Kinabukasan ay ganon nga ang nangyari, maagang dumating sa condo ni Jade si Michael para sundoin sya. Habang nagbbyahe sila ay gusto na sana nyang sabihin sa binata ang balak niyang pagtanggi sana sa project nila with Dale. Pero hindi niya alam kung paano sisimulan. Siguradong magiging matanong ito sa magiging desisyon niya, unang beses nga naman na may tatanggihan siyang trabaho. Noon ay halos sambotin na nya ang lahat na dumadating na project kulang na nga lamang ay pati trabaho ng janitor ay agawin nya sa sobrang paglulunod niya sa sarili sa trabaho. Mukang napansin naman ng binata na parang may gusto siyang sabihin.
"May sasabihin ka ba? Parang kanina ka pa may iniisip, simula ng umalis tayo sa condo?" simulang tanong sa kanya nito habang sumusulyap ng tingin sa kanya dahil nagdadrive ito
"ano kasi" hindi maintindihan ng dalaga kung itutuloy pa niya ang sasabihin "Why are you giving this kind of headache Dale" usal niya sa sarili ng hindi maituloy ang sasabihin
"kasi ano?" takang tanong nito ng hindi niya ituloy ang sasabihin
Jade pull herself bago nagsalita, nagpakawala sya ng mahabang buntong hininga
"ang haba niyan ah, parang ang laki ng problema mo" napapatawang biro ni Michael sa kausap
"Pwede bang wag na ang team ko ang magtrabaho para sa project sa Surigao?"
"Huh? Why i thought you want to make yourself busy anytime? Pina pull out ko na lahat ng ibang project mo at yun na lang kung sakali ang matitira? Bakit? May problema ka ba sa bagong kliyente?" bakas sa binata ang labis na pagtataka
Ito na nga ba ang sinasabi niya siguradong mag uusisa ito ng ganito pag tinanggihan niya ang project na yun.
"No, wala namang problema. It's just i don't feel to work with Mr. Evans" partly true naman ang sinabi niya pero hindi nya sasabihin ang totoong dahilan "mukang mahangin at brusko eh" dugtong pa niya
Pagak na napatawa si Michael sa dahilan niya. Mukang hindi yun naniniwala sa mga sinasabi nya.
"haha, ngayon ko lang narinig sayo. Sa daming project na dumaan sa kamay mo Jade at sa dami mo ng taong nakatrabaho na mas malala pa ang pag uugali sa nakikita kong ugali ni Mr. Evans i will not buy the reason that you were saying. I know you, hindi ka aayaw kung hindi malalim ang dahilan mo" mahabang litanya nito sakto naman na nasa stoplight sila kaya tumitig ito sa kanya ng parang may iba itong gustong marinig sa kanya "you had crush on him" dugtong nito sa seryosong tono
Napabulalas si Jade sa huling sinabi ng kausap. Tiningnan niya ito ng masama bago nagprotesta
"Of course not!!!!!" mariing tanggi niya
Napahalakhak naman si Michael sa naging reaksyon niya.
"Oh yun pala naman eh, so no i will not let you refuse to handle that project and besides loaded lahat ng tao, ikaw na lang ang walag hawak ngayon. Remember i transfer all your project just to work on this" seryosong turan nito bago bumalik sa pagmamaneho.
Hindi nagsalita si Jade at dinako na lamang ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Mukang wala na siyang magagawa, that's an order from the boss. Hindi naman ganon kakapal ang muka niya para tumutol pa dahil kahit magkaibigan sila ni Michael at iginagalang niya ito at nirerespeto bilang boss niya.
She sighed again.
Pagdating sa opisina ay agad siyang sinalubong ng kanyang secretary. Hawak ito ang tablet at mukang binabasa ang schedule niya ngayong araw. Naisip niya na dahil na pull out na pala lahat ng work load niya ay mukang wala siyang trabaho ngayong araw kundi ang project sa Surigao ang project niya with Dale Evans. Halos hindi na niya maintindihan ang sinasabi ng babae sa harap niya dahil sa pagkakaukupa ng ibang bagay sa utak niya.
"Meeting with Mr. Evans at 5:00 pm maam your last schedule"
Halos mapatanga siya sa sinabi nito
"bakit naman last minute ang meeting na yan kay Mr. Evans eh ang haba ng bakante kong oras" pagpupuyos nya ipapahinga na niya dapat yun. Hindi naman 5 mins lamang ganong meeting lalo at first meeting, matagal yun dahil gagawa sila nun ng timeline for the project
"sinabi ko na nga po yun, pero mapilit po siya e, sinabi ko na rin po na siguradong aabotin kayo ng gabi kung sakali kaso ay mapilit po siya e sorry maam"
Napahawak siya sa ulo sa sobrang inis.
"Sinasadya niya bang painitin ang ulo ko?" tanong nito sa sarili
"Give me the contact number of that Mr. Evans and you can leave"
Maagap naman nitong isinulat sa sticky note na nasa lamesa ang numerong hinihingi nya at mabilis na lumabas. May ilang segundo niyang pinaka titigan ang numero na nakasulat bago ito dinial.
Isa... Dalawa... Tatlo... Apat.... Limang ring bago may sumagot sa kabilang linya
"Who's this?" sagot sa kabilang linya mukang kagigising lamang nito. Napatingin si Jade sa orasan ng mabosesan na mukang nagising niya ito it's 8;30 am
"It's me Jade" casual niyang sagot
"Uhm, i thought our meeting is 5pm bakit sobrang aga mo naman ata tumawag"
"Yeah my secretary told me that, but Mr. Evans just for your information 5pm is not office hours im heading home that time" casual paring sagot niya pilit niyang itinatago ang asar na nararamdaman sa kausap
"that's the point"
"what?" naguguluhang tanong ni Jade labis na napakunot ang noo niya
"our meeeting today is not related to our project" walang kagatol gatol na ika nito
Napangaga si Jade sa sinabi ng binata she rolled her eyes she can't believe this man.
"listen Mr. Evans--" hindi niya naituloy ang sasabihin ng putolin sya ng kausap sa kabilang linya
"that's so formal Jade cut it of, you can call me Dale like 6 years ago"
Mas lalong napamaang si Jade dahil sa sinabi ng binata. Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ng kausap niya ngayon. She expect him to be professional as their fate cross again because of their profession.
"Look Mr. Evans, i have no time to this kind of s**t and don't know what are you up to to think that way so you should be the one who cut this off okay?" mataray na turan niya bago humugot ng malalim na hininga bago nagpatuloy sa pagsasalita "look, hindi ako makikipag meeting sayo sa oras na sinabi mo sa secretary ko lalo na at walang kinalaman sa trabaho ko. If you want, you can come here anytime right at this moment bakante ang oras ko maghapon and not 5 pm dahil pauwi na ako nung oras na yun. That's all and you can call my secretary for the changes thank you and have a good day Mr. Evans"
Saka niya pinindot ang end button. Wala ng kausap si Jade pero hindi parin sya makapaniwala sa mga narinig mula sa kausap. Nagngingit ang loob niya sa kayabangang narinig sa kausap. Napaisip siya kung yung lalaking yun ba talaga ang kinahumalingan niya noon. Infairness to her wala na ang kabang nararamdaman niya unlike noong una at pangalawang beses na nagkita sila. Siguro ay dahil kausap lamang niya ito sa telepono, ipinagpapasalamat din niya na hindi sya pumiyok sa tagal ng naging pag uusap nila. It's a good sign na sa una lang pala siya makakaramdam ng discomfort na nangagagaling kay Dale ipinagdasal niya na sana ay tuloy tuloy na upang magawa niya ng maayos ang kanyang trabaho.