DALE'S POV
Malaki na ang ipinagbago ng lugar na ito. Ilang taon na rin akong hindi nakakauwi, simula ng makagraduate ako ay hindi na talaga ako nakauwi. After i passed the board exam ay sumunod na ko kay papa sa Dubai para matulongan siya sa business namin doon. Nagsimula si papa sa pamimili ng pakonti konting ginto sa maliliit na minahan dito sa Pilipinas at dinadala niya sa Dubai dahil nandon ang mga magagaling na gold smith. Kaya nga naging mining engineer ako para matulongan si papa sa pinasok nyang negosyo. Sa mga lumipas naman na taon ay napalago na namin ito, paminsan minsan ay nagkakaron kami ng kontrata sa mga minahan sa mga maliliit na bansa sa Asya kaya nahasa na rin ako sa larangang ito. Dito pa lang sa Pilipinas ako hindi nakahawak ng kontrata. Twing may inaalok sa amin ay pinipili kong ipahawak ito sa ibang engineer namin dahil ayoko muna umuwi hindi ko din maipaliwanag basta hindi ko lang trip. Siguro ay nag eenjoy ako sa buhay na nalalasap ko sa Dubai far from what i experienced here in Philippines.
Pero ngayon kailangan ko umuwi dahil ikakasal ang magaling kong kaibigan na si Anton. Talagang magpapatali na ang loko. Hanga din ako sa naging tibay ng relasyon nila ni Kristal, since college pa sila. Totoo namang mahal ng dalawa ang isa't-isa saksi din naman ako sa magkasintahan simula noon hanggang sa magtrabaho si Anton sa Dubai sa kompanya ni daddy. Nakita ko kung paano napapraning si Anton sa twing nag aaway sila ni Kristal. Matinding hamon sa dalawa ang pagiging LDR, kaya na rin siguro nagpasya na magpakasal ang dalawa.
Kaya ako? Mas pinili kong maging binata na lamang bata pa ko at ayoko pang matali sa kahit na sinong babae. I do flings and one night stand at wala akong balak magseryoso sa pag ibig. Last time i remember na nagseryoso ako sa isang babae ay nabigo agad ako.
Nakatulala sya habang may labing nakalapat sa mga labi nya. Amoy na amoy nya ang pinaghalong amoy ng alak at ng mabangong pabango nito sa katawan. Hindi sya makagalaw. He didn't know how to react. Hanggang sa tumalikod ito at umalis ay hindi nya mahagip ang katinoan. Nang maramdaman nyang may nakatitig sa kanya napabaling sya sa matang kanina pa nakamasid sa kanya. It's Thea...
Namumula ang muka nito at may luha sa mga mata. Agad nya itong nilapitan kailangan niya magpaliwanag. Kailangan niya magpaliwanag sa bagay na kahit siya ay nagugulohan din. Base sa reaksyon nito ay mukang nakita nito ang eksena kanina sa pagitan nila ni Jade.
Isang malakas na sampal sa pisngi ang natanggap nya kay Thea ng makalapit sya dito para magpaliwanag. Kita niya sa mata ng babae ang sakit na nararamdaman habang nakatitig sa mga mata niya.
"Babe it's not wha-" naputol ang sasabihin nya ng sampalin ulit sya nito.
"huwag ka na magpaliwanag Dale i saw everything, don't you dare na lapitan ako ulit" madamdaming usal ni Thea habang nag uunahan ang mga luha nya sa mata. Tumalikod ito at walang lingon lingon na naglakad palayo.
Natulala si Dale habang pinagmamasdan ang papalayong si Thea.
"you Jade" galit na usal nya ng maalala ang ginawa ni Jade kanina.
Napahawak siya ng mahigpit sa manibela ng maalala si Jade. Hanggang ngayon ay hindi nya pa ito napapatawad sa ginawa nitong pagsira sa kanyang unang seryosong relasyon. Hindi na sya kailanman kinausap ni Thea after that incident. Wala na rin syang nagawa dahil alam niyang nasaktan ito sa nakita, hindi na rin sya nakapag paliwanag dahil hindi nya alam kung saan niya ito hahanapin. Bigla itong nawala, nagtanong siya sa mga kaibigan ng dalaga kung saan niya ito pwedeng puntahan para makipag usap pero tikom ang bibig ng mga to maging ang mga magulang ng dalaga ay nagalit sa kanya kaya ayaw sabihin kung saan niya matatagpuan si Thea. "Sinira mo ang tiwala namin sayo Dale" yun lamang ang tanging narinig niya sa mga magulang ng dating kasintahan ng minsan syang sumadya sa bahay ng mga ito.
Ibinaling niya ang atensyon sa pagmamaneho. Ipinilig niya ang ulo upang mawala sa kanyang isip ang nakaraan. Matagal naman na sya nakamove on pero aaminin nya na matindi ang naging epekto nito sa kanya dahil totoo ang pagmamahal niya kay Thea. Kaya matindi din siyang nasaktan sa biglang pagkaputol ng kanilang kakasimula pa lamang na relasyon. Kaya hindi niya maiwasan na muling magalit sa twing naaalala ang ginawa ni Jade. Nanginginig ang kanyang mga laman naririnig pa lamang ang pangalan nito at isa pang nagpapagalit sa kanya ay sya pa ang may lakas ng loob na sampalin siya noong time na kinokompronta niya ang dalaga sa ginawang paghalik sa kanya. Yes it was just a kissed, pero yun ang naging ugat kung bakit nagalit si Thea at hiniwalayan siya.
Kringggg... Kringggg
Anton calling
Mabilis nyang isinuot ang bluetooth headset bago nagsalita.
"Bro" simula nya
"Inom tayo mamaya text mo ko punta ako sa bahay niyo" walang kagatol gatol na sagot ng kaibigan niya sa kabilang linya.
"wag sa bahay, i want to hang out in some other place siguro bro magtanong tanong ka kung saan may magandang bar dito ngayon, masyadong boring pag sa bahay lang. You know what i mean"
"okayyyy that's nice haha" humahalakhak na sagot nito. Talagang pag usapang inoman napaka galing ng kaibigan nyang to at siya naman ay pagdating sa mga chika babes.
Pinindot nya ang end button ng mapansin nyang pamilyar na sa kanya ang kalsadang binabagtas. Nagmenor sya ng kaonti bago lagpasan ang isang babaeng nakatulala sa isang pamilyar na bahay. Bahay yun nila Jade.
"si Jade ba yun?" usal niya sa sarili
Hanggang sa makalampas ay minasdan nya parin ito mula sa kanyang side mirror. Si Jade nga hindi sya pwedeng magkamali. Nagtaka sya ng mapansin na hindi ito pumapasok sa loob ng bahay at nakatitig lamang sa kabuoan ng bahay. Nagkibit na lamang siya ng balikat ng mawala na ito sa salamin ng kanyang salamin. Muli ay pinaharurut nya ang sasakyan.
"The hell i care" hindi niya ineexpect na ang babaeng yun agad ang unang taong kilala niya na makikita pagdating dito sa Cebu.
JADE'S POV
Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Halo halong emosyon, pero nangingibabaw ang pangungulila ko. May kalahating oras na ko na nakatulala dito sa labas. Hindi ko alam kung papasok ba ako sa loob ng bahay namin.
"ma, i really missed you" nagbabadya na ang luha ko
Tanging itong bahay na lamang ang nagpapaalala sa akin ng masasaya nating alaala. Pero saksi din itong bahay na to sa lahat ng sakit na pinagdaanan ko dahil sa pangungulila ko sa iyo at sa sakit na naramdaman ko ng mawala ka.
Ilang taon na pero yung sakit sa puso ko ay sariwang sariwa parin. Agad akong pumasok sa loob ng kotse at umalis sa lugar na iyon ng maramdaman kong may mga luha ng naglalandas sa aking mga mata. Ayokong may makakita pa sa akin dito.
Maingay at mausok sa loob ng bar. Kaliwat kanan ang nagsasayawan. Kaliwat kanan din ang mga nag gagandahan at nag sesexyhan na babae.
Mainit na ang katawan ni Dale marami rami na rin syang nainom na alak. Nabibwiset sya kay Anton dahil ito ang nagyaya sa kanya pero panay panay naman ang labas dahil tawag ng tawag si Kristal sa telepono.
"you know what? umuwi ka na lang kaya" nang aasar na salubong ni Dale kay Anton. Kakagaling lang nito sa labas dahil tumawag na naman si Kristal
"loko ka! hindi naman naghihigpit si Kristal gusto lang niya ako icheck kung okay ba ako. Syempre mahal lang ako nun kaya ganon siya sa akin" mahabang turan nito sa kaibigan bago shinot ang in can beer.
"jeez, ikakasal na kayo kaya sabihin mo wag na siya mag alala pa wala ka ng kawala. I wish talaga na hindi ka niya ikulong sa bahay niyo after niyo maikasal that sucks bro"
"i don't need to give her assurance alam nya how much i love her at hindi ganon si Kristal, hindi siya ganong uri ng babae malaki ang tiwala namin sa isa't isa. Talagang mahal lang niya ko kaya gusto niyang masigurado na okay ako oras oras" nangingislap ang matang sagot ni Anton sa kaibigan
"so gay bro" parang nandidiring turan ni Dale at napangiwi pa
"haha tingnan natin pag nahanap mo ang katapat mo Dale at ikaw ang makaramdam ng ganito kagaya sa akin kaw naman ang sasabihan ko ng gay"
Natawa na lamang si Dale sa sinabi ng kaibigan. Walang wala pa sa isip nya ang bagay na yun at hindi nga nya alam kung may balak pa sya na lumagay din sa tahimik gaya ng kaibigan nya. Basta nag eenjoy sya sa mga nagagawa nya ngayon. She can do whatever he wants. Mag date ng iba ibang babae, weekly? monthly? daily? Walang nagbabawal sa kanya dahil hindi sya nakipag commit sa mga ito. Just a fling. Flirt. One night stand. Love and to settle down is the least priority of his life. Hindi niya naiisip na mag settle down at mapatali sa isang babae. Malaki ang nabago sa kanya lalo na sa ganitong bagay dahil sa buhay na kinagawian niya sa ibang bansa. Naisip niya na makukuha naman niya ang mga bagay na kailangan ng isang lalaki kahit hindi ito mag commit. Masaya na siya sa panandaliang ligaya at hahanap na lang ulit ng bago at kakaiba pag nagsawa siya. Pero ginagawa niya yun ay sa mga babaeng alam niya na safe siya. Safe sa sakit ng ulo, walang sabit at lalong walang sakit. Be safe than sorry lagi niyang paalala sa sarili.
Like this girl na kanina pa nakatitig sa kanya. Alam na alam niya ang mga ganitong tinginan sa kanya ng isang babae. Huwag syang mag alala dahil mamaya papatulan sya nito. Masyadong pang maaga para sa ganyang bagay.
Ala una na ng madaling araw ng magpaalam si Anton sa kanya. Uuwi na daw ito at baka malasing ng todo at hindi na makapag maneho at nag aalala na din daw si Kristal sa kanya. Pumayag naman na sya dahil ito na ang hudyat ng paglusob nya sa babaeng kanina pa nakatitig sa kanya.
Nang makalabas si Anton ay agad tumayo si Dale dala ang isang bote ng beer at lumapit sa lamesa ng babaeng target niya ngayong gabi.
"alone?" napaka sexy ng babaeng nasa harapan niya. Kanina ay may mga kasamahan ito pero ngayon ay nag iisa na lamang mukang umalis na rin. Nag assume naman siya na inantay siya ng babae kaya hindi pa ito sumama sa mga kasama kanina. At hindi nga nagkamali ang hinuha niya.
"kanina pa kita inaantay" malanding sagot ng babae "upo ka"
"that's so fast" nakangisi naman nyang sagot habang titig na titig sa dibdib ng babaeng kaharap. Nakaluwa na ang kalahating dibdib nito sa sobrang liit ng suot na saplot
"hindi na dapat pinapatagal ang ganyang kagwapohan" mabilis na tugon nito
Bago pa sya nakasagot ay nahila na sya nito at sinunggaban ng halik sa labi. Sino ba naman sya para tumanggi sa grasya. Napangiti siya saka tumugon ng halik sa babaeng kahalikan.
Malalim na ang gabi pero hindi parin makatulog si Jade. Nakaupo sya sa terrace ng kanyang hotel room. Overlooking doon ang malawak na dagat. Dito na sya nag check in since dito naman gaganapin ang beach wedding ni Kristal at Anton sa susunod na araw. Napasinghap sya ng biglang dumaan ang malamig na hangin galing dagat. Hinagip nya ang cellphone sa ibabaw ng lamesa ng marinig na may message na dumating. Sino naman kaya ang mag memessage sa kanya ng ganoong oras. Bago siya nag file ng VL ay sinigurado niyang tapos ang kanyang pending na trabaho. Nagbilin din sya sa sekretarya niya na pag may naghanap sa kanya ay sabihin na naka bakasyon siya.
FROM: Michael
How's vacation?
FROM: Jade
It's good. I miss something. You know
FROM: Michael
What? or Who? Me ba? ? haha
FROM: Jade
shocks Michael i miss you, perhaps, but a lot is i miss my work haha
FROM: Michael
ouch that's hurt Jade. But don't worry I'll be there tomorrow night hindi mo na ako mamimiss haha. Matulog ka na it's late goodnight.
Invited nga din pala si Michael sa wedding. Naging kaibigan na rin ni Kristal ang kanyang boss. Isa rin ito sa mga naging sandalan nya noong mga panahon na madilim ang buhay nya. Although boss nya ito ay naging magkasundo sila. Boss at employee ang turingan nila pag nasa opisina pero magkaibigan sila pag nasa labas.
Ibinalik ni Jade ang pagtanaw sa karagatan ng mailapag ang telepono sa lamesang nasa harapan. Kahit anong gawin niya ay hindi siya makatulog. Ilang movie na ang natapos niya pero hindi parin siya dalawin ng antok. Humugot siya ng isang malalim na hininga bago nagpasyang pumasok sa loob ng kwarto medyo malamig na ang simoy ng hangin baka magkasakit pa siya. Ayaw naman niyang maging maid of honor na may patulo tulong uhog sa ilong. Pipilitin na niyang makatulog at baka lumaki rin ang eyebags niya sa araw ng kasal.