13

2009 Words
Pagkalabas ng school ay napansin ko kaagad si Sato na nakatayo malapit sa kainan doon sa tapat ng school. Palapit pa lang ako ay napansin na kaagad ako nito, nandiyan na naman ang ngiti niyang parang natutuwa... di ko lang alam kung sa akin ba o sa pinaggagawa namin? "I knew some place..." sabi pa nito. Hindi ko maintindihan no'ng una kung anong sinasabi nito, pero kalaunan nalaman ko rin. Ililibre daw niya ako... at okay lang din naman sa akin basta't pagkatapos nito ay pwede na akong umalis. "I have to move in a new place, iniisip ko... mas maganda siguro kapag mas malapit sa inyo." Natigilan ako sa pagsubo ng gakulhit na cake. Dapat ba akong matuwa? Habang tumatagal mas lalo akong nahihirapan sa sitwasyon naming dalawa. Hindi ako sigurado kung dapat din ba akong matuwa ngayon. Kung sa malapit siya lilipat, mas malaki ang chance na lagi kaming magkikita. And it's scaring me, hindi ako sigurado para sa sarili ko. Ang hirap na ngang magpigil, ang hirap pigilan na tuluyang mahulog sa kanya. Na alam ko namang hindi pwede dahil talagang pinapakita naman niya sa akin na wala nang hihigit pa roon sa pagkakaibigan namin. O kung tawagin ba na— f**k buddies. Lumunok ako bago nakinig ulit, desidido itong lumipat. "Ayaw mo ba roon sa tinutuluyan mo ngayon? I bet, hindi naman ganoon kasama iyong place?" Pang-eengganyo ko rito. "It's my mom condo unit. I can't stay there, kukulitin ako noon. Paano kung makita ka noong nandoon? She hates it when I bring girls in her place." Nabilaukan ako at nagkanda-ubo-ubo. Ano ba kasing plano nito? At ano raw? "A-ano?" Hindi ako makapaniwala habang kinakalma ang sarili. Ibabahay niya ako? Bakit? I mean, hindi naman ako homeless. Unless ang gusto nito ay makasama ako roon para lang gawing... ano pa nga ba, Sahara? Sa ginagawa niyo ngayon hindi ba yan pagkukusa mong makipagtalik sa kanya? Alam mong mali, pero sige ka pa rin ng sige. "If you just want," ngiwi nito at nagkamot ng batok. Nag-init tuloy ang pisngi ko habang nakatitig ditong nakayuko. Kaso kinalma ko rin kaagad ang sarili. Bakit naman ako mamumula? E sinabi naman nitong kung gusto ko lang naman. "B-bibisita siguro, Oo. Pero ang tumira? Sorry Sato, hindi ako pwede." Nahihiyang tumango ito pagkatapos iniba na ang usapan. Basta kung ano ang sa tingin nito ang makakapagpaagaw sa pansin namin yon ang pinag-uusapan namin. Habang tinititigan ko nang matagal si Sato, mas lalo kong nakikita kung ano ang higit na nakakaattract dito. Though, merong kakaunting tumutubong balbas hindi naman maipagkakaila iyong katotohanan na ang aliwalas nito. Amoy tumagal sa labas. "Kailangan ko na yatang umalis, pagabi na saka... ano may trabaho pa ako." Nakakaintindi ulit itong tumango. Hinatid pa ako at sinabihan ko na lang na okay na ako roon sa labas ng eskinita. Mukhang nakakaintinding naman at maya't maya ay natanaw ko itong nagdadrive palayo. Pagkapasok sa bahay, parang nawalan ako ng ganang kumilos. But I have to remind myself, trabaho muna bago ang lahat... kaya hayun, pumasok ako kahit wala sa mood. Punang-puna tuloy ako ni Rose na nginingitian ko na lang. Patapos na sana ang shift ko nang sinabi nitong kailangan nga raw ng assistant sa isang VIP room. Pagkapasok amoy ko kaagad ang pinaghalong alak at sigarilyo. I didn't smell anything aside from those. Mabuti na lang, no'ng huli halos atakehin ako sa puso nang naamoy pati ang pinagbabawal. Siguro dahil sa dalas ko sa VIP alam ko na ang mali. Nginingitian ko lang sa tuwing may napapatingin sa akin. Usually, nagpapaassist lang sila sa mga bagong alok na meron ang bar. Hindi naman gaanong bastos, maliban sa kaunting daplis ng mga kamay sa nakaexpose kong hita. Ipinagsasawalang bahala ko na lang iyon, kasi baka lasing? O gusto lang magpapansin? Napatitig ako—pagkatapos na iabot sa kanila ang sumunod na serve ng inumin— doon sa lalaking may kahabaan ang buhok. Tahimik itong umiinom, parang ang out of place nito. Hindi ko makitaan ng pakikisama. Ang tagal kong napatitig sa kanya hanggang sa nagulat ako noong napalingon din ito sa akin. Ngumisi ito, at ang yabang. Di naman kasi ibig sabihin na kaya ako napapatitig ay dahil interesado akong makilala ito in some other reason. Hindi na nga ako tumitig ulit, napatitig na lang ako sa orasan doon sa itaas at lagpas shift ko na iyon. Overtime nga, mabuti at sadyang panghapon ang ilang subjects ko bukas kaya makakapagpahinga ako ng maayos. Guminhawa lang ako noong nagsitayuan na ang ilan. Paunti-unti na silang umuuwi kasi magmamadaling araw na. Kakaunti na lang talaga at inaantok na rin ako. Nagulat pa ako noong tumawag iyong lalaking mahaba ang buhok at sinabi nitong oorder pa. Napilitan akong lumabas at nagtawag ng server. Dumaan pa si Rose at makahulugan ang ngisi sa akin. Hindi kasi usual na tumatagal ako sa isang VIP room. Wala naman akong masyadong ginagawa sa loob. Napag-usapan na kasing hanggang utos lang ang magagawa ng mga panauhin. Well, wala rin sa usapan ang kakaunting tsansing. Pagkabalik sa loob na dala ang isang bucket ng inumin ay tinawag ako noong mahaba ang buhok. Nagulat pa ako noong inilahad nito ang palad at nagpakilalang.. "Adrian Lim, nice meeting you pretty girl." Ang judgmental ko lang dahil inakusahan ko agad itong mayabang kanina pero habang nag-uusap kami sa gilid nalaman kong medyo kinabahan nga raw ito kanina kasi hindi ko daw pinansin iyong simpleng ngiti niyang iyon. Natawa tuloy ako at sinabi ritong ang yabang naman kasi, ngisi iyon at hindi ngiti. Natawa rin ito at sinabing... "Hindi ako sanay na nakikipagkaibigan, sumama lang ako sa mga yan dahil siguro... out of curiosity?" Iling nito. Nagpigil naman ako ng sarili at gusto sanang magtanong kung paano nitong nakakaya na inom lang ng inom ng hindi nalalasing. Pinagloloko ba ako nito? "You want some?" Umiling ako, pwede namang tanggapin iyon. Allow kaming uminom pero bawal malasing. "Sige na, kaunti lang. Nabobore na ako kanina pa." Kaunti lang naman daw, isang tungga lang ang kinaya ko at tumabi na sa kanya. We talked about life, siguro kaya nagclick kami ay dahil ang laki ng pagkakaintindi ko sa pinagdaanan nito. "Kaya ngayon, ako ang nagpapaaral sa dalawa ko pang mga kapatid. Ayaw kong maranasan nila iyong hirap ng buhay." Tumango ako, nag-aalangan kung dapat ko bang ikuwento sa kanya ang mga pinagdaanan ko nitong mga huling taon? But in the end, I blurted out some of my experiences. Life is so unfair, di ko rin maintindihan kung bakit hindi naman katalinuhan itong isang kaklasi ko pero ang swerte-swerte sa buhay. Natawa nga ito ng sinabi kong, "Inggit na inggit ako roon, kung pwede lang makipagpalit." Ngiwi ko. "Normal lang naman iyan, gawin mong inspirasyon para lalong umangat." Tumango ako, hindi ko na maintindihan pagkatapos kong ano pa ang pinag-usapan namin. Ngumisi pa iyong isang kasamahan nito, ang huling tumayo at mapanukso pa ang titig sa amin. "Ad? Ano, uuwi ka ba o magpapaiwan?" "Uuwi," sagot nito bago tumayo. Tumayo na rin ako kasi mag-aalas dos na at gusto ko nang matulog. "Sigurado ka? Paano iyang kasama mo?" Hindi maalis-alis ang titig nito sa akin. Pinasadahan pa ako ng isang beses. Hindi ko na lang gaanong pinansin pa iyon. "Ihahatid ba natin?" Baling ni Adrian sa akin. Natawa iyong kaibigan nito at inakbayan siya. Bumulong pa ito bago malisyusong tumitig sa akin. Namimilog naman ang mga mata ni Adrian at lumingon din sa akin. "H-hindi! Ano ka ba! Uuwi iyan." "Bahala ka, sayang pa naman." Napalunok na lang ako at umatras, mapag-umanhin ang titig sa akin ni Adrian. Nakakaintinding tumango ako at nginitian nito ng kaunti. Pagkatapos noon ay niligpit ko ang mga nagkalat. Pagkalabas ay nandoon ang dalawang server at tinulungan ako sa paglilinis. Sabi pa ng dalawa pwede na raw akong umuwi, lagpas schedule na kasi ito pagkatapos may pasok pa ako bukas. Napabuntong hininga na lang ako habang naglilinis ng katawan sa likod ng bahay. Huli ko ng napansin na nandoon na ang isa kong kapitbahay ay naninigarilyo habang pinapanood akong nakatapis. Namimilog na lang ang mata ko at dali-daling pumasok. Halos magsumiksik ako sa dulo ng kama, kagat ang labi at naiinis na pinapatay sa imahinasyon ko iyong manyakis na iyon. Nakatulugan ko na lang ang inis. Narinig ko pa yatang may kausap si Nanay... pero dahil antok pa ako, binaliwala ko iyon. Alas diez ng nakaramdam ako ng gutom. Tinatamad pa akong magising kaso no'ng kumilos ako nang bahagya ay naramdaman kong may katabi ako. Nagulat ako nang nakatitigan si Sato, amoy pabangong lalaki at nakahiga sa braso nito. "Good morning, you look tired." Matter of fact na sabi nito. At sumiksik pa talaga lalo sa akin. Namimilog na lang ang mga mata ko habang pilit na sumisilip sa likod. But surprisingly, wala si Nanay... hindi ko maramdaman ang presensya nito. "And you're not wearing any clothes. Wala si Nanay, umalis. Babalik iyon mamaya, pinamalengke ko kasi sabi ko dito muna ako ng ilang araw." "Ha??" Excuse me? Ano ang sinabi nito? Dito muna ito ng ilang araw? "I've moved out, pinapaayos ko pa iyong bagong condo... ayaw ko namang bumalik doon sa condo ni Mama. We have this misunderstanding and I don't want her to bother me every now and then." "Kaya ba dito ka matutulog? Pumayag si Nanay?" Halos hindi ako makapaniwala, paano niya napapayag si Nanay? E ang alam lang noon magkaibigan lang talaga kami ni Sato. Paano na yan? Saan ito matutulog? Sa liit ng tinutuluyan namin, saan ko ito patutulugin? Unless, tulad no'ng una ay dito na naman? Tatabi sa akin? "I don't know, basta pumayag lang iyon." Bulong nito at sumiksik pa sa leeg ko. Napalunok ako at naramdaman ang kamay nitong pumapasok sa loob ng kumot ko at pumulupot para lang hapitin ako palapit dito. "Di ka pa ba magbibihis?" Bulong nito, ramdam ko tuloy ang init ng hininga nito. Parang ako pa yata ang lalagnatin. "A-alis, magbibihis na'ko." "Mamaya na." Kitams, di ko alam kung ano ba talaga ang gusto nito. Mas humihigpit kasi ang yakap nito. Tapos naramdaman ko pang bumaba ang kamay nito papunta sa pang-upo ko. Namimilog na lang ang mga mata ko ng naramdaman siyang humahaplos doon, pumipisil at pagkatapos sumisingit iyong daliri niya sa hem ng panty ko. "B-baka dumating si Nanay." Nanginginig na saway ko rito. Bumababa pa kasi ang kamay nito... humahaplos at gigil na namimisil. Tapos iyong daliri niya mas lalong bumababa hanggang sa ilalim... tinatamaan niya na itong gilid ng labi ng p***y ko. "She won't..." Suminghap ako lalo na noong inilabas niya ang daliri at binuhat ang isang hita ko para lang ipagpahinga sa bewang nito. And then, bumalik na naman ang daliri nito at hinagod ang tela mula sa labas. Alam din kasi nito, na talagang iba kapag kagigising lang... mas aktibo at madaling libugan. "Don't you think this will be so good for your day?" Ngisi nito ng humiwalay habang tinitigan akong unti-unti na namang inaantok. Hindi na ako makapagsalita, lalo na at ramdam kong parang sa kung ano ay nagniningas ang sa ibaba. Dumidikit lalo ang tela sa pundya... lalo na kapag dinidiin niya't hahagurin palikod. "Hm?" Bulong nito. Umiling ako, kagat na ang labi. Nanginginig ako sa mangyayari. Parang iba na yata... mas nakakatakot. Mas nakakalimot. Hindi na ako nagulat kung mula sa ibaba ay naisingit na nito ang hintuturo. Pinasayaran nito ng isang hagod ang labi... inulit pa at isa pa. Hanggang sa pumasok ang panggitnang daliri. Parehong magaan ang pisil sa pisngi, at pilit na inaabot ang sa gitna. Humagod ang hintuturo at nanunukso naman ang gitna para doon sa tukoy. Di na ako nagulat, maliban sa sariling napasinghap, kung ang gitna ay dahan-dahang pumapasok sa butas. Paunti-unti, dahan-dahan, babawiin at tutuksuhin. Hanggang na nanigas ang nakahinga kong hita sa bewang nito. Hindi na ako mapakali. Nginingitian niya nga lang ako hanggang sa sunod-sunod na ang paglabas masok nito. "You're really an angel." Hindi, baka kamo a little devil? May anghel bang halos mawala na sa sarili habang nagtatampisaw sa magiting nitong daliri?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD