Tatapusin ko lang ang sem at titigil na ako. Kailangan ko yon, para kahit papa’no kung may magbago man sa buhay ko o kaya’y magbago man ang isip ay may babalikan pa ako.
Naiintindihan ni Nanay iyon, hinayaan niya akong gawin kung anuman ang gusto ko.
“Sahr?” Bulong ni Ava, magkasama kaming kumakain sa Canteen at talagang kinain ko ang stress. Ayaw ko na munang isipin si Sato o ang sitwasyon ko. Hahayaan ko na lang iyon, tutal, aalis din naman kami.
“No’ng isang Linggo ang payat-payat mo, ngayon nama’y... tumataba ka na.”
Natigilan ako sa pagsubo at tinitigan ang daliri. Kung tumaba nga ba talaga iyon. Hindi naman, medyo lang, nagkakalaman, syempre ay dahil lagi akong gutom. Gustuhin ko man ngang magdiet ay hindi pwede.
“Ganoon talaga... buntis e.” Baliwala ko at sumubo ulit.
Nabilaukan ito at naubo. Nagpipigil naman ako ng ngiti. Halata ang gulat sa kanya. Ako nama’y walang pakialam. Ang gusto ko lang ngayon ay punan ang pwang sa gitna ng aking tiyan. Impis pa iyon, syempre... wala pa yatang tatlong buwan.
“Nagbibiro ka lang di’ba?” Bulong nito, halos hindi makahinga.
Ngumiti ako at umiling. Napipilan na yata ito at hindi nakapagsalita. Ilang minuto ring naging tahimik ang mundo ko maliban sa mga kasama rin naming kumakain.
“Sinadya ba iyan ng boyfriend mo?”
Mabilis akong umiling, suminghap ito at ilang minuto na namang natahimik. Bumuntong hininga ako pagkatapos na maubos ang kinakain.
“Hiwalay na kami,” dugtong ko.
Mas lalo itong nagulat. Hindi yata makapaniwala na pagkatapos kong mabuntis ay wala na. Ano kayang iniisip nito? Tulad din ba siya ng iba na hinuhusgahan ako?
“Bwiset na yan! Pagkatapos ng lahat? Nakipaghiwalay?” Hindi siguradong tanong nito sa huli.
Tumango ako, mas lalo itong nagulat at mabilis na ginagap ang kamay ko. Halata ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Ganito pala ang pakiramdam? Na may kaibigan o maituturing na kaibigan na kayang dumamay sa bigat ng pasanin mo?
“Don’t ever think of abortion, Sahr... kahit masakit, kahit hindi ka handa at kahit hindi mo pinaghandaan iyan... don’t, please don’t. Gawin mo’kong ninang at ako na ang bahala sa diaper at gatas ng inaanak ko.”
Nabilaukan at natawa. Nakatitig ito nang malalim at halatang seryoso sa sinasabi. Mabigat ang mga mata ko sa ilang gabi na umiiyak at talagang ngayon lang ako natawa. Nakakatuwa rin pala itong si Ava.
“Nagdesisyon ka ng sa iyo. Ava, wala akong plano na magpalaglag. Next month, nasa legal age na ako... kahit mahirap, bubuhayan ko ang bata.” Ngumiti ako, naiiyak naman.
“Oh My God,” hingang malalim na sabi nito at niyakap ako.
Nagulat ako rito at napangiti na lang. Ayaw kong umiyak dito, nakakahiya.
Simula nang nalaman ni Ava iyong sitwasyon ko ay walang araw na alagang-alaga ito sa akin. Kahit sabihin kong kaya ko naman. Ayaw nitong mahirapan ako. Minsan nga nagtataka na ako sa kabaitan nito ni Ava... kahit na iniiwasan ko siya noon ay ganito pa rin kaganda ang treatment niya sa akin ngayon.
Kailangan kong magpakatatag. Iyon ang tumatak sa akin habang tinatapos ang sem. Gusto ko na lang na matapos na ang lahat bago umalis ng Manila. Naisipan kong sumama na kay Nanay sa probinsya namin at ng sa ganoon ay mapalaki ko ang bata sa isang magandang environment. Natuto na ako at ayaw ko na ring maranasan nito ang dinanas ko rito. Tapos na sa yugto ko ang paghihirap dito, tama na na matapos sa akin.
Kakatapos lang ng exam at sa susunod na Linggo ay aalis na kami ni Nanay. Iyong gamit ay unti-unti na naming pinapahatid sa probinsya. Si Mamay ang siyang naghihintay doon at tinatambak muna sa kanila bahay iyong kaunting gamit.
Pag nandoon na kami, saka kami magpapatayo ng barong-barong. May pera pa naman ako, kaya pa ng budget... mababawasan nga lang ang para sa panganganak ko. Pero siguro nama’y makakahanap ako ng trabaho roon at saka ko na dadagdagan ang budget.
Ngumiti nga lang ako nang malungkot at naglakad palabas, isang Linggo na rin naman ang pag-uusap. Ayaw ko na ring ituwid ang iniisip ni Sato tungkol sa akin. Dahil totoo namang kailangan ko ng pera, pera lang... mabubuhay na kami.
Nasa labas na ako nang natigilan, kahit hindi ko kaagad nakita... presensya lang ay ramdam ko na kaagad na nandoon si Sato. Gusto kong maiyak habang nakatitig sa kanyang nakatayo roon sa sarili nitong sasakyan. Nakatitig din siya sa akin. Ang bigat-bigat ng dibdib ko, gusto kong magsumbong... gusto kong sabihin sa kanya ang sitwasyon ko. Ngunit alam kong matataas ang pride naming dalawa at pareho pa kaming masama ng loob sa isa’t isa.
Ako ba ang hinihintay? O baka nama’y nag-aassume lang ako?
O-o baka si Dolly?
Umiling ako sa iniisip at tumawid. Baka nga, imposible namang ako. Baka nag-iba na ang tipo nito sa babae. Baka gusto na namang tumikim ng ibang p**e.
“S-sahr,”
Nagulat ako at natigilan, babaybayin ko na sana ang daan patungong kanto at doon na lang maghihintay ng jeep. Kaso... eto, si Sato-
“Can we talk?” Halata sa boses nito ang pagod.
Naiiyak ako pero kailangan ko rin naman siyang makausap. Wala lang pagkakataon, tingin kasi nito ay puro pera na lang ang gusto ko. Alam ko ang iniisip niya, ayaw ko lang ipagtanggol ang sarili. Isipin niya na kung anuman ang gusto niya. Wala na akong pakialam,
Maraming bagay ang nagbago, itong pride ko... itong pagbubuntis, itong sa amin ni Sato... lahat ng bagay. Kung ganoon lang kadali magpaliwanag, ginawa ko na e.
“I’m sorry,” sabi nito habang nagdadrive.
Tumango ako, pinipisil pa rin ang daliri. May tumatakbo sa isipan ko na kailangan ko na nga yatang magsabi sa kanya ngayon. Kundi, pagsisisihan ko rin sa huli.
“I’m horny today, I want s*x. Pwede ka ba?”
Tanginang buhay!! Biglang umurong ang lahat ng nasa isipan ko. Kaya pala... gusto lang umiscore. Tanginang... naiiyak ako. Wala na... sa tingin ko hindi na tama ito, puro katawan ko na lang. Itong pokpok na katawan na lang ang habol niya sa akin. Wala na. Ubos na ako. Suko na ako. Ayaw ko na talaga.
“M-may trabaho pa ako Sato, may naghihintay sa akin.” Pagsisinungaling ko.
“I thought you stop working?” Titig nito sa akin.
Bumabalon na ang luha sa mga mata ko, pilit kong pinipigilan.
“Ah,” natatawang sabi ko, “Oo nga pala,” para akong baliw. Umamin din sa kasinungalingan.
Lumunok ako, kailangan ko ng umalis sa impyernong buhay na ‘to. Kailangan ko ng umalis sa lugar na ‘to. Ayaw ko na nang kahit anong koneksyon kay Sato.
Mababaliw ako, tama na nga yata... kailangan ko na putulin ‘to.
Tama na, ayaw ko na.
Siguro nga, dahil iniisip kong huli na ito ay yumuko ako at binuksan ang zipper ng pantalon nito. Tumigil ako sandali at tingala sa kanya.
“Nga pala, kulang iyong ibinayad mo. Kailangan ko pa ng pera.”
Bigla itong nanigas. Ano?! Wala ka na bang pera? Kailangan ko iyan para sa anak mo, gago?! Kaya umayos ka at bigyan mo pa ako.
“Okay, I’ll pay you. Dependi sa performance mo ngayon.”
Bastusan! Doon ko natanto wala na iyong respetong binigay niya sa akin noon. Said na. Huli na ito Sato. Huling-huli na.
Ginalingan ko, sinubo ko siya kahit na nabibilaukan na ako at nasusuka sa sariling laway. Kumakatok iyon sa likod ng lalamunan ko. Itong t**i niyang kahit na kailan ay isusumpa ko. Tangina, para talagang sanay na sanay na ako kung paano ko pasadahan ng dila iyong kahabaan niya. Pinuno ko ng laway, sinigurado kong madulas na madulas iyon. At muli ko siyang sinubo. Binilisan ko ang pagtaas-baba kahit halos lumabas na iyong laway ko sa sariling ilong. Hinihigpitan ko rin ang kapit para mas lalo siyang mapalapit.
“What the f**k!!” Mura nito at inangat ang pang-upo. “Who teach you this, slut?!!”
Pota! Natigilan ako at umiyak, punong-puno ang mukha ko ng luha. Tumigil at umiyak ng umiyak. Halos hindi na ako makahinga. Ang bigat-bigat na ng dibdib ko. Halos sumabog na iyon. Hindi ako makaangat mula sa pagkakayuko.
“Ba’t ka umiiyak, Sahr?!! Did your conscience is eating you up?!” Galit na sinabi nito.
Anong kasalanan ko? Dahil ba sa pera lang? Bakit ang bigat ng mga paratang niya sa akin? May mali ba akong ginawa para tanggapin lahat ng mga sinasabi niya? Bakit pakiramdam ko may mali?
Tumingala ako at hilam ang mukha ng luha. Nakita ko ring tumutulo ang luha nito. Natigilan ako at napaawang ang labi.
“A-anong kasalanan ko?”
“You’re a cheating slut, Sahara... you’re a f*****g slut! Binibilog mo ako.” Nasasaktan na sabi nito.
Bumanghalit ako ng iyak. Puta! Puta! Anong ginawa ko?! Bakit galit na galit ito? Anong kasalanan ko?! Wala akong kasalanan! Nagmahal lang naman ako!!! Pero bakit?! Ang sakit sobra!
“A-anong sinasabi mo?!! Cheat? Nagloko ako?!”
Natatawa itong kinuha ang envelope sa likod at sinampal sa akin. Pumitik ang ulo ko at napaupo ng maayos. Hindi iyon masakit pero bakit parang pinutol niya lahat ng respeto ko sa sarili.
“Enjoy that f*****g photo, savor it Sahara because I am not going to father that bastard inside your body.”
Haaaa?!!! Alam niya?! Alam niyang buntis ako pero para sabihing ‘bastardo’ ang anak ko ay napakawalanghiya niya naman! Mas lalo akong nasaktan. Mas masakit ngayon, dinamay niya ang anak niya... No! Anak ko!
Agad akong nanghina nang makita ang mga larawan, ako at kasama ang isang matandang ni kahit na kailan ay hindi ko nakita. O hindi ko man lang naalalang nakasalubong. Paano nangyari iyon?! Sigurado ako, walang ibang lalaki... hindi ako nag-iinom at bawat araw ay naaalala ko pa ang lahat ng ginawa ko.
“Hindi ako iyan!”
Humalakhak ito, “I respected you so much, Sahara. I treated you with respect. Binigay ko naman lahat.”
Umiling ako at tumutulo ang luha.
“Hindi nga ako yan!”
“Kilala ko lahat ng parte ng katawan mo Sahara! Kahit tumalikod ka, o kahit yumuko o kaya kahit pumikit ako... kilalang-kilala kita. Kinulang ba lahat? Kaya naman kitang sustentuhan! Kaya kong ibigay lahat. But what did you do? You let that old hag f****d your f*****g p***y!!”
Ang sakit niyang magsalita. Ang sakit niyang magparatang. Pigtas na pigtas na ako. Ubos na. Siguro nga hindi kami pwedeng ipilit. Ayaw ko na, pagod na ako.
“A-and I’m not going to father that child. That unborn child.” Bumaba ang mga mata nito sa sinapupunan ko. Tuyo na ang luha sa pisngi niya. Samantalang ako? Basang-basa pa rin.
Siguro nga naipon na lahat ng sakit kaya tumigil na ako. Ayaw ko na, maling-mali na hinayaan ko siyang mapalapit sa akin. Ang sakit palang magmahal. Na pakiramdam ko isang pagkakamali ring mabuntis ako.
“Bata ka pa nga talaga Sahara...” natatawang sabi nito, “Sabagay, nagsimula lang naman ang lahat ng ito noong binayaran kita. Pera pa rin pala talaga... and I regret meeting you, Sahara.”
Umiling ako at umiyak sa huling beses. Nagsisi rin akong nakilala kita, Sato. You’re my greatest regret... and I don’t want anything from you.
Tinapos ko lang lahat, kinuha ko rin ang kailangan at saka kami nagligpit ng mga gamit ni Nanay. Hindi na ako nakapagpaalam sa mga naging kaibigan, sa Bar, kay Ava at kay Luna. Umalis kami na walang nakakaalam. Gusto ko nang kalimutan lahat at gusto ko nang magbagong buhay.
Kailangan ko iyon lalo na ngayon.
“Magpahinga ka na muna, Anak. Mahihirapan ka niyan. Ang laki-laki na ng tiyan mo.” Bulong ni Nanay.
Umiling ako at tumitig sa tapat, dito sa purong lupang daanan. Dito ko natanto na magkaiba nga talaga ang probinsya ni Nanay kesa Manila. Doon magulo, dito ay tahimik at maaliwalas maliban sa mga chismosang kapitbahay. Alam kong naging laman ako ng usapan na hindi ko naman pinapansin. Wala akong pakialam doon. Ang pinoproblema ko ngayon ay kulang pa ang ipon ko para sa panganganak. Sinabi na noong doctor na kailangan ko talagang maghanda para sa CS. Hindi kakayanin ng maliit kong katawan ang normal na delivery para sa kambal. Kaya kailangan ding kumayod. Paano ang mga gamit ng mga bata? Hindi pwedeng ‘bahala na’ dahil mahirap din iyon.