Chapter 5

2125 Words
Napaka romantic ng buong venue para sa kasal ni Anton at Kristal. Everything is white sa harap ng malawak na asul na dagat na nalalatagan ng liwanag mula sa papalubog na araw, umiihip ang hanging nang gagaling sa dagat. Pinili ng magkasintahan na maging intimate lamang ang kanilang kasal. Walang ibang imbitado kundi mga mahahalagang tao lamang sa kanilang buhay. "Please po sa mga taong hindi kasali sa entourage let us all be sitted at magsisimula na po ang ceremony. Punta na po tayo sa mga dapat nating pwestohan let us all cooperate para sa ikakaayos po ng kasal ng ating couple" paalala ng wedding coordinator sa mga taong nakatayo sa iba't ibang parte ng venue. DALE'S POV Naupo na ako sa gitnang bahagi ng mga nakahilirang tiffany chairs. Maya maya ay umalingawngaw na ang wedding march tanda na magsisimula ng may mag martsa papunta sa unahan. Napaka sarap sa tenga lahat ng tao ay may ngiti sa labi. Isa isa ng naglabasan mula sa likod ang bahagi ng entourage. Unang naglakad ang mga groomsmen they are waring white plain polo shirts with khaki shorts sumunod si Anton na naka cream tuxedo. Parang lumulutang sa alapaap kung makangiti ang lokong ito ah. Nakita ko na may panaka nakang luha na ang mga mata niya. Siguradong iiyak to mamaya paglabas ni Kristal, kailangan ko ihanda ang cellphone ko dapat makunan ang itsura ng loko lokong to mamaya habang umiiyak. Kalaki laki ng katawan ay isa palang malaking iyakin. Sumunod na naglabasan ang mga bridesmaid naka maxi dress na floral ang mga nag gagandahang dilag, iniisa isa ko ang mga to lahat ay magaganda at sexy. Baka may mabibingwit ako para maiuwi mamaya. Napahalakhak ang utak ko sa ideyang yun. Huling lumabas ang maid of honor. Sino nga ba ang maid of honor ni Kristal? Tanong ko sa sarili ko. Malayo pa ay tanaw ko na ang magandang babae na lumabas mula sa puting kurtina na sumasayaw pa dala ng hangin. Napatanga ako ng makita kung sino ang babaeng yun. Si Jade ang maid of honor. Bakit nawaglit sa isip ko na si Jade nga pala ang bestfriend ni Kristal sa tindi ng galit ko dito ay kahit anong bagay o impormasyon malaki o maliit ay kinalimutan ko na at hindi ko na binigyan ng pansin kahit na kailan. Napaka ganda ng ngiti niya habang dahan dahan na naglalakad. Labas na labas ang ganda niya sa suot na cream spaghetti strap na dress na lampas tuhod. Kahit hindi fit ay kitang kita ang magandang hubog niyang katawan. Nililipad ng hangin ang buhok niyang hanggang balikat. Si Jade ba talaga to? Napakalaki ng pinagbago ng itsura niya. Noon pa man ay maganda na ang kutis nito pero ngayon ay lalo iyong gumanda halos maging kakulay na niya ang dress na suot kumikinang ang kutis nito dahil sa tama ng lumulubog na araw. Ang naturally straight hair niyang mahaba noon ay ipinaputol ng hanggang balikat. Ang katawan niyang bilogan noon ay naging balingkinitan na lalong nagpalutang sa kanyang ganda. Napadako ang tingin ko sa labas na labas niyang collar bone, (my weakness sa mga babae) malaki ang ipinagbago ng katawan ng babaeng ito. Noon ay hindi ko siya napapag tuonan ng pansin dahil wala naman akong interes sa kanya. Alam ko na maganda ito pero hindi ko siya maiihanay sa ganda ng mga babaeng natitipohan ko noong nag aaral pa kami. May pagka boyish ito kumilos noon siguro ay dala ng palaging lalaki ang nakakasama dahil halos puro lalaki ang kaklase dahil sa klase ng kursong kinuha. Si Kristal lamang ang nakikita kong nakakasama niyang babae noong nag aaral pa kami. Siguro ngayon ay may time na itong mag ayos ng sarili hindi gaya noon. Babaeng babae na ito, mahinhin na babae hindi gaya noon na parang laging naghahamon ng away pag naglalakad at laging nakatali ang mahabang buhok. Teka nakangiti siya sa direksyon kung nasaan ako. Ako ba ang nginingitian niya? Sa akin ba siya nakangiti? Teka ngingiti ba ako? Bakit ako ngingiti? Nang makarating ito sa tapat ko ay may narinig akong nagsalita mula sa likoran ko. "You look beautiful" boses ito ng lalaki. Lumingon ako. I saw him smiling also while staring Jade. Boyfriend niya ba ito? Hanggang sa makarating si Jade sa kanyang pwesto ay hindi mawala ang tingin ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na magiging ganito ang itsura niya. Nagpa Belo ba siya? Likod na lamang niya ang nakikita ko. Pero parang nakapatsi dito ang mga mata ko. Muli ay lumingon ako sa lalaking nasa likoran ko. Nakangiti parin ito habang kinukunan ng litrato si Jade. end of Dale's POV Not sure if you know this But when we first met I got so nervous i couldn't speak In that very moment I found the one and My life had found it's missing piece.... Lumabas na ang napakagandang bride. Nakangiti ito habang may pailan ilang butil ng luha habang nakatingin sa kanyang groom na naghihintay sa unahan. Hindi matatanggi ang kasiyahang sumisilay sa mga mata nito, bagaman liham sa luha ay bakas dito ang hindi mapapantayang saya ng mga oras na yun. Hindi mapigilan ni Jade na mapaiyak habang minamasdan ang bestfriend na naglalakad suot ang napaka gandang wedding dress nito. Alam niyang marami ng magbabago after nito. Magkakaron na ng sariling pamilya si Kristal at yun naman ang deserve ng kaibigan niya ang maging masaya. Nakikita ng dalaga na walang paglagyan ang sayang nararamdam ngayon ng bestfriend nya. Masaya siya na makita kung gaano kasaya ang kanyang bestfriend, saksi siya sa naging pagmamahalan ng dalawa. Hanga siya sa naging tibay ng kanyang kaibigan sa paghawak sa relasyon nito kay Anton. Sa mga sacrifices na nakita niya sa dalawa masasabi niyang they are both deserved each other. How she wish she can experience that kind of happiness too. Reception "That's a so heartwarming speech mula sa pinakamamahal na mommy ng ating bride" sabay nagpalakpakan ang mga tao ng nasa loob ng isang di kalakihan pero napaka eleganteng pagkakaayos ng hall "let us call for a speech naman po mula sa napakagandang maid of honor ang bestfriend ng ating bride please come in front Ms. Jade Adrielle Madrigal" Mahabang litanya ng emcee na nasa unahan. Napapitlag pa si Jade ng marinig ang kanyang pangalan. She's not ready for that, hindi man lang siya sinabihan ni Kristal na may ganito pa palang pa message na magaganap ngayong gabi. Pero ayaw naman niyang ipahiya ang bestfriend kaya tumayo syang nakangiti at naglakad papunta sa unahan. "ahm good evening everyone" panimula niya habang nakangiting nakatingin sa newlyweds. Abot tenga din naman ang ngiti ni Kristal at Anton habang nakatingin sa kanya. "actually guys im not ready for this hindi ako nasabihan na may ganito pala kaya pagpaumanhin niyo na po. But i'd like to start this short message saying congratulations to both of you Anton and Kristal. You both deserved each other, pareho kayong mabuting tao. You know that you're not just my bestfriend Kristal. You're also my saviour, my guardian angel and i found a sister in you. I do not know what i am now kung wala ka sa tabi ko. That's why i am fond in happiness seeing you like that, walang pagsidlan ang saya" nagsisimulang maging emosyonal ang boses ni Jade "baka nga kung lalaki ang isa satin baka tayo ang nagkatuloyan e hehe" biro nya upang madivert ang pagiging emosyonal nya. Sabay sabay namang nagtawanan ang mga bisita "I wish you guys a happy life, please bigyan niyo na ko ng inaanak at apo sila tita Liz and congratulations again" doon ay tinapos na nya ang message sa bagong kasal dahil baka tuloyan na syang maiyak. Bago bumalik sa kanyang upoan ay nilapitan nya ang kanyang bestfriend at niyakap ito. "im happy for you Kristal i love you" "thank you, Jade mahal din kita bestfriend ko" saka ito gumanti ng yakap "don't you dare Anton" patungkol niyang huwag nitong lolokohin ang asawa. Ngiti lang naman ang naging sagot sa kanya ni Anton. Hindi dumirecho si Jade sa dating upoan bagkos ay pinuntahan nito si Michael na nakaupo sa bandang hulihin. Wala itong kasama siguro dahil bukod sa kanila ni Kristal ay wala naman itong ibang kilala doon. Umayos ito ng pagkakaupo ng makita sya. "are you okay here?" nakangiting tanong ni Jade sa binata "yeah, im okay but if you can join me here, much better" habang pinapagpapagan ang katabing upoan "syempre naman, takot ko na lang sa boss ko baka i fire mo pa ako dahil matagal taga na ang bakasyon ko" turan nito "haha, ako nga yung boss mo na laging humihiling sayo na magbakasyon ka naman sana, saan ka naman nakatagpo ng ganoong boss kundi sa akin lang" "oh ngayon ano happy ka na? 1 week mo na ko hindi nakikita sa opisina?" "yes. Medyo nagsasawa na rin ako sa mukha mo e" nagkunwari itong nagsusungi "ahhh ganon? Eh kung mag file na kaya ako ng resignation letter? Right now Mr. Michael Morrison?" pagpatol naman ng dalaga sa pang popower trip sa kanya ng binata Agad naman siyang hinala ng binata sa dibdib ng marinig nito ang pagbabanta niya at tinapik tapik ang ulo niya. "Ikaw naman hindi ka na mabiro! Alam na alam mo naman na hindi ko kakayanin este ng kompanya pala na mawalan kami ng napakagaling at napakasipag na engineer na gaya mo Ielle" Napasimangot naman si Ielle habang sinusuntok sa dibdib ang kausap. "Akala ko nga ayaw mo na sa akin, hindi na ako babalik ng Manila kung ganon" "Of course not!" tutol nito na tiningnan pa sa mga mata ang dalaga "mawawala ang lahat ng taohan ko pero ikaw hindi ko kakayanin na mawala ka, lalo na sa buhay ko haha wala na akong crying baby sa office pag umalis ka" patuloy na panunudyo nito sa dalaga "you're so mean I'm starting to hate you Michael" Napatingala naman si Michael dahil nararamdaman niyang napipikon na ito sa mga sinabi niya. Muli ay hinatak niya ito papunta sa dibdib niya at hinalikan ng panaka naka ang ulo nito. "Im just kidding, ikaw lang palagi ang baby namin ni Kristal don't worry" seryosong turan nito. Sa di kalayoan ay nakatanaw si Dale sa bawat kilos ni Jade at ng kaakbay nitong lalaki. "Mukang boyfriend niya nga ah" bulong nito sa sarili habang nakataman na nakatingin sa dalawa. "May sinasabi ka ba Dale" baling ni Dior sa kaibigan ng marinig nitong bumulong ito. Nasa isang lamesa nakaupo ang grupo ng kaibigan ni Dale at Anton. "huh?" gulat na tanong ni Dale kay Dior. Narinig pala nito ang sinabi niya. "kanina ka pa nakatingin dyan kay Jade ah" sabat naman ni Lennon kaibigan din nila ni Anton. "ahh oo, sobrang nagtataka lang ako parang hindi sya yung Jade na huli kong nakita 5 years ago" nagtatakang tanong padin nito bago iniinom ang wine na nasa kopita "gumanda lalo ano? kahit kami ay nagtaka din sa naging transformation niyan ni Jade e ang akala natin noon ay tomboy dahil sa sobrang kagaslawan kumilos. Talagang change is the only constant thing in this world" Napatango lamang si Dale at bumalik sa unahan ang tingin kung saan nagsslow dance na si Anton at Kristal sa kantang endless love. Hindi niya nagugustohan ang sarili na panay panay ang pagtingin kay Jade parang nagiging stalker na siya sa ginagawa niya. Ano bang pakialam nya sa babaeng yun, eh mas magaganda pa nga dito ang mga babaeng nakakasama niya sa Dubai. ANTON AND KRISTAL'S POV "Ikaw Anton ha may kasalananan ka na agad sa akin" naiinis na bulong ni Kristal kay Anton habang magkayakap at dahan dahan na sumasayaw. Napakamot naman si Anton sa ulo ng maintindihan ang sinabi ng asawa.Mukang nakita na nito si Dale "im sorry, di ko na nasabi sayo kasi alam ko naman na hindi ka papayag e" hinging pasensya nito habang pakamot kamot sa ulo "alam mo naman pala na hindi ako papayag pero pinapunta mo padin" galit padin na sagot ni Kristal "sorry na. Pero hindi naman yan magtatagal si Dale aalis na rin yan, gusto mo pauwiin ko na" "hindi na. hayaan mo na sya. Baka sabihin naman pinagtataboyan ko sya. Hindi ko naman gagawin yun kahit yun talaga ang gusto kong gawin sa kanya" umiirap na sagot nito "dahil naging pasaway ka agad, hindi ka tatabi sa akin mamaya" pagbibigay parusa nito "mahal naman wag ka namang ganyan grabe ka naman magparusa sa asawa mo" nagmamaktol na protesta nito "dapat sayo binibigyan agad ng leksyon ng magtanda hindi ka marunong sumunod sa mga sinasabi ko sayo" Napakamot na lamang muli si Anton sa ulo kahit hindi makati. Wrong move talaga ang ginawa niya. Mukang outside de kulambo agad siya sa unang gabi na mag asawa sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD