Kung ano-anong sideline ang pinapasukan ko. Waitress sa umaga at tagalinis ng street sa hapon. Kaya ko naman kahit sobrang laki na ng tiyan ko, di naman maselan ang pagbubuntis ko pero si Nanay lagi akong pinapagalitan at sinasabing hindi naman daw ako superhero para abusuhin itong maliit kong katawan.
Kapag ganoon at nag-uumpisa na itong magalit ay nginingitian ko lang at hinahayaan. Hindi ako nalulungkot o nasasaktan ‘pag ganoong ramdam ko na ako itong sinisisi niya kaya naging ganito ang sitwasyon ko. Kahit anong pampalubag ng loob niya sa akin, iyong mga sinasabi niyang ‘blessing’ itong mga bata ay ramdam ko pa ring hindi niya matanggap na ganito ang tinahak kong desisyon sa buhay.
Iniintindi ko iyon, hindi naman sumasama ang loob ko at sa halip mas lalo pa akong natutuwa na pagkatapos ng mga panenermon nito ay naglalay ito ng mga papel na pera patungo sa’king maliit na alkansya.
Malapit nang makompleto, bago man lang akong manganak.
“Nga pala, Anak, may nagbigay ng mga lampin at damit pangsanggol sa’tin kanina. Isa sa mga kapitbahay natin.”
“Talaga po, Nay?” Tuwang-tuwa ako dahil papa’no may nadagdag sa koleksyon ko at alam kong handang-handa na ako sa mangyayari.
Iyon lang, mukhang mali ang pagkakabasa ng doctor at isang madaling araw ay bigla akong namilipit sa sakit. At doon, doon sumabog ang panubigan ko. Natataranta si Nanay sa kahahanap ng pwedeng maghatid sa’min sa provincial. Mabuti na lang kahit madaling araw na ay may dumaang sikad at agad kaming hinatid sa sentro.
Nanginginig pa ang kamay kong nagsusulat sa isang maliit na pirasong papel at dalawang pares ng mga pangalan ang nandoon. Isang pares para sa mga batang babae at isang pares sa mga batang lalaki. Sinabi ko kay Nanay na iyon ang ilagay niya mamaya para sa birthcertificate ng mga bata.
Iyon lang, katatahi pa lang sa akin at medyo nahimasmasan na sa napakahabang operasyon ay natawa akong mabasa ang pangalan ng mga bata.
Daryl Maryell.
Daniel Rashiell.
Pinagdugtong pa ni Nanay. Pero sige, parang okay naman. Nagpahinga lang ulit ako at nagising na nasa tabi ko na ang mga bata. Di ko mapigilang maiyak habang nakatitig sa kanila. Ang mga mumunti kong prinsipe, ang mga kayamanan ko, ang mga batang pumawi sa sakit na dinanas ko sa Manila.
Siguro nga hindi ko man kakayanin, pero alam kong igagapang ko ang lahat. Kahit na magpakahirap at gumapang sa pagod.
Kaya noong biglang nagbukas ang Munisipyo para sa mga scholarship at kinuha ko kaagad, kahit na kumakayod ako sa pagtatrabaho at halos wala ng pahinga.
Hindi pala ganoon kadaling mag-alaga ng mga bata. Lalo na’t kambal. Iyong mga gastusin, iyong mga vitamins at syempre ang mga gamit pa. Mabuti na lang sagana ako sa gatas at nabawas-bawasan man lang iyong gastos. Hanggang ngayon nga ay breastfeed pa rin ang mga ‘to kahit katatapos lang ng simpleng birthday noong isang araw. Ang kukulit nga lang... parang nag-alaga ako ng isang dosenang bata sa sobrang kakulitan.
“Daniel!”
Napalingon ako sa bahay at nakitang kunot ang noo ni Nanay habang lumilinga sa paligid. Saan na naman kaya nagsusuot iyon? Sinabi ko namang bantayan niya muna si Daryl at mas pasok pa ako.
“Daniel...” mahinahong tawag ko mula sa ilalim ng maliit naming tindahan, dito sa harap ng bahay, itong padisplayhan namin ng mga gulay.
“Sama ako, Mama...” naiiyak na sabi nito.
Bumuntong hininga ako at hinaplos ito sa ulo.
“Di’ba sinabi ko nang hindi pwede? Busy si Mama, may thesis pa... pagkatapos kayo, mag-aaral na sa susunod na buwan.”
“Mag-aaral?”
Mabilis akong tumango at dahan-dahan itong hinila mula sa ibaba.
Ang tatangkad nila para sa apat na taong gulang, halos abot na nila iyong ilalim ng dibdib ko. Siguro dahil lalaki at may pinagmanahan.
Napabuntong hininga ako at niligpit ang mga bag ng mga bata. Sinilip ko rin kung tapos na ba silang kumain at nakitang naghahanda na para sa unang araw ng pasukan. Ihahatid ko muna bago ako tumuloy sa Munisipyo.
“Anong sabi ni Mama?”
“Magbebehave po kami, Mama... tiwala lang,” ngiti ni Daniel.
Natawa na lang ako, sana nga gawin nila dahil talagang ang kukulit ng mga ‘to. Sana nga kayanin at wag silang maging pasaway.
“Anong pinagkakaguluhan niyo Ma’am?” Nagtatakang silip ko at katatapos lang ng lunch.
Gumilid ito at may pinakitang leaflets. Binasa ko nga at agad na nanlaki ang mga mata ko.
“Nay, para sa mga bata!” Ilang araw na naming pinagtatalunan iyong desisyon kong mag-abroad. Malaking oportunidad iyon at talagang hindi ko inaasahan na makakapasa ako sa exam at initial interview. May final interview ako sa susunod na Linggo at sisiguraduhin kong maipapasa ko rin iyon.
“Para sa mga bata, Sahara?! Lumalaki na ang mga iyan at maghahanap ng Nanay kaya tumigil ka!”
Nanghihinang napaupo na lang ako. Oo nga nagtatrabaho ako sa gobyerno, above minimum ang sweldo, kaso... kaya ba noong buhayin ang dalawang batang lumalaki na at mas lalong nagiging mahal ang mga pangangailangan? Paano ang maintenance ni Nanay?
At yon na nga, halos gusto ko nang sumuko nang nagkasakit ulit si Nanay at kailangan ng medical na attention. At ilang araw pagkatapos ay nilagnat ang mga bata at halos maiyak ako noong malaman na nagkadengue nga! Paanong nangyari iyon? Sinisigurado kong malinis ang paligid ng mga bata, ayaw na ayaw kong nagkakasakit ang dalawa.
Noong malaman iyon ng eskwelahang pinapasukan ng mga bata ay talagang nagpabomba ito ng mga gamot dahil nga doon pala nakuha iyon.
Nagkandaletse-letse ang buhay ko at nalubog sa utang. Isang Linggo lang iyon at parang gusto ko ng sumuko.
“Nay, para sa inyo. Hayaan niyo na po akong mag-abroad.” Naiinis na sabi ko rito.
Nagulat na lang ako nang unti-unti itong tumango. Wala na rin naman siyang magagawa dahil kailangan namin iyon.
Nag-ayos ako, nagmake up, nagpabango bago tumungo para sa final interview. Maraming magaganda at talaga namang galing pa sa mga sikat na Universities ang nandoon. Kinabahan ako bigla at parang nawalan ng confidence. Tinitigan ko ang cellphone at nakitang wallpaper ko roon ang mga bata. Kaya humugot ako ng hininga at hinayaan na lang ang kapalaran.
Tutal, lima ang kailangan nila para sa office staff doon sa Dubai.
Ilang araw kong pinag-iisipin kung ginawa ko ba talaga ang best ko roon. Ilang araw na kasi at wala pang tawag, baka... hindi nakapasa? Nakakapanghinayang.
Nasa kalagitnaan ako ng paghahanda para sa ididisplay na mga gulay nang biglang tumunog itong cellphone ko.
Binanggit ang pangalan ko at sa sobrang tuwa ko ay natulala na lang ako at hindi kaagad nakapagsalita.
Isang buwan lang ang kailangan para sa mga requirements na ipapasa at aalis na ako.
Mabilis nga akong nagfile ng resignation at inasikaso ang mga kailangan. Mabuti na lang kahit wala sa isipan ko iyong pag-aabroad last year ay may naihandan na akong passport. Kakaunti na lang... magiging maalwan din ang buhay naming magpapamilya. Kailangan kong kumayod, para sa kinabukasan ng mga bata. Kaya kong ipikit ang mga mata at lunukin ang pagkakamiss sa kanila para rin sa kanila.
“Ano? Game ka ba mamaya? May sasakyan iyong kaibigan namin kaya hindi tayo mamomroblema pauwi rito.” Ngiti ni Liane, isa rin sa mga kasama ko rito sa condo.
Tumango ako at kumuha ng pamalit, tatawagan ko muna sina Nanay. Baka sakaling makausap ko pa ang mga bata.
“Mama!” Nag-aagawan ang dalawa sa harap ng cellphone.
Ngumiti ako at kumaway, “Ako muna... miss you Mama.” Hagikhik ni Daryl.
“Miss ko na rin kayo mga anak ko,”
Kung ano-ano na ang pinag-uusapan namin. Kumunot nga lang ang noo ko kay Daniel, “Ma... si Daniel po, ang hilig po sa chics!” Sumbong ng bunso ko.
Tumawa si Liane at na nakikinig pala sa usapan naming mag-iina.
“Collect and collect mga babies... saka na kayo magselect. Wag niyong gayahin itong Nanay niyong tatandang dalaga na yata.” Sabat ni Liane.
Natawa na lang ako at mas lalong ginanahan ang mga bata sa pagkukuwento ng mga kung ano-ano.
“Miss na miss ko na iyong mga bata,” bulong ko kay Liane habang pababa kami at kanina pa nga raw naghihintay iyong mga kasama namin.
“Normal lang iyan, Sahr... syempre, mga anak mo iyon.”
Tumango ako, “Ikaw ba?”
Mapait itong ngumiti at nagulat ako sa nalaman, “Kaya kumalas na ako. Pagkauwi aasikusuhin ko naman ang papel para mapawalang bisa iyong kasal namin.”
Bahagya akong nalungkot, no’ng isang araw lang ay sobrang sweet ng dalawa. Ngayon, malaman-laman kong nagloloko pala sa pinas iyong asawa niya.
Ngayon ko naisip, na wala na yata talagang matinong lalaki sa mundo. Kung meron man, napakaswerte ng mga babaeng nananatiling loyal ang mga partners sa kanila.
“Maganda pala itong kasama mo, Ley.” Sabi ni Roman.
Ngumiti ako sa kanya at sumunod papasok sa sarili nitong sasakyan.
“Syempre! Hindi ba iyan magkakaanak kung hindi maganda?!” Halakhak ni Liane.
Nagulat ito at nanitig kaagad sa akin. Tipid naman ang ngiti ko at gusto sanang pagsabihan si Liane, na hindi porke’t maganda ay magkakaanak talaga. Sinwerte lang.
“M-may naiwan kang asawa sa Pinas?” Tanong ni Roman nang nag-umpisa ng gumanda ang gabi.
Para akong naninibago pero ewan ko, may parte sa’king namiss ang ganitong tanawin. Iyong mga ilaw at inumin, ang mga taong hype sa party. Ang lahat ng ito.
Umiling ako, halata ring nagulat ito. At sadyang malandi rin yata at dumikit na sa akin.
Abala si Liane sa kakasayaw doon sa gitna. May mga nakilalang pinoy at ilang ibang lahi kaya ganoon na lang na para itong nakawala sa hawla.
“So, you’re open for a possible relationship?” Lakas loob na bulong nito.
Tumigil ako sa pagtungga at nilingon siyang malapit pala ang mukha sa akin. Hindi ko nasagot dahil hindi rin ako sigurado ako roon. Ang sa ngayon, ang iniisip ko lang ay ang mga bata at si Nanay. Kaya lang... mukhang sobrang tagal na noong huling may ininom akong alcohol ay ngayon pa medyo tumama ang lahat.
Sadyang malakas lang talaga ang loob ni Ramon at hinila ako sa madilim na party at inumpisahan ng halikan. I did, I kissed him back... the same intensity he gave me.
Namiss ko ang ganitong init, na para akong masusunog habang hinahayaan si Ramon na halikan pa ako sa malalim at maruming paraan. Ramdam ko rin ang kamay niyang pumasok sa loob ng tanktop ko at inaabot ang dalawa kong dibdib.
Basa na yata, babae lang din naman ako at may pangangailangan. Ang tagal-tagal na no’ng huli... nagkandalitse-litse pa kaya siguro... normal lang na maramdaman ko ulit ito.
Umangat nga ako ng bahagya at hinayaan si Ramon na pasadahan ng dila itong tenga ko at ako namang sabik na sabik ay pinatong ang kamay sa tapat ng pants niya ngunit para akong napapasong napalayo nang may tumikhim sa tabi namin.
Agad akong nahiya, siguro nga malakas pa ang loob ko kanina dahil lango pa sa alak. Pero ngayon na medyo tumitino na ang isipan ay bigla akong natigilan.
Nakatitig pa rin ako kay Ramon na nakatitig din sa akin.
“Labas tayo?” Bulong nito. Halatang sabik sa isang mainit na gabi.
Pinangilabutan ako at... sumilip sa gilid. Kumunot ang noo ko sa lalaking nakatitig sa amin.
Kaso... sa ilang mainti at kaunting party light ay namilog ang mga mata ko nang unti-unti ring rumehistro sa isipan ko iyong buong mukha ng lalaki.
“Sa... Sato?” Nanginginig na umalis ako sa tabi ni Ramon at mabilis na gumilid. Para akong kinain ng sariling konsensya at parang napapasong umalis doon at tumabi kay Sato. Nagulat ko rin yata ito at namimilog ang mga mata sa ginawa ko.
Kahit ako... nagulat ding ganoon ang reflexes ng katawan.
“Sahr?” Namukhaan din ako nito, “What the f**k?”
Bigla akong nanliit at lumayo sa kanya. Baka... kinalimutan ko iyong mga paratang niya sa akin. Bakit... hindi na ganoon kabigat?
“Boyfriend mo?” Bulong nito, mahina pero rinig na rinig ko.
Lumingon ako kay Ramon, na nagtataka sa’ming dalawa. Umiling ako at tumalikod. Gusto ko munang huminga, gusto ko munang mag-isip. Gusto ko munang magalit.
Pero mukhang matitigil pa ang plano ko dahil sumunod din si Sato sa akin palabas.
Magkaharapan na kaming dalawa at halatang-halata iyong paninitig niya sa dalawa kong dibdib... na sadyang lumaki mula noong nanganak ako.
“Motherhood fitted you will, Sahr... you look great, so great... with that body.” Ngiti nito. Parang hindi na iyong Sato na umiyak noon at pinaratangan ako. Parang mas magaan ang awra niya ngayon kesa sa huling naalala ko.
Biglang nanginig ang kalamnan ko at tumitig sa kanya.
“Free ka ba tonight?” Lakas loob na tanong ko rito.
Mas lalong lumapad ang ngiti nito, “Pwede sa place ko.”
Tumango ako at ibinaba ang mga mata, itetext ko muna si Liane... hindi ako makakauwi.
“You became aggressive, huh?” Nangingiting sabi nito.
Hindi ako umimik at pinakiramdaman lang ito. Mukhang... okay lang sa kanya, na kahit hindi lang siya at may iba pa, tulad ng iniisip niya, ay makatikiman kami uli.