Iginala ko ang mata ko sa kalawakan ng dagat. Wala akong ibang matanaw kundi tubig at ang kalangitan. Hindi ko na matandaan kung kelan ako huling umuwi it's been a year? years? Halos ayoko na umuwi dito. Naaalala ko lang ang mga nakaraan sa lugar na ito. Pero this time ay hindi na pwedeng hindi ako uuwi dahil ikakasal na ang bestfriend ko. Malapit na dumaong ang barko kaya bumaba na ko sa lower deck ng barko para sumakay sa kotse ko. Doon na ako mag aantay para hindi ako abotan ng maraming tao na magbababaan.
kringgg... kringgg..
Kristal calling...
"Kristal"
("nasan ka na? dito muna dumirecho sa bahay ha naghanda sila mommy ng lunch kasi alam nila na dadating ka")
"buttt---"
("no but's Jade Ielle Madrigal pumayag na ko na hindi ka na tumuloy dito sa bahay at ngayon pati lunch na niready namin ay tatanggihan mo?) naiiritang litanya sakin ni Kristal
"okay im coming" tanging naisagot ko na lamang at saka pinindot and end button
Simula ng mawala si mama ay halos ayoko na lumabas ng bahay at makipag usap man lang. But Kristal is always there for me actually her whole family. Napakalaki ng naitulong nila sakin noong panahon na walang wala akong makapitan. Hindi nila ko pinabayaan especially Kristal halos sa bahay na namin sya tumira to make sure that i am always okay alive and kicking. Iba din ang pasensya ng bestfriend ko na ito. Kaya ngayon ako naman ang kailangan sumunod sa lahat ng gusto niya. I want her to feel happy lalo na't ikakasal na sya.
Noong una ay tutol ako dahil masyado pa silang mga bata. 23 pa lang si Kristal at 25 naman si Anton, pero buhay naman nila yun. Sino naman ako para humadlang sa kasiyahan ng dalawang pusong nagmamahalan. I started to smile habang naaalala ko ang aking pinaka mamahal na bestfriend. She deserve to be happy anyway.
Pumasok ako sa kotse at nahiga sa loob, mga 30 mins pa siguro kaya pumikit muna ako.
ANTON'S POV
Siguradong masasaktan ako ni Kristal pag nalaman nya na darating si Dale sa kasal namin. She hate the idea na magkikita ulit ang dalawa. But Dale is my bestfriend pumayag na nga ako na hindi ito makasama sa entourage dahil si Jade ang maid of honor. Atleast masaksihan man lang nya ang isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko. I decided not to mention that to Kristal hahayaan ko na lamang na makita nya si Dale sa mismong araw ng kasal namin. Haharapin ko na lang ang galit niya sa akin after, sasalohin ko na lang lahat sapak nya pag nagkataon. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ngayon baka bigla ay umatras sya sa kasal namin. Napailing ako sa idea na yun.
Limang taon naman na ang nakakalipas siguro naman ay medyo nagheal na ang mga sarili nila and besides mga bata pa sila noon may mga immature na desisyon sa buhay but understandable naman dahil nga mga bata pa. Alam ko na balewala na kay Dale ang nakaraan kahit minsan ay hindi ko na nabanngit sa kanya si Jade, after that incident he flew to Manila doon sya nagreview at ng makapasa ay lumipad agad papunta sa Dubai para sa business nila ng papa niya. Kaya wala na rin kaming time na pag usapan ang nakaraan, though sa Dubai din ako nakapagtrabaho ay kahit minsan ay hindi kami nag usap ng tungkol kay Jade. Mabuti na rin yun dahil ayaw ni Kristal na may ibang makakaalam ng mga nangyari kay Jade.
TO: DALE
Don't forget. Saturday 4pm you know the place right?
TO: ANTON
Yes bro. Thursday morning touch down na ko ng Cebu. Goodluck
Napatingala si Jade sa mataas na bahay na nasa harapan. Mataas ang sikat ng araw pero may panaka nakang malalakas na hangin ang dumadating, bahagya nung nililipad ang shoulder level nyang buhok. Matagal tagal nya itong tinitigan bago isinara ang pinto ng kotse at naglakad papalapit sa gate. Humugot siya ng malalim na hininga saka tinanggal ang shades bago pinindot ang doorbell
Tinggggg..
Wala pang ilang minuto ay may lumabas na sa gate. It's Kristal. Malawak ang ngiti nito sa labi habang naglalakad papalapit sa gate.
"I missed you" mahigpit na yumakap si Kristal sa matalik na kaibigan after she opened the gate.
"Namiss rin kita" ganti naman ni Jade at niyakap ng mas mahigpit ang kaibigan. Totoong namiss nya ang ito ilang buwan din silang hindi nagkita. Kinailangan kasi nito na pumunta sa Dubai dahil may kinuha itong mga ilang bagay na gagamitin para sa kanilang kasal ni Anton at para narin makasama ang nobyo. Doon nila plinantsa ang kasal na magaganap.
"Mom, Jade's here" sigaw nito habang naglalakad papasok sa loob ng bahay.
"you don't need to shout Kristal. Wala sila sa kabilang kanto" saway nito sa kaibigan. Mataman lamang syang tiningnan ni Kristal. Noon ay siya itong halos laging walang tigil ang bibig sa kakadaldal at laging nakasigaw but that was 5 years ago. People changed for some reason and under circumtances.
Pagdating nila sa dining ay nandon ang mommy ni Jade, nasa early 50's na ito, but still look beutiful. Nilapitan nya ito at agad nakepag beso.
"good day po tita Liz" magalang na bati nya sa ina ni Kristal
"nice to see you again Jade, how's your trip baby?" she always call her that way. Nasanay na rin ang dalaga sa ganitong endearment ng ginang sa kanya sa kanilang dalawa ni Kristal actually. Simula ng mawala ang mama nya ay itinuring na siya nitong parang sariling anak. Sa pamilya ni Kristal niya nahanap ang isang buong pamilya na matagal ng kinuha sa kanya ng tadhana.
"okay lang po, medyo nakakapagod. Hindi na ko sanay sumakay ng barko." nakangiting sagot nito bago bumitaw sa pagkakayakap sa kanya ng matanda
"sana kasi nag eroplano ka na lang at pinasundo ka na lang namin sa airport, napagod ka pa tuloy" nag aalalang turan nito
"i told her that already pero matigas ang ulo niyan ni Jade ma" iritang sabat ni Kristal
"i have to take my car din po tita may mga aasikasohin po kasi ako kaya kailangan ko ang kotse ko" nakangiti naman niyang sagot
"whatever" maarteng basag sa kanya ni Kristal
"oh sya sya tama na yan, maupo ka na at kakain na tayo. At ikaw Kristal tawagin mo na ang ama mo sa taas para makakain na tayo" putol ng ginang sa magkaibigan. Agad namang tumalima si Kristal sa utos ng ina.
Masaya silang nagkwentohan habang kumakain. Maraming naging kwento si Kristal na mga nangyari sa kanya habang nasa Dubai ito.
Bagaman nandito si Jade sa kanilang probinsya ay hindi siya gaya ng iba na saya ang nararamdaman twing nakakabalik kung saan sila lumaki o tumubo. Lungkot ang lagi nyang nararamdaman everytime na papasok sa kanyang isip ang Cebu. Naaalala niya ang kanyang ina dito. Plano nila noon na pagkagraduate niya ay agad syang maghahanap ng trabaho dito sa Cebu at uuwi na ang mama niya para magkasama na sila. Pero hindi na ito kailanman mangyayari pa. Kaya nga ng makatapos sya ay agad syang lumuwas ng Maynila ng sa ganon ay maibsan ang lungkot na nararamdaman. Doon ay nagsimula syang muli, nais nyang kalimutan ang lahat ng pait na nakaraan na nangyari dito sa Cebu. Hindi naman siya pinabayaan ni Kristal na harapin ang napakalaking dagok ng kanyang buhay.