Beka's POV Inanyayahan ko si Tonyang sa aming mesa habang naka akbay ko sa kanya. "Sinong mga kasama mo? Tanong niya na nakatitig sa akin. "Ang ganda mo na lalo Beka. Parang mas maganda ka na sa akin ah." Pabirong sabi niya at natawa naman ako sa kanyang sinabi. "Ang boyfriend ko, lola niya at si Sir Jace Del Mar." "Ano bakit mo kasama si Sir Jace?" Tanong niya na natigilan. Habang nag-uusap kami ay lumapit si Lola sa amin. "Apoooo!"Ani niya at nagulat kaming pareho ni Tonya. "Lola." Gulat na sabi ni Tonya at ako naman ang natigilan at medyo naguguluhan. "Lola kilala mo si Tonya?" "Ah eh siya ang sinabi ko noon saiyo." "Sinabi na alin Lola?" "Yung baka buntis." Bulong niya at nanlaki ang aking mga mata sa gulat. Naguguluhan sa pagkakakilala ko sa kaibigan ko ay hindi niya basta

