"Maam, phone call from Dubai" it's Rica her secretary.
"Okay" agad syang tumayo bago bitawan ang mga documentong hawak at inabot ang telepono at nilagay ito sa kanang tenga.
"yes hello" bati nya sa kabilang linya
("oh my gosh Jade i missed you!! bakit hindi kita macontact sa personal number mo?) mahabang litanya ni Kristal
Napangiwi pa si Jade dahil sa ginawang pagtili ng kaibigan.
"Im sorry i lost my phone" tipid na sagot nito bago ibinaling ang mata sa laptop na nasa ibabaw ng kanyang office table
("ohhh, anyway im coming home na next week, i expect you there also")
"Pwede bang umuwi na lang ako eh sa araw na mismo ng kasal mo, loaded ang trabaho ko Kristal?" protesta ni Jade
("No Jade you can't do that to me i am your bestfriend. I want you there 1 week before my wedding. Isipin mo na lang na bakasyon mo na rin yun ilang taon ka na hindi nagpapahinga sa trabaho mo wag mo patayin ang sarili mo sa trabaho Jade. Wala kang sampong anak na binubuhay para magpakapagod ng ganyan sa trabaho!!")
Para syang batang pinapagalitan ng kausap sa kabilang linya. Tama naman eto, simula ng magkatrabaho siya ay wala na siyang naging pahinga. She want to keep herself busy always.
"Okay Okay" suko nito
("i love you bestfriend!! ahm you stay sa house namin? o sa bahay niyo na lang"?)
Biglang binalot ng lungkot ang muka ng dalaga ng maalala ang bahay nila, magtatatlong taon na syang hindi umuuwi don at napabayaan na nya ang kanilang bahay. Minsan ay inuutos nyang ipalinis pero hindi pa nya ule yon nabibisita. Kinakain sya ng matinding lungkot everytime she remember that lonely house.
("Jadeee") basag nito sa kanyang biglang pagtahimik
"Oh yes, hindi ko alam kung anong itsura ng bahay ngayon alam mo naman na matagal ko rin napabayaan baka maghotel na lang ako"
("okay it's up to you, basta wag mo ko iindianin kundi malalagot ka sken. Okay? Bye! iloveyou")
Napatulala si Jade at bumalik ang mapait na nakaraan ng maalala ang kanilang bahay.....
Pagal na ibinagsak ni Jade ang katawan sa kanyang kama. Hanggang ngayon ay masakit parin ang pulsohan nya dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Dale dito kanina. Kamay nga ba niya ang masakit o ang kanyang puso? She's so broken hearted dahil sa ginawang pang aalipusta sa kanya ni Dale. Kinapa nya ang bulsa para hugotin ang kanyang cellphone. Itetext nya si Kristal na umuwi na sya dahil baka mag alala ito sa kanya. Pagbukas nya nito ay mayroon na namag 7 missed calls from international number. Nakalimutan nga pala nyang imessage ang mama nya kanina. She open her messenger to message her mom.
TO: MAMA
Ma im sorry. Ikaw ba yung tumatawag? Call me back please
agad din nyang iminessage si Kristal
TO: KRISTAL
im home. let's talk some other day na lang.
TO; JADE
okay. hope you're okay. magpahinga ka na
Nagtataka syang bumalik sa message niya sa ina, sobrang tagal na nitong hindi online 10 hrs ago. Hindi usually ginagawa iyon ng mama nya dahil lagi itong online para lagi silang nakakapag usap.
TO: MAMA
ma may problema ba?
Nakatulog sya habang naghihintay ng tawag ng kanyang ina.
Kinabukasan ay nagising sya ng tunog ng kanyang cellphone.
kringggg.... kringggg
unregistered number from international ang tumatawag. Agad nyang sinagot sa pag aakalang mama nya ang nasa kabilang linya
"hello ma" sagot niya
("hello Kristal ako to si tita Gizelle mo") umiiyak ang nasa kabilang linya. Bigla ay parang may kumurot sa puso niya hindi maganda ang sensayales na umiiyak ang tita Gizelle nya. Kasamahan ito ng mama nya sa trabaho. Nakakausap nya to minsan pag nag vivideo call sila ng mama nya.
"ohh tita napatawag po kayo? nasan po si mama?"
"Jade ang mama mo.." hindi maituloy nito ang kanyang sasabihin
"opo si mama asan po sya kgabi ko pa po inaantay ang tawag niya e"
"w-ala na ang mama mo, na hit and run sya Jade----"
"wala na ang mama mo"
"wala na ang mama mo"
"wala na ang mama mo"
Umaalingaw ang mga salitang iyon sa tenga nya bago sya napaupo sa sahig. Hindi na niya narinig ang mga sunod na sinabi ng kanyang kausap sa kabilang linya. Walang kalakas lakas ang mga tuhod nya. Parang sasabog ang puso niya sa masamang balitang narinig.
"mama ko" dito ay napabulalas na sya ng iyak
"Ielle ("Yell" short for Adrielle)" basag ng isang boses ng lalaki sa pagbabalik tanaw ni Jade sa nakaraan. Hindi nya namalayan na lumuluha na siya.
Agad niyang pinalis ang mga luha sa pisngi at binaling ang muka sa tao sa harapan. Hindi na niya namalayan na nakapasok na ng opisina ang kanyang boss na si Michael.
"Yes Sir" agad nyang baling dito
"youre crying again Ielle" nag aalalang turan ng binata sa kanya. Michael is Jade's boss halos matanda lang ito ng 3 taon sa dalaga. Ielle ang tawag sa kanya neto ang kanyang 2nd name. Walang ibang tumatawag sa kanya ng ganito kundi ang kanyang boss. Bagaman boss nya ang binata ay close silang dalawa siguro dahil halos magka edad sila. Anak si Michael ng may ari ng kompanya pero napaka down to earth ng binata, malapit ito sa lahat ng empleyado lalo na sa kanya. Sa 3 taon nilang magkasama ay kilalang kilala na rin sya nito. Bukod kay Kristal na bestfriend nya ay ito din ang may alam ng mga pinagdaanan nya sa buhay. Kaya palagi itong nag aalala sa kanya lalo na twing subsob ang dalaga sa trabaho at ganitong paminsan minsan na naiiyak siya pag naaalala ang ina.
"sorry i can't help it. Naalala ko lang si mama" hingi nya ng paumanhin "may kailangan ka ba?"
"Yes, let me see the proposal about sa Palawan project" tanong nito at naupo sa visitors couch ng opisina
"ahh yeah, i'll send it to you, tumawag ka na lang sana"
"i want to check on you also, you have a lot of projects kaya mo pa ba? give it to our other engineers here" may pag aalala sa boses nito
"no i can handle, alam mo naman na ayokong may nababakante akong oras" nginitian niya ang binata
"Rest also baka magkasakit ka nyan" sinserong turan nito saka tumayo at naglakad palabas ng opisina.
Napasandal na lang si Jade sa kanyang swivel chair. Napatulala sya sa puting kisame. Her head and body is aching, napapisil sya sa kanang sintido niya. Maybe Kristal and Michael is right she need some break. Sleep and quick rest cannot ease the tiredness that she's experiencing now.
KRISTAL'S POV
I am so worried about Jade 3 months pa lang akong nawawala sa tabi nya and i am so worried. Siguradong lalo itong susubsob sa trabaho dahil wala ako sa tabi nya na palaging tumatapik at nagpapaalala na kailangan nya rin ng pahinga. She's pushing herself for what? Maayos na ang buhay niya may magandang trabaho, magandang sweldo yun nga lang ay walang lovelife. Halos hindi na sya nagpapahinga trabaho sa opisina pagdating sa bahay ay ganon din. Ayaw na ayaw niyang mababakante ang oras niya dahil sabi niya ayaw nyang maokupa ng ibang bagay ang utak niya lalo na kung tungkol sa mama niya.
"Hey honey malalim ata iniisip mo?" tanong sakin ni Anton.
"Nag aalala lang ako kay Jade" malungkot na sagot ko
"bakit? may nangyari na naman ba kay Jade? nagbreakdown na naman ba siya?" nag aalala din na tanong ni Anton
"No, pero ramdam ko pinapagod na naman nya ang sarili nya lalo at wala ako don, buti na lang nandon si Michael, alam ko naman na hindi sya papabayaan ni Michael, para tuloy hinihila na ang mga paa kong umuwi ng Pinas" mahabang litanya ng dalaga sa kausap
"don't stress yourself"
Wala ng natitira kay Jade kundi ako na lamang. Hindi ko kaya na nakikita syang nasasaktan at nahihirapan gaya noon. She almost killed herself when she found out what happened to her mom.
"walang wala na ko Kristal, gusto ko na lang mamatay" humihikbing turan sakin ni Jade ng datnan ko sila sa bahay nila. 2 days ko na syang kinocontact pero out of reach sya kaya pinagpasyahan ko na lang syang puntahan sa bahay nila. Natagpuan ko sya sa isang sulok ng kanyang kwarto, misarableng misarable ang itsura niya. Kitang kita ko ang mga mata niya na pagang paga galing sa matinding pag iyak. Nung una ay inakala ko na tungkol sa nangyari sa beach ang dahilan ng pag iyak nya. Until i found out ang nangyari sa mama niya at napabulalas na lang din ako ng iyak. Hindi ko maimagine ang sakit na nararamdaman ng bestfriend ko ng mga oras na yun. Hindi ko siya iniwan hanggang sa pagkuha niya ng ashes ni tita sa Hong Kong ay ginawan ko ng paraan para masamahan ko sya. Halos ayaw na niyang bumalik sa eskwela dahil wala na raw dahilan pa ang pag aaral niya dahil wala na ang mama niya. Umiyak ako sa harapan niya, sinabi ko sa kanya na wag niyang sirain ang buhay niya.
"tita is not happy seeing you like that" pakiusap ko kay Jade. Nakahiga sya sa kama nya at nakatalikod sakin pero alam ko na tumutulo na naman ang luha niya.
"iwan mo muna ako Kristal gusto ko mapag isa" namamaos na pakiusap nya sakin. Tumayo ako at naglakad palabas ng pintoan.
"i am here Jade i am your bestfriend hindi kita iiwan" madamdamin kong turan bago ko kinabig ang pintoan at lumabas.
I am crying. She's so devastated.