Chapter 7

1107 Words
DALE'S POV So hindi pala boyfriend ni Jade ang Michael na yun kundi boss. Pero hindi maiitanggi na mukang espesyal ang dalawa sa isa't isa. Wala na sana akong balak na magtagal pa dito sa Pilipinas ang original plan naman talaga ay pagkatapos ng kasal ay babalik na ako ng Dubai. Pero ng makausap ko si Anton ng ikwento ko dito na nagkita kami ni Jade ay biglang nagbago ang isip ko. Tinanong pa niya ako kung anong nangyari ng magkita kami ni Jade, hindi ko na ikwento sa kanya ang ginawa at sinabi ko. Wala namang espesyal doon. Binalaan niya ako na huwag ko na raw ulit lalapitan si Jade, wala naman akong sakit na nakakahawa bakit pinipigilan niya akong lapitan si Jade. "pre, mapapatay ako ni Kristal pag nalaman niya na nagkita kayo. Haloskakarecover pa lang ni Jade sa pagkakalugmok kaya iwasan mo siya please lang" Nahihiwagaan ako sa sinabi ni Anton ng kausap ko siya. Nang tanongin ko naman siya kung ano ba nangyari kay Jade noon ay ayaw naman niya sabihin sa akin, hayaan ko na lang daw dahil wala na raw naman ako pakialam doon. Kahit anong gawin kong pilit sa kanya na sabihin sa akin ay tikom talaga ang bibig ng bwisit na yun. Sana hindi na lang niya sinabi sa akin para hindi na ako nacurious sira ulo talaga. Sinubokan kong tanongin ang mga dati naming kaibigan noon kung may alam sila sa mga nangyari kay Jade noon pero lahat sila ay walang maibigay na sagot sa akin. Kaya nagpasya ako na huwag na munang umalis at naalala ko may project nga pala kami sa Surigao. Nasa Dubai pa lang ay alam ko na noon na may project kami dito sa Pilipinas at sinabi ko noon na ayoko ito hawakan kaya nagtaka si daddy ng sabihin ko sa kanya na ako na hindi na muna ako babalik para maasikaso ko ang trabaho namin dito. "bago sa pandinig ko yan ah, akala ko ba ayaw mo magtagal dyan dahil baka mamiss mo ang buhay mo dito?" Yan ang natanggap kong sagot ng sabihin kong ako na ang bahala sa trabaho namin dito. Nalaman ko rin sa mga nakausap ko na dating kaklase at kaibigan noon ni Jade at Kristal na sa mining company pala si Jade. Magandang pagkakataon, kaya ang kompanya kung saan nagtatrabaho si Jade ang kinuha kong company na mag assist sa akin sa project namin. Mas malapit ako sa kanya mas madali ko malalaman kung ano bang sinasabi ni Anton na nagpalugmok kay Jade noon. Mukang seryoso ang bagay na yun. Hindi naman ako ipagtataboyan ni Anton kung hindi seryoso ang bagay na yun tsaka bakit kailangan ako lumayo, wala naman akong maalala na ginawa sa kanya siya nga itong may ginawa at kasalanan sa akin noon. e. Napapaisip din ako kung bakit bigla akong nagkainteres sa buhay ng babaeng yun. Sukdolan sa langit ang galit ko sa kanya noon dahil sa ginawa niyang paghalik sa akin na naging dahilan kaya nakipag hiwalay sa akin si Thea. Pero natutuwa ako sa nagiging epekto ng presensya ko kay Jade. Natatakot ba sya naguiguilty dahil sa ginawa niya noon? Maniningil ako Jade mahal ang magiging kabayaran kasama pati ang interes kaya humanda ka. JADE'S POV Sa dami ng taong makakatrabaho si Dale pa? Sumasakit na ang ulo ko pag iisip kanina pa.Nang ihatid nga ako ni Michael kanina ay halos wala akong imik habang nagbbyahe kami, nakapikit lamang ako pero hindi naman magawang makatulog ng diwa ko dahil sa stress na nadudulot sa akin ng biglang pag ulpot niyang Dale na yan. Hindi ko maintindihan kung bakt kumakabog ang dibdib ko pag kaharap ko siya. Hindi naging maganda ang paghihiwalay ng landas naming dalawa five years ago, pero bakit parang sobra naman ata ang nararamdaman kong kaba pag nakikita sya. Noon naman ay hindi ganon ang epekto niya sa akin bakit ngayon ay parang lalabas ang puso ko sa sobrang kaba pag kaharap ko siya. Hindi ako naging handa sa magiging pagkikita namin, akala ko ay wala na siya sa buhay ko pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit ba kasi tinanggap pa ni Michael ang project na yun, sabagay hindi ko naman siya masisisi wlala naman siyang alam sa history naming dalawa. Natatakot ako na baka makompormiso ang trabaho ko dahil sa discomfort na nararamdaman ko pag malapit sa akin si Dale. Sasabihin ko na lang siguro bukas kay Michael na hindi ko tatanggapin ang trabahong yun ibigay na lamang niya sa iba, magdadahilan na lamang ako na marami pa akong ibang trabaho. Pero tapos na lahat ang project ko e hindi yun maniniwala sa akin. Alangan naman sabihin ko sa kanya na hindi ako komportable na katrabaho si Dale dahil may past kami na ayoko na balikan napaka unprofessional naman non. Tsaka wala naman talagang naging mahalaga sa nakaraan namin, naging crush ko lang naman siya noon at winasak lang naman niya ang puso that night dahil hinalikan ko siya at naghiwalay sila ng girlfriend niya and then sinumbatan niya ako inalipusta at idinamay ang mama ko na wala namang kinalaman sa ginawa kong kagagahan. Ahhhhh hindi ko na alam, napapraning na ako. Ano bang magandang gawin para hindi na magkrus ang landas naming dalawa? Magresign na lang kaya ako? Hindi din papayag yun si Michael, isa't kalahatin ding siraulo ang isang yun kaya hindi yun papayag na magresign ako ng walang magandang dahilan. Kung nandito lang sana si Kristal siguradong may maganda yun na masusuggest sa problema ko. Hindi ko naman siya magawang abalahin, moment yun ng bestfriend ko at ayokong masira ang bakasyon niya dahil lang sa akin. Mukang hindi ako papatulogin ng problemang to. Napapitlag ako ng tumunog ang cellphone ko. Napabangon sa pagkakahiga, agad kong sinagot ng mabasa ko ang pangalan ni Michael. "Michael" "Okay ka na ba? Gusto mo puntahan kita dyan?" Bakas sa boses nito ang pag aalala paniwalang paniwala ito na masama talaga ang pakiramdam ko, hindi niya alam nasstress ako sa bago naming kliyente "No, im fine. Konting pahinga lang siguro to" "okay sige. kumain ka na, magpapadeliver ako dyan ng food and meds mo, if hindi ka pa okay bukas wag ka na muna pumasok o kaya dahil alam ko naman na matigas ang ulo mo dahil papasok ka parin kahit youre not feeling well i'll pick you up tomorrow" "hayyy naku, wala nga si Kristal pero nandyan ka nga pala. Opo po, kakain po ako at iinom ng gamot at bukas aantayin kita. Okay na po ba?" "okay okay" Pinindot ko na ang end button at pabagsak na nahiga sa kama. Bahala na bukas kung anong mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD