"Here." Abot ni Leander sa hospital gown sa akin. "Wala namang bali sa dalawang kamay mo kaya hindi na kita matutulungang magbihis."
"Tss." Matunog na ngisi ko sabay tumayo. "What? Don't tell me you want to watch me get dressed?"
Hindi niya ako sinagot. Bagkus tinuro niya ang pintuan ng banyo para mapalunok ako. Para tuloy akong nahiya dahil sa sinabi ko. Gusto ko tuloy bawiin pero kahit bawiin ko naman din ay narinig niya na.
"Mamaya ka muna magbihis. Lilinisin ko lang 'yung sugat mong dumudugo." Sa pagkakataong ito ay nagsalita siya.
Ngayon ko lang din napansin na may dala pala siyang gamit para linisan ako. Sinenyasan niya ako na umupo sa kama at habang siya naman ay naupo sa harapan ko.
"A-Ako na." Nauutal na anas ko dahil iaangat na sana niya ang damit ko.
Dahan-dahan kong inangat ang damit ko paitaas banda sa dibdib ko. Narinig ko ang kanyang pagbugtong hininga sabay tingin sa akin. Ngayon ko lang natitigan nang maigi ang kanyang mukha at masasabi ko na ang gwapo pala niya.
"Why do you have a gun? Are you a police woman?" Doon na lang ako napatingin sa bewang ko. "Noong ginagamot kita kanina ay may baril ka pero hindi ko na lang inalis. So tell me?"
Shit! Hanggang ngayon pa din pala ay nakasukbi pa din sa tiyan ko 'yung pistol gun ko! I suddenly looked around as if looking for an answer to this man.
"Wag mo na ako gamutin. Aalis na ako!"
"No. Just answer my question, Miss. Are you a police woman?" He asked me again.
"Why are you interested? Parte ba nang pagiging doctor mo ang alamin kung ano ba katayuan ng mga pasyente mo?" Walang emosyong tanong ko.
He sighed. Hindi ko malaman kung bakit pa niya kailangan alamin kung ano ba ang katayuan ko. Gusto kong mainis dahil ano bang pakialam niya kung may baril ako?
"Wag mong subukan na umalis dahil tatawag ako ng pulis." Banta niya na ikinalaki ng mata ko.
"Ano bang pakialam mo?! Woi, kung gago kang doctor wag ako ang gaguhin mo!" Duro ko sa kanya.
"Malay natin na masama kang tao?"
"Por que may baril masamang tao na? Kinginang mindset yan. Doctor ka ba talaga?"
Hindi siya nakasagot dahil sa tanong ko. Minsan nagiging bobo din pala 'yung doctor.
"My gun has a license, Mister. Kaya pwede ko yan dalhin sa ayaw at sa gusto ko." Dagdag ko pa.
"Whatever. You will stay for a few more days so you can't leave yet."
"What? The stab I got was not too bad so let me go!" Akma pa sana akong tatayo pero tinulak lang ako ni Leander para muli akong mapaupo. "What the hell is wrong with you? Doctor ka lang pasyente ako! Kaya ako pa din ang masusunod kung gusto kong umuwi o hindi."
Napangisi siya dahil sa sinabi ko. Nagtawag pa siya ng nurse at may sinabi pa siya na magdala ng hindi ko mawari kung ano ang pinadala niya. Hindi niya talaga ako magawang paalisin. Ano bang meron sa doctor na ito at walang talab 'yung mga sinasabi ko sa kanya?
"Doc Leander?" Tawag ng nurse na may hawak na stainless na tray.
J-Jab? Bakit siya nagdala ng pampaturok?! Naalala ko 'yung sinabi ni Hellion sa akin na may isang doctor sa Mallagher Hospital na tinuturukan ng drugs ang pasyente. Ito na ba 'yung doctor na nagtuturok ng drugs sa mga pasyente?!
"B-Bakit ka nagpadala ng ganyan?" Sa unang pagkakataon ay kinabahan agad ako.
"Kailangan mo lang ito. Nabigla ka ata sa pagsabog at naapektuhan 'yang utak mo kaya mas lalo kang naging bobo." He answered, coldly.
My eyes widened. "No! Don't you dare to inject me with that because I will kill you!"
"She really needs that, Doc Leander. Baka po kasi magwala pa siya. Ilang oras lang naman ang itatalab niyan." Sagot ng babeng nurse.
"Kung iturok ko kaya yan sa mata mo!" Sigaw ko sa kanya para mapaatras siya.
Nabigla ako dahil sa hinila ni Leander ang kamay ko. Binabawi ko sa kanya pero matigas siya! Hinahampas-hampas ko ang kanyang dibdib dahil sa gagawin niya sa akin. Ayokong maturukan ng drugs!
"Papakalmahin lang kita, Miss. At paggising mo pwede ka nang umuwi." Malamig niyang anas sa akin.
"Ayoko! Kingina! Sabing ayoko!"
Hindi na ako nakapalag pa. Dahil dalawang lalaking nurse ang humawak sa akin para maiturok na sa akin ni Leander ang kailangan niyang iturok. Para tuloy akong inantok bigla. Tinignan ko si Leander pero ang mukha niya ay malabo dahil sa paningin ko. Ano 'yung tinurok niya.
"I swear, fucker. I will kill you." Huling salita pa ang binigay ko sa kanya bago ako tuluyan mawalan ng malay.
Hindi ito drugs. Pampatulog lang ang tinurok niya.
Nagising ako kinabukasan dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Bumuga ako ng hangin nang tumingin ako sa maputing kisame. Hindi ko pa din akalain na tinurukan ako ni Leander nang pampatulog.
"Gising ka na pala."
Doon na lang ako napatingin sa gilid dahil sa boses ni Hellion. Nakaupo siya sa sofa at nagbabasa ng diyaryo habang nainom ng kape.
"Why are you here?" I asked him and he looked at me.
"Dinadalaw ka. Alam ko naman kasi na hindi magagawang dumalaw ang ama mo."
Bigla akong napaiwas ng tingin dahil sa kanyang sinabi. Sa mga mission na hinawakan ko ay hindi pa din maiiwasan na mapuruhan at madala sa hospital. Ilang beses ko na itong nararanasan na madala sa hospital pero hindi ko maranasan na hindi dalawin ng isang ama kung ayos lang ba ang kalagayan ng kanyang anak.
"I'm sorry. Hindi ko na dapat sinabi pa." He apologized.
"It's okay." Pilit ngiting anas ko.
"Are you okay? How's your stab?"
"Ayos naman. Parang saksak lang."
"Mayabang talaga."
Nagbigay pa nang kaunting pahayag si Hellion sa akin tungkol sa gagawin ko na mission dito sa Mallagher Hospital. Nasabi niya sa akin na dito ako dinala kaya nagtanong siya kung may napansin ba siyang kakaiba dito. Nagsabi din siya na kailangan ko muna pag-aralan lahat bago ako pumasok o magpanggap bilang nurse.
Kingina kailangan ko pa talagang pag-aralan? Ilang buwan ko ba yan pag-aaralan ang mga kagamitan dito sa hospital? Agent na naging nurse. Wala 'to sa bokubolaryo ko.
"Hello Ma'am. Ic-check lang po kita." Biglang pasok ng nurse sa akin.
Hindi ko siya sinagot. Hinayaan ko na lang na gawin ang kanyang pakay sa akin.
"Kailan ako makakauwi?" I asked her.
She smiled. "Pwede po ninyong tanungin si Doc Leander kung kailan po kayo pwedeng umuwi. Thank you."
Umalis na 'yung babaeng nurse kaya matunog na pagbugtong hininga ang aking binitawan. Doc Leander na naman ang kingina. Bakit siya pa? Hindi por que siya 'yung gumamot sa saksak ko kailangan sa kanya pa din ako magtanong? Pero naninibago ako sa suot ko. Tinignan ko ang suot ko at nanlaki ang mata ko na naka-hospital gown na ako!
Kinapa ko din agad ang bewang ko pero wala akong makapa na baril ko! Tinignan ko sa ilalim ng unan kung nandoon ang baril ko pero wala. Sino nagbihis sa akin? Sino nagtago ng baril ko?!
"Where's my gun?!" Inis kong tanong sa aking sarili.
Nagitla na lang ako na may pumasok bigla mula sa pintuan at iniluwa doon si Leander. Bigla kong inakay ang glucose upang makalapit sa kanya. Tinignan niya lang ako na walang makikitang emosyon sa kanyang mga mata.
"Ibigay mo ang baril ko." Iyon agad ang sinabi ko.
"Bakit sa akin mo hinahanap?" He asked, seriously.
"Dahil ikaw lang ang huling nasilayan ko bago ako mawalan ng malay!"
"You think so? You're wrong."
"What? Just give it back! Sino ka ba para pakialaman ang mga personal kong gamit? At sino ka din ba para ikaw ang magbihis sa akin?! Talagang gustong-gusto mong makita 'yung katawan ko, 'no? Napakabastos mo!"
"I think you have a paranoid schizoprehnia." Ani niya na ikinagulat ko.
"What the hell? I don't have a sick. Dahil lang sa sinabi ko pinag-iisipan mo na agad na baliw ako?!"
Napapalakas na ang bibig ko dahil sa binibigay niyang sagot. Napakayabang netong doctor na ito. Sino siya para pag-isipan ako ng ganyan?
"Bakit ba ang ingay mo? Hindi ka naman isang manok pero putak ka ng putak." Seryosong sabi niya.
"Ibigay mo na kasi sa akin 'yung baril ko para makaalis na ako at wala na tayo pagtatalunan pa! At tsaka bakit? Hindi mo ba maamin na ikaw ang nagbihis sa akin para makita mo lang 'yung katawan ko?!"
"You're unbelievable." Iling niyang sabi sabay lumabas ng kwarto.
Sinundan ko siya sa paglabas at sinigawan pero hindi niya ako nagawang lingunin pa. Padabog akong bumalik sa loob ng kwarto ko at padarag na umupo sa sofa.
"He's getting into my nerves!"
Hindi ko alam ang gagawin ko kung paano ko makukuha sa Leander na iyon ang baril ko. Bakit niya kailangan itago? Hindi naman siya humingi ng permiso sa akin para pakialaman ang gamit ko.
Ilang oras pa ang lumipas na may biglang pumasok mula sa pintuan. Tinignan ko ang babae na nakasuot din ng white coat at may dala-dalang carton bag. Tumingin siya sa paligid bago niya ako nasilayan na nakaupo lang dito sa sofa.
"Oh." Abot niya sa akin ng carton bag. "Nagsabi sa akin si Leander na bilhan daw kita ng damit. Anyway, ako din pala ang nagbihis sayo."
Tinignan ko lang ang kamay niya na may hawak na carton bag. Hindi ko pa din kinukuha, bagkus tinignan ko lang iyon bago ulit nag-angat ng tingin sa kanya.
"I didn't ask."
"Hindi ko naman din sinabi na tanungin mo." Nakangisi niyang sabi sabay lapag sa lamesa ng hawak niya. "May pumasok sa kwarto mo. Dalawang lalaki naka-puros itim."
Natigilan ako dahil sa kanyang sinabi. Nag-angat ako ng tingin sa babaeng kumakausap sa akin na nakatingin sa bintana. Aaminin ko na maangas ang dating niya kahit nakasuot siya nang pang-doctor. Nagbaba ang tingin ko sa bandang dibdib niya dahil mula roon ay nandon ang kanyang pangalan.
Vivienne Zin Ty Vargaz.
"A-And?" Doon na ako naging interesado sa sasabihin niya.
"Binigyan ko nang malakas na suntok. Knock out nga eh." Nakangisi niyang sabi sabay tingin sa akin. "Gusto ka nilang kunin pero sabi ko dadaan muna sila sa kamay ko. Hindi ko na hihilingin na marinig ang pasasalamat mo dahil alam ko naman na hindi mo iyon magagawang sabihin."
Para akong nabilaukan dahil sa sinabi niya. Paano niya nalalaman na ganon ang pag-uugaling meron ako? Na hindi ako marunong magpasalamat basta-basta sa isang tao.
"Kung hinahanap mo 'yung baril mo. Pwede mong puntahan si Leander dahil sa kanya ko ipinatago. Maaari ka naman din nang umalis." Dagdag niya bago niya ako talikuran.
"W-Wait, Vivienne." Pagpipigil ko.
"Just Vien."
"Okay. Vien. Saan ko makikita si Leander? I mean, Doc Leander."
"Makikita mo siya gamit lang ng mga mata mo." Nakangiti niyang sabi pero nandon 'yung ngisi. "Biro lang. Sa office niya. Maghintay ka lang ng nurse dito at ipapatanggal ko lang ang dextrose sa kamay ko."
Hindi na ako sumagot dahil hinayaan ko na lang siya na makalabas nang tuluyan sa kwarto ko. Napabuga ako ng hangin dahil sa mga binibigat niyang sagot. Masyado din siyang pilosopo. Dumating ang sinasabing nurse ni Vien kaya agad na akong inasikaso. Nang matapos ay agad na akong nagbihis at tinawagan si Hellion para sunduin ako.
Hinahanap ko na ang office ni Leander kaya naglalakad na ako sa pasilyo. Nang makita ko ang kanyang pangalan na nakasulat sa pinto ay agad na akong pumasok na hindi hinihintay ang kanyang pahintulot.
Nilinga ko ang paningin ko pero ang isang Leander ay nakikita kong natutulog habang nakadukdok sa desk niya. Lumapit ako doon at tinignan ang kanyang mukha. Ultimo pagtulog ay masyado siyang gwapo, para siyang anghel na hindi pilosopo. Mapupula ang labi, makapal na kilay pero hindi sabog.
"Stop staring at me." Mahina niyang anas sabay unti-unting dumidilat ang kanyang mga mata. "What are you doing here? Sinabi ko ba na pumasok ka dito?"
"Just give me back my gun. Nasabi ni Vien sa akin na sayo ang baril ko." I answered him, seriously.
Sumandal siya sa kanyang swivel chair at marahan niya iyong ginalaw habang nakatingin sa akin ng deretso. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang labanan ang pagtitig niya sa akin. Bago sa akin ito. Bakit sa ibang tao ay kaya kong makipagtinginan nang matagal?
"I thought you would tempt me again?" Sabi niya kaya napatingin ulit ako sa kanya. "Nice clothes."
Nagbaba ako ng tingin sa damit ko na hapit na hapit ang katawan ko. Hindi naman makikita ang dibdib ko pero 'yung hubog ng katawan ko ay hapit na hapit. Napaubo ako bigla.
"Ibigay mo na sa akin 'yung baril ko, pwede?" Inis na talagang sabi ko.
Bahagya siyang ngumisi at binuksan ang kanyang drawer. Mula roon ay inilabas niya ang baril ko pero hindi niya pa din inaabot. Dali-dali akong lumapit mula sa gilid niya at ang gago ginalaw pa ang swivel chair para humarap pa sa akin.
"Give it back, fucker!" Sigaw ko sa kanya.
"Mukhang naiinis ka na?" Seryoso niyang sabi.
"Ano ba? Para kang gago. Kung ibigay mo na sa akin iyang baril ko bago pa kita masapak!"
"Hit me." He challenged me.
"Ibigay mo na kasi!" I yelled at him.
"Hit me."
Makulit kang lalaki ka. Dahil inuutusan mo ako hindi ko na kasalanan na masapak kita. Umabante pa ako ng atras at kinuyom ang aking kamao para masapak siya sa mukha. Pero hindi ko naman din aasahan na iisang kamay lang ang kanyang isinalag sa kamao ko na tatama sana sa mukha niya. May halong gulat sa mga mukha ko dahil sa bilis nang kanyang pagdepensa.
"Ang bagal mo." Nakangisi niyang sabi.
Hinihila ko na ang kamay ko sa kanya pero malakas niya din hinila ang kamay ko upang mapasubsob ako sa kanyang dibdib. Naamoy ko tuloy ang kanyang pabango. Kahit na amoy gamot sa paligid ng hospital ay nanatili pa din ang kanyang mababangong amoy.
"Are you done smelling me?" Tanong niya kaya napatayo ako bigla.
"A-Amoy bonifacio ka!" Sigaw ko at kinuha ko sa kanya ang baril ko at mabilis na tinalikuran siya.
"I am not Bonifacio but I can Andrés you." He said to stop me from walking.
"What the f**k did you just say?" Nilingon ko ulit siya. "I am not kamatayan but I can take you to hell, fúcking pervert."
Ngumisi lang siya sa sinabi ko pero ako tinalikuran na siya. Grabeng inis ang naramdaman ko kay Leander dahil sa kanyang sinabi. Hindi siya si Bonifacio pero kaya niya akong hubaran? Kingina siya.
"There you are!" Salubong ni Hellion sa akin.
"Take me home. I don't want to stay here." Iyon lang at nagpatuloy akong lumabas sa hospital.
Sumakay na ako sa kotse ni Hellion at siya naman ay sumunod na din sumakay. He looked at me with a question in his eyes.
"What?" I asked him.
"Nothing. Magpahinga ka lang ng ilang araw dahil pag-aaralan mo na kung paano magtrabaho ang isang nurse. Sa mga kagamitan din ay kailangan mo kabisaduhin, at kung saan ginagamit."
"Cut it off." I hissed. "Ilang buwan ko ba yan pag-aaralan?"
"Years. Binigyan ka ng taon ng daddy mo bago mo simulan ang mission."
"Good to hear that. Now take me home." Utos ko.
Taon pa bago ulit ako makabalik dito. Buti naman. Dahil baka mapatay ko nang wala sa oras ang manyakis na doctor na iyon. Ginigigil niya mga laman ko sa loob.
To be continued. . .