Natatawa ako, teka... anong sinabi nito? Nabibingi na ba ako o ano? Sarkastikong tinitigan ko ito, may suminghap, hindi ako sigurado kung sino basta’t titig na titig ako kay Sato na alam ko ng mga oras na ‘yon ay kabadong nakatitig sa akin, kabadong naghihintay sa magiging sagot ko. Ganoon na ba kababaw ang tingin nito sa akin? Na ganoon na lang? Pagkatapos ng lahat gusto niyang bigyan ng chance itong sa amin? Nananaginip pa yata ‘to eh. “Anong sinasabi mo?” Natatawang tanong ko rito. Bigla itong umayos ng upo at parang kinakalma ang sarili. I saw how his ear turned to red, was it because he’s embarass or what? Kung ganoon pala... sana hindi niya na lang sinabi iyon. “I want us... to happen again, Sahr.” Suminghap si Ma’am Elise na agad na napaiwas ng titig. Halatang naiilang sa bigl

