CHAPTER 37 ALTHEA'S POV Kasalukuyan kong pinapanood sila Adonis at Hermes na naghahabulan. Well actually, hinahabol ni Hermes si Adonis na straight face lang at mukhang pinapagod lang si Hermes. Parang iniisip niya na kapag napagod na si Hermes eh pwede na silang umupo at ng makapagbasa na siya. A month had passed. Walang exciting na nangyari sa buhay namin ni Craige. Anyway, Adonis loves to read. At mukhang lumalala ang pagkakaron niya ng bihirang emosyon dahil nag buddy buddy sila ni Craige na hari ng mga walang emosyon. Fine, meron naman. Especially when he's on top of me. Ang manyak mo Thea! Napatingin ako kaila Adonis ng bigla silang bumagsak. Pinagkikiliti ni Hermes si Adonis na nakatingin lang ng diretso kay Hermes. Sumimangot si Hermes ng hindi niya mapatawa si Adonis.

