Beka's POV Alas singko palang ay nasa condo na si Lianne, natatawa ako dahil sobrang aga ng dating niya. "Bakit kasi ang aga mo, ayan wala kang gagawin maboboring ka lang dito." Ani ko na umupo sa kanyang tabi. "Para makasigurado nga na darating ka, tatlong taon nang hindi ka sumipot sa kaarawan ko Miss genius." Hindi pa alam ni Lianne ang pagpa antukin ko at hindi ko sasabihin sa kanya. "Alas dose dapat aalis na ako." "Oo, ipapahatid kita kay Jugs." "No, mag taxi nalang ako." Agad na sagot ko dahil medyo ilang ako kay Jugs. " Hay naku Beka, you have to know the guy. Paano mo siya makikilala kung iniiwasan mo?" "Hindi ko naman siya iniiwasan, ilang lang ako." "OMG don't tell me na lesbian ka at ako ang type mo?" Binato ko siya ng maliit na unan. Hindi ko naman siya nabato dahil

