Chapter 6

1589 Words
Nagkakasayahan pa sa loob ng magpasya si Jade at Michael na lumabas at maglakad lakad sa tabing dagat. Niyaya siya uminom ng alak ng bagong mag asawa na uminom pero sinabi niyang mamaya na lamang dahil gusto muna niyang magpahangin sa labas. Hindi naman nag atubili si Michael na samahan siya. Saglit itong nagpaalam ng makatanggap ng tawag, iniwan siya nito para humanap ng maayos na signal. Nakatanaw si Jade sa madilim na karagatan ng may marinig na kaluskos mula sa likod niya. Inakala niyang si Michael lamang ito kaya hindi na siya nag aksayang lingonin ito. "Alone?" tanong ng hindi pamilyar na boses Mabilis ang paglingon ni Jade sa taong nagsalita na nasa bandang kanan niya. Ganon na lamang ang gulat niya ng mapagsino ang lalaking nasa tabi niya. Sandali syang napatulala, hindi niya akalain na nandito ngayon si Dale. Bumilis ang t***k ng kanyang puso sa kaba pero agad niyang binalewala ang kabang nararamdaman. "What makes you nervous Jade?" usal nya sa sarili. When she take back her own senses ay agad siyang tumalikod at nagsimulang humakbang palayo sa binata. "oppss, not so fast Jade" maagap na hinawakan ni Dale ang kanyang pulsohan ng magtangka syang umalis. Tiningnan niya ito ng masama mula sa kamay nyang hawak nito hanggang sa muka. Bahagyag nakangiti na parang nakakaloko ang binata. "what do you want?" mataray nyang tanong at agad binawi ang mga kamay sa pagkakahawak ng binata. Pakiramdam niya ay may nagmumulang kuryente na nagmumula sa kamay ng binatang nakahawak sa kanya. "nothing. Gusto ko lang naman makipag kamustahan, five years din tayong hindi nagkita. Im just some old friend" patungkol nito sa kanya "and it's kinda boring inside so naglalakad lakad ako and i found you here" dugtong pa nito at mataman syang tiningnan Biglang nakaramdam ng hiya ang dalaga ng titigan siya ng binata. Dale tugged Jade's hair na ikinapitlag ng dalaga. "You look good Jade" Mabilis na tinabig ni Jade ang mga kamay ni Dale na hinahawi ang kanyang buhok na nililipad ng hangin sa kanyang muka. "maiwan na kita" paalam niya dito at mabilis ng tumalikod at malalaki ang hakbang na naglakad malayo. Tanaw niya si Michael sa di kalayoan at may kausap parin sa cellphone mabilis niyang tinahak ang direksyon ng binata. "You owe me something 5 years ago Jade at mahal ako maningil" pahabol pa ng binata ng hindi pa siya nakakalayo. Saglit na napahinto si Jade at nilingon ito. Abot sa dalawang tenga ang ngiti nito ng kanyang tingnan. Ano ba ang kailangan nito sa kanya. At anong utang ang sinasabi nito? "Nababaliw ka na" bulong ni Jade sa sarili bago nagpatuloy ng paglalakad. DALE'S POV Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ko nasabi yun. Parang may kung anong bumulong sa akin na lapitan siya ng makita ko siyang nag iisa kanina. May kung anong galak ang naramdaman ko ng malapitan ko siya at makita kung paano siya kinabahan ng makita ako. Sisiguradohin ko na hindi ito ang huli nating pagkikita Jade. Mukang magiging masaya ang bakasyon ko dito sa Pilipinas dahil sayo. Nalimutan na ni Jade ang nangyari sa beach ng gabi ng wedding. Binalewala na lamang niya ang nangyari at nagpatuloy ng kanyang buhay at trabaho sa Manila. Inisip niya na wala na sigurong dahilan para muling mag krus ang landas nilang dalawa ni Dale kaya wala na siyang dapat isipin pa. After ng kasal ay maaga syang nagpaalam kay Kristal na sasabay na siya kay Michael pagluwas ng Manila. Pumayag naman ito dahil in 2 days ay aalis din naman ang mag asawa para mag honeymoon sa Boracay at indifinite daw ang bakasyon na yun hindi nila alam kung kailan sila babalik. At ngayon nga ay pa isang Linggo nang wala ng dalawa, mukang napapasarap na masarili ang isa't isa. Hindi na rin naman niya binanggit sa bestfriend ang naging pagtatagpo nila ni Dale dahil binalewala na rin naman niya yun. "Maam, remind ko lang po kayo may meeting po kayo with Sir Michael ng 2;00 PM regarding po sa bagong project na kayo daw po ang maghahandle" "Okay" tumingin sya sa pangbisig na relo. 1:40 na ng hapon "give me 10 mins susunod na ako mag aayos lang ako" dugtong niya habang inaabot ang shoulder bag sa ibabaw ng office table "Alright maam" tipid na sagot nito at agad naglakad ng opisina palabas Hindi naman ganoon kataas ang posisyon niya sa kompanya kaya hindi din niya gets kung bakit kailangan pang ikuha siya ni Michael ng secretary. Sinabi na niya noon na kaya na niya ang mga trabaho sa opisina niya. Pero mapilit ang boss niya at ayaw pumayag sa gusto niya sa dami daw ng hawak niyang project ay kailangan nito ng alalay ng sa ganon ay walang makaligtaan na mga schedule and meetings. May punto naman ito dahil sa dami niyang trabaho ay minsan ay nakakalimot na sya sa mga deadlines at meeting na mahahalaga. Minsan nga ay nasesermonan siya ng kanyang boss ng minsang makalimutan nito na may meeting sila sa bagong investor na galing Saudi. Kaya kahit noong una ay labag sa loob niya ay pumayag na rin siya. "I hope im not that late" bungad ni Jade sa mga nasa loob ng conference room habang may kinakalikot sa kanyang cellphone chinecheck niya ang isang email na dumating habang naglalakad siya sa patungo sa meeting. "finally, what took you so long Jade sabi ng secretary mo susunod ka na daw nung nagpunta siya dito" sermon ni Michael kay Jade "im sorry i have to--" hindi na niya naituloy ang sinabi ng pag angat niya ng tingin ay isang pamilyar na muka isa sa kameeting nasa katapat na upoan ito ni Michael nakangiti ito habang nakatitig sa kanya "You must be Ms. Madrigal" untag nito sa kanya pagkaraka ay tumayo at inilahad ang kamay sa harapan niya. Wala sa sarili na napatanggap na lamang sya sa kamay ng binata. Napatingin siya kay Michael na clueless na nakatingin sa kanilang dalawa. "Yes, Mr. Evans she's Ms. Madrigal whom i am talking about earlier" sagot nito habang may tinitingnan sa laptop na nasa harapan. Hindi alam ni Jade kung uupo ba siya o lalabas na lang uli. "Sit down Jade so we can start" basag sa kanya ni Michael ng hindi pa rin ito natitinag sa pagkakatayo. Napatungo siya at agad naupo sa dulong upoan. Hindi nawawala ang tingin sa kanya ni Dale. Kahit malamig sa loob ng opisina ay parang sobrang init at sikip ng pakiramdam ni Jade. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang epekto sa kanya ng lalaking kaharap. So ito pala ang bagong project na kailangan niyang ihandle ang kompanya nila Dale. Hindi niya alam na may sarili na rin palang kompanya ito. Nang minsan na maulit ni Michael sa kanya na may bago silang project sa Surigao ay hindi na siya nag abala na alamin kung kaninong kompanya ang mangangailangan ng kanilang serbisyo upang mag extract ng gold and other minerals sa mining pit. Hindi naman niya ugali na mag background check sa mga nagigig kliyente nila. At ngayon ay kay Dale pala na kompanya ang kailangan nyang pag serbisyohan. Napabuga ng malalim na hininga ang dalaga sa sobrang frustration. Sa dami ng taong makakatrabaho bakit si Dale pa. Marahil ay limang taon na pero hindi siya naging handa sa muling pagkikita nilang dalawa. Sumandal si Michaael sa inuupoang swivel chair bago nagsalita "We can start the project depende sa schedule ni Ms. Madrigal" panimula nito Jade composed herself before she speak "But you can give the project to other team if they are in a hurry" "No we are not, please take your time Ms. Madrigal i hear your team is one of the great engineers here. I am looking forward to work with you" seryosong turan ni Dale Seryoso lamang na nakatingin si Michael sa dalawa at nagtatakang napatingin kay Jade ng maramdaman na nakakaramdam ito ng discomfort. Tumayo ito at nilapitan ang dalaga. "Are you okay Jade?" tanong nito habang sinasalat ang noo nito sa pag aakalang may sakit ang dalaga. "Are you sick?" dugtong pa nito "No im okay, im just tired i want to go home" maabilis na tugon nito at hinilot ang dalawang sentido. "I told you don't stress yourself. Babawasan ko ang workload mo para makapag pahinga ka. I'll take you home wait me at your office" Hindi na sumagot si Jade at mabilis ng lumabas ng silid. Hindi na siya nagpaalam sa mga kausap, wala na siyang pakialam kahit isipin nito na bastos siya dahil sa pag alis ng hindi man lang nagpapaalam. Hindi na niya makayanan ang nerbyos na nararamdaman dahil sa presensya ng binata. Hindi na niya matagalan ang mga tingin nito sa kanya. Siya lang ba? o napaparanoid siya, parang may kakaibang ibig sabihin ang mga tingin na ipinupukol sa kanya ng binata. "Sorry Mr. Evans we can continue the meeting some other time, i think Ms. Madrigal is not well" paghingi ng paumanhin ni Michael kay Dale "That's okay, just let me know when are we going to visit the site so i can arrange my schedule" "Makakaasa ka Mr. Evans, thank you for yor time" Agad ng tumayo si Dale sa kinauupoan at inayos ang nalukot na suit bago nakipag kamay sa kausap. "If that's so, im heading now" paalam nito. Nang makatalikod sa kausap ay biglang sumilay ang isang tipid na ngiti sa labi ng binata. Talagang iba pala ang hatid ng presensya niya kay Jade. Hindi niya inaasahan ang bagay na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD