Beka's POV Gumaling ang aking mga kamay at sa bahay na ni Brandon na muna ako tumira. Mas gusto ko dahil mahigpit si Lola baka matukso pa ako kay Brandon na wala sa oras. "Apo kailan ang kaarawan mo?" Tanong ni Lola sa akin pagkatapos naming kumain ng agahan. "Bukas po La." "Ano, bakit hindi mo man lang sinabi sa amin. Alam ba ni Brandon?" Napanguso ako dahil dahil kahit kailan ay hindi niya ako binati sa aking kaarawan pero hindi ko alam kung alam niya o hindi ang birthday ko. "Baka hindi niya alam Lola." "Hay naku, mag celebrate tayo doon sa lutong bahay na restaurant." "O sige Lola." Masayang sabi ko na niyakap siya dahil sa wakas ay mag celebrate na rin ako na may kasama. "Ang Nanay Mo?" "Alam naman po niya ang cellphone number ko Lola. Tatawagan nalang ako noon, isa pa

