22

2166 Words

Kinabukasan, ang tanging bungad ko na lamang kay Sato ay isang buntong hininga. Makahulugan ang mga titig nito sa akin ngunit ako? Tamad na tamad habang umiibis. Nagulat nga ako nang inabutan niya ako ng bulaklak, tulad lang noong una... na parang paraan niya ito para ipakita sa’king nanliligaw siya. Ang sarap nga kagatin, nanggigigil ako sa inis dito. Iyon lang wala akong magawa dahil kasama namin si Liane. At pilit ko ring kinakalma ang sarili lalo na at nagshow ako kagabi sa kanya. Tuwang-tuwa ito kagabi, halata naman, pero ako? Bigla ko itong pinatayan hindi dahil nahiya ako sa kagagahan ko kundi dahil umusbong na naman iyong galit ko sa kanya na hindi mamatay-matay. Habang tumatagal, mas lumiliyab. Palabas pa lang si Liane ay inunahan ko na ito, nilapag ko rin sa passenger’s seat a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD