16

2235 Words
Walang nagbago. Iyon ang ipinagtataka ko. I’ve been suspicious. Ayaw ko lang aminin sa sarili. Na kaya ganoon, dahil alam kong may tinatago si Sato. Iniisip ko pa lang, nasasaktan na ako. Paano pa kaya kapag nakita ko mismo? Anong mangyayari sa akin? Sinasabi ko na nga ba, walang magandang patutunguhan itong nararamdaman ko. Dapat sana noong una pa lang ay umiwas na ako. Paano na ngayon? “Anong nangyayari sa’yo?” Puna ni Rose, hindi ako makapagconcentrate sa trabaho. Tumatakbo sa kung saan itong isipan ko. At kahit anong iwas ko ay doon bumabagsak. Consistent si Sato, sa paghatid at sundo sa akin, lalo na ngayon na nasa malapit lang ito. Kaya lang, sadyang napapaisip pa rin ako sa reaksyon nito noong nabanggit ko ang page na siguradong si Dolly ang may gawa. Nagkita na ba sila? Sa likod ko, palihim ba silang nagkikita? “Kanina ko pa kinakausap iyan, hindi naman ako pinapansin.” Nguso ni Rose. Lumunok ako at inabot ang baso ng mga inumin. Tinitigan ko si Rose at ngumiti, “Okay lang ako, uh, hatid ko lang muna ‘to.” Lunok ko pa at naglakad. Nilapag ko lang ito sa mga malalapit na table. Saka ako kumuha ng panibago. Weekend kaya marami ang tao ngayon, iyon lang wala si Sato. Inasahan ko ito, kaso wala... hindi naman nagsabi kung may lakad ba o ano. Kung noon siguro, wala akong paki... kung anong mga nilalakad nito o kung wala ito sa tabi ko. Ngayon, bakit ganito? Ang bigat sa dibdib? Lumunok akong muli at kinalma ang sarili. Kailangan kong umayos sa trabaho, walang puwang sa akin ang pumalpak. Dapat siguro alisin ko na muna sa isipan ko si Sato. Nang sa ganoon ay hindi ganitong malulula ako sa kaiisip. “Uuwi ka na Ma’am?” Ngising bungad ni Kuyang Bouncer. Ngumiti ako at tumango. Isa yata ito sa mga gabing pagod na pagod ako. Parang gusto ko na lang humilata. Oo ganoon, pero kahit pagod ako ay naiisip ko pa rin si Sato. Umasa akong susu-... ewan. Maaga rin akong nagising kinabukasan, di ko lang inaasahan na susunduin ako ni Sato. Sa nangyari kagabi, hindi na ako umasang masusundo niya ako ngayong umaga. Nakatitig ito sa akin, habang ang layo ng agwat naming pareho. Iyong distansya, parang ramdam ko na. Hindi na lang sa estado ng buhay, kundi... itong lahat. “Good morning Sahr,” ngiti kito at inabot ang bewang ko. Bahagya akong umiwas at dumampi ang labi niya sa gilid ng akin. Lumunok at sa kaba ay napatitig kaagad sa kanya. “Masama ba ang gising mo?” Tanong nito, titig na titig sa akin. Umiling ako at bumuntong hininga. “Pagod lang,” tipid na sagot ko rito. Ano bang karapatang kong magtampo? Sino ba ako? Ano ba ako ni Sato? Gising, Sahara! f**k buddy ka lang niyan! Wala siyang sinabi na kung ano, hindi niya kinlaro sa’yo kung mag-ano kayo. K-kaya bakit ka umiiyak diyan? Ang lala nito, di ko naman pinangarap na umabot sa ganito. Bakit ang saklap naman yata? G-ganito ba talaga? Sana pala noon pa natuto na lang akong makipagrelasyon sa mga kauri ko, hindi iyong higit pa roon. Humugot ako ng hininga at lumabas ng cubicle. Inayos ko rin ang sarili at pinunasan ang basang bagay sa gilid ng mga mata. Kailangan ko na yatang gumising. Hindi maganda itong nararamdaman ko. Ayaw kong mag-isip. Hindi ako tanga... oo, hindi ako ganoon. Kaya kong taasan pa ang pride. “Sinusundo ka na naman noong boyfriend mo,” ngisi ni Ava. Ngumiti ako ng bahagya, kung pwede lang iwasan ito ay ginawa ko na. Pero hindi eh, mali ang ganoon. Hindi tama. Kailangan ko munang pagaanin ang loob ko bago tumigil sa kahibangan dito kay Sato. “Loaded school works or activities?” Bulong nito. Tumango ako at inayos ang seatbelt. Medyo nanigas ako noong dumampi ang labi nito sa ilalim ng panga ko. “I missed you Sahr,” bulong nito. Hilaw ang naging ngiti ko at tumango. “Sumweldo ako noong isang araw. Uhm, kain tayo sa labas?” Aya ko dito. Nagpipigil naman ito ng ngiti, nakahilig pa rin sa upuan at hindi umuusad. “I’ll treat you, Sahr...” ngiti nito. Umiling ako at nagpumilit kaso matigas talaga. Wala rin akong nagawa kundi kumain kasama niya, na libre niya. Pagkatapos ay umuwi rin kami kaagad. Pagod na naman ako, hindi ko alam... o siguro alam ko? Ayaw ko lang isipin sa ngayon. May higit pa akong problema kesa dito sa nararamdaman ko. Siguro nga... simulan ko ng tumigil sa ganitong gawain. “Hindi na ba ulit bibisita iyong kaibigan mo?” Tanong ni Nanay. Nagulat ako at naibaba ang mga mata. Tumigil ako sandali sa pagsusulat at binalikan ng titig si Nanay. “Busy po Nay, alam niyo naman po kapag mayayaman.” Ngiti ko. Tumango ito at hindi na nagtanong pa ulit. Tipid ulit ang ngiti ko at ibinaba ang mga mata. Sumisikdo na naman itong puso ko, sobrang bigat, napakabigat. Hindi ako masyadong makahinga habang may iilang tumutulong luha. Di na talaga tama ‘to. Ayaw ko na. Kahit sabihin pang nagagawa pa rin akong bigyan ng oras ni Sato. Alam kong may nagbago. Na parang, sa isang kisap mata... alam kong maraming nagbago. “Ano ba iyang trabaho mo? Bakit lagi kang puyat?” Puna ni Ava, madalas na rin kaming magkasama. Hinahayaan ko na lang ito, kailangan ko rin naman ng kasama. Ngayon ko napatunayan na tao lang din ako at hindi kayang mag-isa. Kinahapunan ay sinundo nga ulit ako ni Sato... pagkatapos ng tatlong araw... na wala itong paramdam. Ang pait-pait ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba akong kaharap ito ngayon. Ang aliwalas niyang titigan, samantalang ako... puno ng iniisip. Alam ko kung bakit, hindi ako ipinanganak na walang alam sa mundo. “Nakikipagkita ka ba kay Dolly?” Hindi ko na napigilang itanong. Biglang nawala ang ngiti nito, unti-unting napuno ng pangamba at gulat. Noon ko napatanuyan, hindi lang pagdududa... talagang meron. “Pinagsasabay mo ba kami?” Lakas loob na tanong ko rito. “S-she’s not my type...” Oo naman! Sinabi na ni Luna! Hindi si Dolly ang mga tipo mo kundi ako? Ako?! Tangina! Iyon nga ang nakakatakot! Dahil hindi siya, pero lumalapit ka sa kanya. Dahil ano? “Okay lang naman, walang problema. Wala naman tayong relasyon. Ano ka ba?” Natatawang saad ko. Paano ko nagagawa ‘to? Hindi ako ganito, kung maaari lumalayo sa mga taong makakasira sa akin. “I’m sorry,” Shit! Ang sarap uminom, magpakalasing, baka sakaling kinabukasan makalimutan ko na itong hapdi ng nararamdaman ko. Nananaginip ba ako? Bakit biglang umiba? Pero hindi ako tanga para gawin iyon, “Kailan mo ititigil ‘to?” Kailangan kong malaman ang lahat-lahat... lahat ng pwede. Para maisalba ko naman itong sarili ko. Kung sakali, kaya ko na siyang kalimutan. Na napakaimposible, lalo na sa sitwasyon ko ngayon. “Hindi ko alam, honestly Sahr... I still miss you, even those days. I-I can’t stop...” Wow?! Gago! Anong klasing gago ‘to? Naiiyak ako pero hindi ko kayang umiyak sa harapan niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko, dapat noong una pa lang... tinigil ko na ‘to. “K-kailangan ko ng pera,” wala sa loob na sabi ko rito. Lumingon ito, nagulat yata ng sinabi ko iyon. Ngumiti ako, binilang ang mga araw o buwan o taon na kailangan ko ng tulong niya. “You can f**k me as much as you want, basta’t babayaran mo’ko.” Sabi ko rito. Lumunok ito, hindi yata nakapaghanda sa sinabi ko. “Kailangan ko ng pera,” inulit ko pa. “I-I’ll pay for your tuition, Sahr. Pambawi ko man lang sa kasalanan ko.” Malakas ang loob, pero hindi iyon eh. “May ipon pa ako Sato, makakapagbayad pa ako ng tuition hanggang sa susunod na sem. Iba ngayon,” sabi ko. Tumitig ito sa akin. Walang ibang emosyon. Ang lala naman, ang saklap-saklap ng sitwasyon ko. “Nakapagdesisyon na akong titigil sa pagtatrabaho. Nahihirapan ako, ang dami-daming activities sa school. Kailangan ko ring magpahinga Sato. Kaya kailangan ko ng malaking pera.” Lakas loob na sabi ko rito. Ngumiti ito ng hilaw, “She’s right all along,” natatawang sabi nito. “Ano?” Kumunot ang noo ko, “Nevermind, Sahr. Okay, I’ll pay for that. For that f*****g p***y. Sabihan mo lang ako kung magkano.” Kumabog ang puso ko sa kaba. Bastusan na ba ‘to? Hindi ko inasahan na biglang mag-iiba ang mood nito. At may sinabi pa siya... hindi ako tanga at bobo para hindi malaman na may nadagdag. “So? What about we start it now?” Kaya kong lunukin lahat ng pride, ang pagkatao ko, ang panliliit para sa pera. Ganoon ako, pero alam kung hindi lang iyon ang dahilan. Duda na ako e. “Iba ‘to ngayon, ang galing! Maeffort.” Tawang-tawa si Ava habang inaamoy ang bulaklak. Ngumiti ako sa kanya at tinitigan ng matagal ang punong-puno ng namumukadkad na bulaklak sa balot. “Uh, uuwi ako ng maaga ngayon e.” Sabi ko kay Ava, nag-aaya kasing magkape. Tumango ito at hindi na nagpumilit. Naglalakad na ako palabas ng nahagip ng mga paningin ko si Dolly. Nagbago ang isipan ko at lumiko. Sinundan ko ito at halatang ang saya-saya niya. Kumabog ang puso ko sa nerbyos at lumilipad sa kung saan itong isipan ko. Wag naman sana, hindi ko pala kaya... wag please. Nakahinga ako nang maluwang noong makita na iba ang kinatagpo nito. Tumalikod ako at umalis. Saktong paglabas ay nandoon si Sato, naghihintay habang naninigarilyo. Halatang malalim ang iniisip. Bahagya akong lumayo at hinintay siyang matapos. Doon naman ako lumapit at tumayo sa harap nito. “How’s your day?” Seryosong tanong nito. “A-ah, okay lang. Saan tayo?” Pag-iiba ko sa usapan. Paano ko ba sasabihing mahirap? Mahirap talaga? Ang liit kong babae, underage, kaya malamang maraming paghihirap. Lalo na sa ganitong katawan. “May gusto ka bang kainin?” Tanong nito, pamatay sa tahimik na byahe. Pumitik ang atensyon ko at tumitig sa kanya. Lumunok ako at sinabing gusto ko ng cheese cake ngayon. “What about coffee?” Dugtong nito. “Ah, p-pwede bang fresh juice? Kahit ano, basta prutas.” Tumango ito at tumigil kami sa isang cafe. Pinapili niya ako at talagang natahimik na ako habang nakatitig sa kinakain. Mas masarap pa rin talaga iyong putong may malapad na cheese sa itaas. “Sahr,” tawag nito. Tumingala ako at tumitig sa kanya. Nagulat akong makita na may pinadulas siyang sobre at tinulak sa akin. “Kailangan mo ng pera, di’ba? Ito muna sa ngayon.” Malumanay na sabi nito. Tumango ako at mabilis na kinuha iyon. Pagkatitig ko nga sa kanya ay halatang nainis ito sa ginawa ko. Nanigas ang kalamnan ko at hindi kaagad nakapagsalita. Masyado ba akong excited para sa perang yon? “Ba’t ka galit?” Hindi ko na napigilang itanong. Pati siya ay nagulat sa direktang tanong ko na iyon. Kahit nga ako ay nagugulat na rin sa sarili. Masyado ng matabil itong bibig ko. “Lahat na lang ba, Sahr?” Rinig na rinig ko iyong pait sa tanong niya. “Kilala mo’ko Sato...” paalala ko rito, “Hindi tayo aabot sa ganitong sitwasyon kung hindi dahil sa pera mo.” Iwas ko rito. “Pera lang, ha Sahr?!” Naiinis na sigaw nito. Nagulat ako at napalingon sa paligid. Nandoon ang mga naghahanda para sa order. Nagulat din sa komusyon. “Wag mo nga akong sigawan,” mahinahong bulong ko rito. Dala ng hiya at kaba. “Damn! Let’s stop this,” sabi nito sa mas mahinahong boses. Bumara lahat ng kaba dito sa dibdib ko at hindi kaagad nakahulma. Titigil na kami? Naiiyak ako. Hindi ako handa. Pero sa itsura ni Sato ngayon, halatang desidido na itong tumigil. Ang sakit ng puson ko. Ayaw kong isipin pero bakit naiiyak na ako? Tatlong buwan? Apat? Pagkatapos tumigil lang sa isang iglap? Ang saklap naman... kasalanan mo iyan, Sahara. “Nay,” tawag ko kay Nanay habang binubuksan ang pintuan. Nakita ko itong nagliligpit at nagwawalis. Tumitig ito sa akin at doon na bumigay lahat ng sama ng loob na naipon nitong huling dalawang linggo. Iyak ako ng iyak. Yakap si Nanay... habang umaamin... sa isang sitwasyon na ayaw ko sana... pero kailangan kong tanggapin. Wala na akong magagawa roon, kahit umiyak ako dito... wala na, tanggap ko ng magiging ganito na lang ang sitwasyon ko. “Ayaw kitang pangunahan, Anak. Sa dami ng pinagdaanan mo... ayaw kitang pilitin. Pero, anak, ayaw mo bang ipaalam? Bago man lang tayo umalis? Kahit sabihin mo na lang sa kanya.” Umiling ako at punong-puno ng luha ang mga mata, “Ayaw ko ng dagdagan iyang bigat ng dinadala mo, Sahara. Mabigat sa akin na makita kang ganyan, mabigat sa akin na kinulang ako sa pag-aalaga at pangaral sa’yo. Kasalanan ko kaya nandiyan ka sa sitwasyon na yan. Masyado ba akong naging abala, para sa’yo anak?” Naiiyak na saad ni Nanay. Muli ko siyang niyakap ng mahigpit. Umiiyak. “Wala ka pong kasalanan, Nanay... a-ako po, masyado lang po akong nasilaw sa pera... pasensya po Nay... magiging pabigat na po ako.” “Ano ka ba?” Natatawang saad ni Nanay, “Blessing iyan, magiging tatlo na tayo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD