CHAPTER 36 ALTHEA'S POV Inaayos ko ang damit ko, nang hindi ko na talaga siya maiunat, sumuko na ako at kumuha na lang ako ng mineral water para uminom. Nilingon ko si Craige na inaayos na rin ang damit niya. Sa itsura niya ngayon, mukha parin siyang dignified business man. Samantalang ako, mukha akong ginahasa. Ba't ba ang unfair ng buhay? Kahit ata tumakbo mula Pasay hanggang Pasig si Craige, mukha pa rin siyang kapita-pitagan. Samantalang ako, maglakad lang ako papunta sa convenience store, magmumukha akong nakipag marathon kay Elma Muros. Umupo muna ako sa swivel chair ko at tinitigan ko si Craige habang inaayos niya ang desk niya. A few minutes ago, nakahiga ako doon. Magiging lukot ba naman ang damit ko kung hindi dahil sa Captain America ko? Napatingin sakin si Craige a

