Brandon's POV Nagkamalay ako na sobrang sakit ng buo kong katawan, lalo na ang aking ulo. Natigilan ako dahil may benda ang aking mga mata at hindi ko maibukas ang mga ito. "Lolaaaaa!" Malakas na sigaw ko na napabangon. "Tito!" Dinig ko na boses ni Alexandra at naramdaman kong hinawakan niya ang aking braso. "Huwag mo akong hawakan! ang Lola ko!" "Tito hindi po pwede na magbantay si Lola dito sa hospital." "Ayokong nan dito ka, may mga nurses na magbantay sa akin." Galit na sambit ko. "Mr, Razon calm down." Dinig ko na sabi ng isang lalaki. "Palabasin ninyo ang babae na iyan!" Narinig kong mahinahon siyang pinalabas ng lalaki." Bakit may benda ang aking mga mata?" "Mr. Razon, maraming mga bubog ang nakapasok sa inyong mga mata at kailangan natin ng donor." Natigilan ako sa aking

