Paraan ba ‘to ng tadhana? Kasi kung ako, ayaw ko nito... hindi ako naniniwala na nasa isang istorya ang kuwento namin ni Sato. Walang ganoon! Nakakulong lamang sa pantasya ang naniniwalang nakatadhana na ang dalawang taong nagkasakitan.
Kaya... kahit anong pilit at kahit sa ilang beses na sinubukan kong iwasan si Sato ay talagang nagkakatagpo kami. Hindi man sa ilang palapag kundi sa cafeteria. Ganoon nga yata, binibiro kami at siguro ay tuwang-tuwa itong ganito ang nangyayari sa’ming dalawa.
“Ang gwapo noong pinoy na boss natin e no?” Nangingiting sabi ni Ma’am Elise. Kakatapos lang ng presentation nito para sa project ng Banawi, kaya kaming team ang nakatuka dahil totoong sa pinoy galing ang disenyo ng isasagawang proyekto, pabahay at maliit na resort.
Wala akong imik habang inaabala ang sarili sa nakalatag na boxes ng pizza. Galing nga raw ito sa isa sa mga big bosses at parang treat sa successful na pagkakalatag ng plano.
“Ang talino pa! Kita mo kanina? Parang kahit wala siya noong hinanda natin ang plano ay talagang tinulungan niya tayong ipaliwanag ang mga kailangan para sa desinyo.”
Giliw na giliw sila samantalang naglalakbay ang isipan ko sa nangyari sa’kin almost 7 years ago. Kung paanong nalunod ako sa sariling kumunoy at kung paano akong iniwan doon ni Sato.
Hangang-hanga sila samantalang ang puso ko... hindi... walang ganoon, nakasilyo na itong puso ko at hindi na hawak ni Sato. Nasa mga anak ko na. Kaya alam ko kahit nagkatikiman kami o kung magkatikiman man ulit ay wala na... hindi na ako masasaktan tulad ng dati.
“— mabait nga raw sabi ni Tricia,” dugtong pa ni Ma’am, tumigil ako sa kaiisip at nakatutok na sa kanya.
“Trip yata si Tricia eh,” ngumuso si Liane at tinuro ang bulwagan, papuntang adjacent ng 10th Floor. Lahat sila o kahit ako ay napalingon doon. Ngiting-ngiti si Sato habang nakababa ang mga mata at nakikinig sa kuwento o kaya’y ewan mula kay Tricia. Iyong kabatch ko ring nakaassign sa Financing... halata iyong giliw nito habang may kinukwento ang kasama.
Biglang bumaliktad ang sikmura ko at ibinaba na lang ang mga mata.
Ayaw ko nang isipin iyon, kung anong gagawin nito o kung anong ginagawa niya ngayon. Kinaya ko nga sa napakahabang panahon. Ni hindi man lang nangamusta at wala man lang ginawa para makita ako.
Umasa ba ako?! Kahit nasaktan ako ay umasa ba ako?
Nanunubig ang mga mata ko at mabilis na suminghap. E ano nga?! Hindi ka marupok, Sahara! Sinabi mo na di’ba na wala na ang puso mo sa kanya? Ba’t nasasaktan ka?
Baka dahil sa nangyari sa’kin noon? Sa mga natanto ko? Sa hindi pagbisita ni Sato?
Oh God! Maling-mali na nakipag-one nightstand ka diyan! Binubuhay niya ang sakit na naranasan mo noon.
Tinawag ka niyang pokpok. Hindi pa ba sapat iyon para magising ako?
Siguro nga! Kailangan ko na yatang pigilan ito.
“Sahr, share mo sa mga kasama mo.” Sabi nito habang nilalapag sa tapat ko itong box ng pagkain,
Alalahanin mo, tinawag ka niyang ‘slut’ noon. At kahit noong may mangyari ulit sa inyo ay inisip nitong marami ng nagdaang lalaki sa p**e mong yan. Kaya tumigil ka, walang espesyal diyan.
Ngumiti ako at tumango, kaya yon na naman ang meryenda namin sa pagitan ng lunch at umaga.
“Napapadalas yata ‘to ah?” Nagtatakang tanong ni Ma’am Elise.
Isang Linggong puro sa’kin dinadaan ni Sato ang meryenda. Na alam ko naman kung bakit ngunit ayaw kong pangalanan na. Masama na iyon.
Siguro nga umpisahan ko ng magpokus sa trabaho, sa ipon at sa mga bata... gusto ko man lang maranasan nilang mamasyal abroad at gawing alaala na minsan ay nagawa ng mga ‘to na lumabas ng bansa.
Hindi si Sato ang priority ko.
Kaya kahit alam kong unti-unti nitong nilalantad sa lahat na hindi naman si Tricia ang talagang interes nito ay umiwas ako.
Sinasabi kong, “Magkakilala kami sa pinas,” na ikinagulat ng mga kasamahan ko.
Pati nga si Liane at parang kulang na lang dumikit ang mga mata sa akin. Puno ng pagdududa at ayaw ko namang isipin talaga nito kung anong meron sa’min ni Sato.
“Ex ko kasi,” tipid na ngiti ko rito.
Mas lalo itong nagulat, “Pinerahan ko para sa mga bata.”
Wag nga lang maisip nito na higit pa roon ang namagitan sa’min ni Sato. Ayaw kong isipin nitong si Sato naman talaga ang ama ng mga bata. Ayaw kong malantad iyon.
“Kaya ba parang hindi kayo nagpapansinan noon una?” Nalilitong tanong nito.
Tumango ako at kinuha ang yogurt sa ref para malantakan habang nanonood ng isang action movie. Tumabi rin sa akin si Liane...
“Sino ba talaga ang ama ng mga bata?”
Hindi kaagad ako nakaimik at sa halip na itago pa ay umiyak ako sa harapan nito. Nagulat ito, natataranta... paano ko ba sasabihing kahit ama ito ng mga bata ay mabigat sa dibdib ko ang naranasan mula rito?
“A-ah, tama ba ang iniisip ko. Ha? Sahr?”
“Ayaw kong malaman niya... iinsultihin lang ako ulit ng taong yon.”
Suminghap ito at tahimik na naupo. Parang nag-iisip siya ng malalim at hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya ngayon. Parang may nabubuo dahil sa kakaibang ekspresyon nito. Na siyang ipinagtataka ko.
“Alam mo, nagdadalawang isip pa ako kung lilipat ba ng kompanya. Medyo tinatamad na rin kasi dito sa’tin. Tsaka wala namang kontrata kaya naisip ko... lumipat kaya tayo kina Ramon?” Nangingiting panghihikayat nito.
Napasinghap ako at mabilis na nakinig sa plano nito at kung anong mga benepisyo ang meron sa kabila. Pwede naman talaga, walang kontrata at sure akong makakaalis din kaagad ako roon.
Naiiyak ako sa tuwa dahil pakiramdam ko sinusuportahan ako ni Liane, iniiwas niya ako sa hindi magandang bagay. At si Sato iyon.
“Magreresign kayo?” Nagulat si Ma’am Elise nang nalaman nito mula sa HR mismo na effective next week ay wala na kami sa kompanyang ‘to. Nakapagpasa na rin kami ng mga requirements sa kabila at tuwang-tuwa ako kasi mas malaki nga ang sweldo doon.
“Pwede naman tayong magkita sa labas,” kindat ni Liane.
Sumimangot lang si Ma’am Elise at tumango. Nagpaplano na kaagad kahit wala pa, sa huling araw nga ay magbabar daw kami. Ayaw ko nga sana dahil napapahamak ako roon, kaya lang mapilit din kasi at kami-kami lang naman daw ang nandito abroad.
Kakatapos lang ng pasasalamat namin kanina at ngayong papadilim na ang araw ay nakahanda na naman kami ni Liane para magbar. Tinext nga nito si Ramon, isasama raw namin.
Medyo nahiya naman ako dahil sa nangyari noong huli. Pero naisip ko rin na dapat alisin ko na iyon dahil mag-uumpisa na rin kaming magkita nito araw-araw.
Ngumiti nga si Ramon at civil na nakipag-usap sa akin. Iyon lang mukhang nilimitahan nito ang sarili, siguradong dahil sa ginawa ko rin noong huling bar.
Ang iingay namin at makukulit. Nagkaproblema lang ng gumapang na sa kalasingan si Ma’am Elise, tawang-tawa si Liane habang inaakay namin ito palabas. Tinulungan din kami ni Ramon at hinatid patungong condo. Binihisan at nilinisan namin si Ma’am Elise na kahit tulog ay umiiyak at nagsasabing—
“Iiwanan niyo ‘ko!” Patukoy sa’min ni Liane.
Natawa na lang ako at pagkatapos na ihiga ito sa silid ko ay naglinis na ako ng katawan at pansamantalang nahiga sa sala. Nagbrowse na muna ako sa social media at nakitang may bagong post si Nanay kasama ang kambal na malapad ang pagkakangiti, pilyong ngiti habang inaangat ang ice cream na sigurado akong iniungot kay Nanay.
Nagheart nga ako at nangingiting nagcomment.
“I miss you boys,”
Saka binitawan ang cellphone at matutulog na sana kung hindi lang tumunog at nakita uli ang pangalan ni Sato at iniaadd ako. Ngumuso ako at tinitigan iyon. Binuksan ko nga ang account niya at ibablock na sana ulit kung hindi ko lang nakita iyong luma kong picture sa Baguio na nakangiti ng malapad habang nakatingala at siguradong si Sato ang kumuha ng photos dahil sa kanya ako nakadikit.
Biglang sumikdo ang puso ko, nangangasim, at sa halip na matuwa ay mas lalo akong nairita. Pinaglalaruan na naman ba ako ulit nito?
Pwes! Wala akong oras para diyan. Ang sa akin lang ay tigilan niya na ako dahil hangga’t nandiyan siya ay mananatili akong nasasaktan. Gusto ko nang tuluyang makamove on... gusto kong sa oras na wala na akong nararamdaman ay makakaya ko na siyang harapin at titigan sa mga mata. At sa oras na iyon... baka sakaling pwede ko ng ipakilala ang kambal at ipilit sa kanyang mga anak niya iyon at hindi na masasaktan kung sakaling itanggi niya iyon, sa huling beses.
Pagkatapos ko ngang iblock ito ay pumikit na ako at pilit na natulog. Tinanghali kami ng gising kinabukasan at rinig ko pa ang pag-uusap nina Ma’am Elise at Liane, napilitan akong bumaba sa mahabang sofa at tumungo sa kusina. Ngumiti si Ma’am Elise at humingi ng pasensya sa kalat nito kagabi. Ngumiti lang ako ng pilyo at kumuha ng mainit na tubig para makapagkape. Nagtoast na rin ako ng loaf bread at binigyan sila. Pati itong jar ng jam ay nilatag ko sa mesa. Tatlo kaming nakapalibot sa mesa at nag-uusap na kung anong tungkol sa buhay.
Sakto ring tumunog ang cellphone ko at kinuha sa sofa. Nabungaran ko kaagad ang kambal na parehong nakadikit ang pisngi sa isa’t isa. Tawang-tawa ako at nangingiti habang humihigop ng kape.
“Mama! I love you po!” Nag-uunahan na sabi ng mga ‘to.
Mas lalo akong nangiti. Sumilip din si Liane at kumaway. Nagtataka naman si Ma’am Elise at nakisilip din. Nagulat ito sa mga anak ko. Iyon bang halata na nasorpresa ito.
“Mga anak mo?” Bilog na bilog ang mga mata nitong nakatitig sa akin.
Tumango ako at naupo ito sa gilid, malapit sa’kin at inabala ko muna ang sarili sa pakikipagtsismisan sa mga bata.
“Oo, bibilhan ko kayo kaya wag na kayong mag-away. At ang paalala ko?” Tanong ko sa mga ito.
“Mag-aral po nga mabuti. Thank you po Mama...” natutuwang sabi ni Daryll.
Ngumisi akong lalo at sinabing, “Miss na kayo ni Mama...”
“Miss you rin po, Mama... ingat po kayo diyan.”
Talagang kapag sweet moments ay nag-uunahan ang dalawang ‘to. Mabuti na lang ganoon pa rin at sadyang sweet ang dalawang ‘to kahit lumalaki na. At lagi ring excited kapag nagpeface time kami.
“Ang gagwapo ng mga bata, Sahr... hindi ko alam na may mga anak ka na pala.”
Natawa lang ako at sinagot ang tanong nito tungkol sa ama, “Nalunod sa ibang p**e,”
Naghagalpakan sila sa kabulguran ng sinabi ko. Natatawa na lang din ako at maya’t maya ay umalis na rin si Ma’am Elise. Maglilinis pa raw kasi ito.
Lunes ang umpisa ng trabaho, aligaga kaming dalawa ni Liane. Halatang kabado parehas. Mabuti na lang sinundo kami ni Ramon at pilyang ngumiti lang ako sa kanya nang nagkatitigan kaming dalawa.
Pero dahil kaparehas lang naman nito ang mga ginagawa namin ni Liane doon sa kabilang kompanya ay mabilis din kaming natuto. Isang Linggo lang iyon at gamay na namin ang halos lahat. Though may ibang kailangan naming matutunan ay nakukuha naman kaagad.
Nagtext nga si Ma’am Elise, magkita raw kami... may pag-uusapan. Mukhang seryoso ah? At yon na nga dahil weekend ay pinili na lang namin na kumain sa labas. Binubungkos ko pa lang ang buhok ko ay natigilan ako na makitang nandoon si Sato. Nakapanglakad ito, simpleng panlakad na shorts at puting t-shirt ang sout nito. Nakahilig ang likod niya habang nasa malayong gilid naman si Ma’am Elise. Parang gustong umurong ng excitement ko at napahawak na rin si Liane sa kamay ko.
“Kalma Sahr, wala lang naman siguro iyan.”
Tumango ako kay Liane at lumapit sa dalawa. Tinitigan ko lang sandali si Sato.
“Sahr, kahit hindi ko anak...”
Bakit ba lagi niyang ipinapaalala sa akin ang mga haka-haka nito na parang hindi ako masasaktan? Ni hindi pa nga niya nakikita ang kambal ay sinasabi na nitong hindi niya anak ang mga yon,
“Handa akong makipagkilala, just... give us a chance.”