko lang yung mga dumadaan na agents na napapailing sa ginagawa ko. Natawa ako ng makita ko si Hermes na bigay todo. Si Adonis naman ang kamay lang ang gumagalaw.   Ang cute nila pareho. Opposite na opposite sila pero magkasundo naman sila. Pinagpatuloy namin ang ginagawa naming pag e-exercise s***h baliw dance.   Nang mag-angat ako ng tingin napataas ang kilay ko ng makita ko si Craige na napatigil at napatingin sakin. Nakapang-jogging siya. Hindi katulad naming tatlo nila Adonis ay naka-pajama pa Adonis habang nag e-exercise kami ngayon. Naglakbay ang mga mata ko sa katawan niya na tanging sando lang ang nakasuot. Ooohlala!   Nagbawi ako ng tingin ng umangat ang gilid ng labi niya. His own version of a smile. Hindi ko na lang siya tinignan at pinagpatuloy ko ang exercise s***h sayaw ng baliw na ginagawa ko.   Tinignan ko ang mga bata sa tabi ko at sumasayaw parin sila. Ako hinihingal na pero sila parang wala lang. Lalo na si Adonis na kamay lang naman ang gumagalaw. "Wew! Di pa ba kayo pagod?"   "Nope, Tita!" sagot ni Hermes.   "No." sabi naman ni Adonis.   Alanganing ngumiti ako. Titignan ko na sana ulit si Craige pero napaatras ako ng makita ko siyang nasa harapan ko na. Kumunot ang noo ko. "Kalahi ka ba ng Damon ko at bigla ka na lang sumusulpot-"   "Sinong Damon?!"   "Ang hot mo masyado Boss, Sir, Among Tunay. Si Damon iyong bida sa Vampire Diaries. Anyway, ano bang ginagawa mo dito? Pwedeng lumayo ka ng konti kasi natatapakan mo ang personal space ko."   "Althea-"   "Bago ka manermon Boss, Sir, Among Tunay, umusog ka muna ng konti. Masyado tayong crowded. Ang hot mo- I mean ang hot pa naman ng umaga ngayon."   He shifted position at lalong nagpala ang mga mata ko sa mga muscle niya na parang nagmamakaawa sakin na hawakan ko sila. Nilagay ko sa likod ko ang mga kamay ko bago pa kung anong maisipan kong gawin.   "Go to my house later, drain the pool, clean it, at pagkatapos ay lagyan mo ulit ng tubig." Utos sakin ni Craige.   "Day off-"   "Okay... Dagdagan pa natin ng isang buwan ang punishment mo-"   Pinalo ko siya sa braso ng malakas. Tumawa ako ng peke at hinampas ko ulit siya na parang may ginawa siyang nakakatawa. Ang pagkakaiba lang masyadong malakas ang pagpalo ko sa kaniya.   "Hindi ka na mabiro Boss, Sir, Among Tunay, ang napakabait na Boss sa buong mundo na hindi alam ang salitang day-off.  Sge pupunta ako doon mamaya ng taos puso at lalagyan ko ng asido- ...ng chlorine ang pool mo at papalitan ko ng tubig."   "Good."   Naglakad na siya paalis at inambaan ko siya ng suntok. Pinahawakan ko kay Hermes at Adonis ang dulo ng pajama top ko para kunwari pinipigilan nila ako sa pagsugod kay Craige.   Napatigil kaming tatlo nila Hermes at bigla kaming nag-jumping jacks ng lumingon samin si Craige. Naningkit ang mga mata ni Craige pero hindi na siya nagsalita at nag-jogging na siya paalis.   Napaupo ako sa damuhan at sumunod ang dalawang bata.   "Why do you hate him, Ate?" tanong sakin ni Adonis.   "I don't just hate him, I'm furious, irritated, mad at lahat ng synonyms ng hate!"   Tumingin ako doon sa dalawang bata at mukha namang wala silang naintindihan sa bilis ng sinabi ko. Kumukurap lang sila habang nakatingin sakin at pilit na ngumiti na lang ako sa kanila Tumayo na ako at itinayo ko narin silang dalawa.   "Tita, uwi muna po ako." paalam sakin ni Hermes.   "Okay, balik ka na lang mamaya."   Nakangiting tumakbo na siya palayo. Hinawakan ko ang kamay ni Adonis at sabay na kaming pumasok sa loob. Pumasok siya sa kwarto niya at ako naman sa kwarto ko.   Nagmamadaling naligo ako at nagpalit ng two piece swimsuit. Aba, bago niya pakinabangan ang pool doon, ako muna ang gagamit.   Pinatungan ko lang ang suot ko ng mahaba at maluwang na t-shirt bago ko itinali ang buhok ko. Lumabas na ako at nakaayos narin si Adonis at nakita kong nakabalik narin si Hermes. Pumasok ako ng kusina at nagluto ng favorite na adobo ni Adonis. Patingin-tingin ako sa orasan dahil sigurado akong iniintay na ako ni Craige. But whatever, mag-intay siya.   Napatili ako ng makita ko ang adobo ko. Mukha na siyang fried chicken. Tinikman ko at masarap naman. Hindi naman siya nasunog. Maitim nga lang dahil sa toyo.   Naghain ako ng pagkain at nakangiwi ako habang iniintay ang reaksyon ng dalawa nang hinain ko ang niluto ko. Pero wala naman silang reklamo at maganang kumain parin sila.   "Okay lang ba?"   "Opo."   "Masarap po Tita. Saka sabi ni Mother Irene wag daw mapili sa pagkain. Sa bahay nga po ilang days po bago hindi na sunog ang pancake ni Papa."   Nakangiting tumango ako. Maganda ang naging pagpapalaki ng mga madre sa mga bata sa orphanage. Kahit wala silang mga magulang natuturuan sila ng tamang asal.   Kumislap ang mata ko ng may maisip ako at nang matapos kaming kumain ay sumandok ako ng ulam at inilagay sa tupperware. Ipinasok ko iyon sa paper bag at itinabi, bago ko hinugasan ang mga plato. Nilingon ko sila Adonis at nakita ko sila na kasalukuyang nanonood ng Jimmy Neutron. May CD sila non kaya sigurado ako na maghapon sila sa harapan ng TV.   Kumuha ako ng cookies at juice at nilagay ko sa coffee table sa harapan nila. "May marshmallows at mga chips sa cabinet, kuha na lang kayo kapag gutom na kayo ha? Babalik ako mamaya para gawan kayo ng merienda. Magtatrabaho lang ako sa monster na yon."   "Okay po, Tita!"   Tumango sakin si Adonis at bahagyang ngumiti.   Ginulo ko ang mga buhok nila at patakbo na akong lumabas pagkatapos kong kunin ang paper bag. Naglakad na ako papunta sa Villa ni Craige. Nakasalubong ko pa si Hade na kasalukuyang nagdidilig ng mga halaman sa tabi-tabi.   "Day-off mo din ngayon ah."   "May sakit si Quin."   "So....?" tanong ko naman sa kanya.   Tumingin lang siya sakin at sumimangot. Natawa na lang ako at naglakad na ako paalis. Bahala na siya sa paglulunod niya sa mga kawawang halaman.   Nang makarating ako sa tapat ng bahay ni Craige ay dumaan muna ako sa retinal scanner. "Welcome Ms. Bra to Craige's Residence."   Uminit ang ulo ko. Mukhang pinalitan na naman ni Craige ang command sa scanner niya. Sa office niya 'Sakit Ng Ulo', ngayon naman 'Ms. Bra'? That alien. Kung bakit naman kasi sa dami ng planeta, dito pa siya lumanding. Bakit hindi na lang siya bumalik sa Chumurereng Planet kung saan siya galing.   Lumingon-lingon ako ng pumasok ako. Natawa ako sa sarili ko at sumandal ako sa pader para ituloy na ang kabaliwan ko at nag-pose na parang may hawak na baril.   "What are you doing?"   Napatili ako ng biglang may nagsalita at dinampot ko ng wala sa oras ang paso para ibato sa kung saan. Napatigil lang ako ng makita ko si Craige na nakatayo sa harapan ko.   Nakasimangot na binaba ko ang paso. "May lahi ka bang multo?"   "Wala."   "Whatever. O, kainin mo yan."   Inabot ko sa kaniya ang paper bag. Kinuha niya ang laman at binuksan. Kumunot ang noo niya at parang gusto niya akong sakalin bigla. "Ipapakain mo sakin 'tong sinunog mo?"   "Hindi ko 'yan sinunog. Adobo yan na naging fried. Kainin mo yan dahil sila Hermes at Adonis nasarapan diyan."   "Mga bata yon-"   "Kaya nga... kapag hindi mo kinain yan mas maarte ka pa sa bata. Kainin mo yan ha? Boss, Sir, Among Tunay."   Nilagpasan ko na siya at naglakad ako papunta sa pool area. Kumunot ang noo ko. Malinis naman. May mga dahon lang. Nakasimangot na pumunta ako sa tool house don at kumuha ako ng chlorine at mga kakailanganin kong panglinis.   Nang lumabas na ako ulit, tinanggal ko na ang t-shirt ko at itinapon ko kung saan. Hinanap ko ang pinaka-main control sa pool area at pinindot ko ang may nakalagay na drain. Umupo muna ako sa gilid.   After I-don't-know-how-long, bumaba na ako sa massive pool ni Craige at nagsimulang maglinis. Hindi dahil agent kami, prinsesa at prinsipe na kami dito sa The Camp. Para lang kaming inampon nila Tito Greg at Tita Sage. Lahat kami hindi nila gustong maspoiled kaya lahat din kami nagta-trabaho. Kaya wala lang 'tong task na 'to. Sisiw na sisisw- Ay ang common! Mayang maya to!   Pero mas magaan sana sa pakiramdam kung hindi si Craige ang may-ari ng pool. Baka hindi masyadong mabigat sa dibdib na nagtatrabaho ako ng day-off ko.   Nakasimangot na pinagpapalo ko ang sahig ng pool. "Mana ka sa amo mo! Pareho kayong semento! Bato!"   Hindi ako tumigil hanggat hindi ako nakukuntento. Nang kalmado na ako ay nagsimula na ulit ako na maglinis with matching pagkanta pa. Nang matapos ako, sinimulan ko ng i-fill ng tubig ang pool. Pero imbis na umalis, humiga ako sa gitna. Wala lang, trip ko lang.   Pumikit ako habang nararamdaman ko ang tubig sa paligid ko. Hindi naman ako tanga kaya aahon din ako mamaya kapag masyado ng malalim.   "Anong- ...ALTHEA!"   May kung sinong tumakbo at bigla na lang akong may naramdaman na umaalog-alog sakin. I-didilat ko na sana ang mga mata ko kaso nabasa na ng tubig kaya kailangan kong pahidin. Pero ang kumag na Craige hawak ang kamay ko.   "God... right! Mouth to mouth-"   Napatili ako bigla at bumangon ako. Kinagat ko si Craige na napalayo ng wala sa oras. Pinahid ko ang mukha ko na basang-basa na sa kakaalog niya sakin kanina. "Ano sa tingin mo ang gagawin mo?!" pasigaw kong tanong.   "B-Bakit ka ba nangangagat?! Ikaw na nga 'tong ililigtas ko, ikaw pa ang galit!"   "Ano ba sa tingin mo ang nangyari?"   "Nalunod ka-"   Napatawa ako. Is he really serious? Lumapit ako sa kaniya at nakita kong bumakas ang pagtataka sa mukha niya ng makita niyang hindi naman ako mukhang nalunod. "Dear Mr. Boss ng The Camp, Sir, Among Tunay,  at taga planet Chumurereng, mukha ba akong nalunod? Tignan mo nga 'tong tubig. Hanggang paa ko lang at wala pa nga sa binti ko. Anong akala mo sakin? Langgam?"   "P-Pero.."   "Nagpapahinga lang ako."   "SA GITNA NG POOL?!"   Napatakip ako sa tenga ko at napangiwi ng bigla siyang sumigaw. Kalahi din ata ni Cloak 'tong taong 'to pag sumigaw. Na-conserve ata ang boses.   Tumalikod na ako at lalakad na sana paalis, kaso dumulas ako. Pumikit ako at inintay ko ang kahiya-hiyang pagbagsak ko sa sahig at bukas makikita sa headline 'Althea Evangelista, Namatay-- dahil sa katangahan.'   Pero imbis na matigas na semento ang naramdaman kong sumalo sakin, mainit at malambot na bagay ang naramdaman ko. Napunta ata ako sa impyerno kaya mainit-   "Hey, are you okay?"   Nagmulat ako ng mga mata at napatulala ako ng magtama ang mga mata namin ni Craige. Napalunok ako. That smoky eyes. That nose. That delectable s***h yummy slush kissable lips-   Ipinilig ko ang ulo ko at tumingin ulit ako sa kaniya. Pero ganon parin ang naiisip ko. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at inuntog ko ang ulo ko sa kaniya. Napaaray ako sa sakit at nakita kong nasaktan din si Craige. Pero effective naman dahil nawala na ang karumal-dumal na pagnanasa ko sa taong 'to.   "You ungrateful little ant!!"   "Maka-langgam ka naman. Umalis ka na nga dito. Maglilinis ako."   "This is my house."   "At ako ang naglilinis. Kaya shoo!"   "And look at that tiny thing you're wearing. Damit ba yan?"   "Alangan namang mag-gown ako habang naglilinis ng pool? Shoo! Umalis ka na nga."   Parang may sasabihin sana siya pero tinikom na lang niya ang bibig niya at umalis. Umahon na din ako ng pool at umupo sa hagdanan.   Kung bakit naman kasi sa lahat ng pagnanasaan ko, siya pa. Masyado na atang na-deprive ang katawang lupa ko kaya gusto niya ng makaranas ng passionate love making-   "Ahhh!" Pinisil ko ang magkabilang pisngi ko para magising ako. "Patawarin mo ako, Lord! Kung pwedeng mag-madre na lang ako ginawa ko na. Ang kaso, baka palabasin din ako don after a day! SAVE ME FROM TEMPTATIOOOOON!"   Napatingin ako sa pool ng makita kong puno na iyon. Naglakad ako papunta doon sa stop button at kukunin ko na sana ang mga gamit na pang linis para itago ang kaso nadulas ako at bumagsak sa pool.   Ang malas ko ngayon.   Lumingon ako sa bintana sa bahay ni Craige at nakita ko siyang tumatawa habang kagat kagat ang chicken na niluto ko at nakatingin sakin. Mukhang nasaksihan niya ang kahihiyang ginawa ko.   Nag-iwas siya ng tingin ng makita na nakatingin na din ako sa kaniya. "Lord, favorite Mo ba ang taong yon at lagi na lang ako ang napapahamak? Mas mabait ako don at taga planet earth ako at hindi planet Chumurereng."   Atleast kinain ang fried adobo ko at nasalo ako ng mga yummy na abs na-   NO! Erase! Erase! Baka mang-r**e ako ng wala sa oras.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD