DRAKE POV'S
Masarap maging mayaman o may kaya sa buhay pero wala yung yaman mo kung hindi naman buo ang nakukuha mong pagmamahal sa pamilya mo.
Bata palang ako nung iniwan kami ni mama, sumama sa ibang lalake. Hindi ko din alam bakit pa nagawang iwan ni mama si papa eh halos na kay papa na ang lahat.
Mayaman, malaking bahay, maraming ari-arian at halos ibibigay sayo lahat ng luho mo. Simula ng umalis si mama yun ang naiwan na tanong sa akin kung bakit?
Sa edad na 14 madami na akong naka-salamuhang babaeng inuwi ni papa sa bahay. Iba't ibang klase ng babae. May Maliit, matangkad, maputi, maitim, pinay o madalas ibang lahi. Wala naman akong problema kung mag-aasawang muli si papa ayoko naman syang pigilan na sumaya muli. Mas okay na yung ganyan kesa mag mukmok sya sa pag iwan sa kanya ni mama.
Si mama, wala nakong balita sa kanya simula ng umalis sya sa lugar namin at sumama sa kabet nya. Walang paliwanag o iniwang sulat sa akin parang walang anak na nag aantay sa kanya, para sakin isa syang pabayang ina.
"Oy Drake." sigaw ng kaibigan kong si Paulo.
Si paulo ang kababata ko, twing may problema ako lagi syang nandyan para damayan ako at alalayan ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Napag-kakamalan na nga kaming mag-kapatid dahil malapit na kaming maging mag-kamukha dahil lagi kaming mag-kasama.
"Pau oy, ano tara na."
"Sige sige kanina pa nag aantay sila Micah sa Bar akala ko nga di ka sasama, di ka kasi nag u-update kaya pumunta na ko dito." ika nya.
"Baliw, syempre sasama ako pa-palagpasin ko ba naman ang birthday mo? Alam mo namang malakas ka sakin." naka-ngising sabi ko.
Ganto ang buhay, kung wala lang talaga tong kaibigan kong si Paulo baka matagal nakong sumuko. Nakukuha ko nga lahat ng gusto ko pero parang may kulang pa din. Malaki ang pag-kakaiba namin ni paulo, ako normal kasi di abnormal, sasabay sa trip at tahimik lang. Sya naman madaldal, suki sa bar at babaero.
"Alam mo Drake, kung ako sayo aayusin ko sarili ko. May itsura ka naman pare kulang ka lang sa pag-aayos sa sarili mo." pang aasar nya.
"Maayos naman ako ah, bakit may dumi ba ko sa mukha?." pilyong sagot ko.
"Baliw, ang ibig sabihin ko ayusin mo yang panlabas mong anyo sayang kagwapuhan mo ayaw mong gamitin. Kaya hanggang ngayon dika pa din nakakatikim ng babae eh nasobrahan ka sa pagka mahiyain." ika nya.
Hindi talaga ako mahilig sa babae, wala sa vocabulary ko yan. Para kasi sakin hindi naman isang collection ang mga babae para ipunin at pa-damihin. Gusto ko sana yung babaeng maka-kasama ko ay sya na din hanggang dulo. Sa totoo lang ayokong matulad kay papa na iniwan ni mama sa di malaman na dahilan.
"Halika na nga pumasok na tayo kung ano ano pang sinasabi mo dyan eh."
Pumasok na kami sa loob ng bar at nakita namin duon sila Micah, James, Rio at yung dalawang babae pa na kasama nila. Hindi pamilyar sakin yung dalawa kasi ngayon kolang sila makakasama.
"Paulo, Drake halina kayo apaka tagal nyo naman kanina pa kami nag aantay dito akala namin nabaon na kayo sa kalsada eh." ika ni micah.
"Pinagsabihan ko pa muna kasi tong tropa natin diko lang alam kung makikinig hahaha." sagot ni paulo.
"Oh sya tama na yan, pakilala ko muna mga kasama natin eto si Ann at Lei, nasa kabilang table lang sila kanina inaya ko na mukhang malungkot eh." pag-papaliwanag ni Rio.
"Ah hello sa inyong dalawa." mahinahong sagot ko.
"Pag-pasensyahan nyo na girls tong tropa namin ha medyo mahinhin, virgin pa kasi HAHAHAHAHA." muling pang aasar ni Paulo.
Maganda parehas si Ann at Lei pero iba sa paningin ko si Ann, parang hindi namin sya ka-edad pero sa totoo lang ang hot nya and kung sa hubog ng katawan talagang pasado sya.
Nag-inom kami ng nag inom hanggang sa makadami, masaya ang kwentuhan nang biglang para akong sisinukin sa tanong ni Lei sa akin.
"Drake right?"
"Ah oo Ikaw si Lei diba? Nice to meet you." tipid kong sagot.
"So totoo ba virgin ka pa? Hahaha." pilyong tanong nya.
Hindi ako sumagot kasi diko alam ang isasagot, para akong binabalot ng hiya dahil sa babae ang nagtanong sakin neto. Anong isasagot ko? Oo wala pa? Kahit hawak hindi pa? Baka isipin naman nito bakla ako pag di ako umimik.
"So bakit ka nga virgin? Ayaw mo sa p******?" habol na tanong ni Lei.
"Ah hindi naman sa ayaw, a-ano lang kasi.."
"Di pa sya handa." singit ni paulo.
"Panget naman diba kung titikim sya ng babae tapos di buo ang loob nya edi hindi masa-satisfied yung babae kung sino mang makaka una sa kanya. Kaya mas maigi mabuo muna loob ng tropa ko bago mangyari yun." habol na paliwanag ni paulo
"A-ahh oo t-tama si pau." nangangatog kong sagot.
"Siguro Lei kaya mo natanong gusto mong subukan tong tropa ko ikaw ah HAHAHAHHAA bata payan Lei kumalma ka." ika ni paulo.
"Edi pasusuin charot HAHAHAHA wala curious lang." tawang sagot ni Lei.
Tinuloy tuloy ko na lang ang pag inom ko kesa makipag kwentuhan kay Lei. Naiilang talaga ako pag ganyang mga topic eh. Nagpa alam muna ako sa kanila para mag yosi ng makahinga muna. Pagdating ko sa area ng yosihan nakita ko dun si Ann. Ang ganda nya talaga sa paningin ko kitang kita ang kurba ng katawan sa suot nyang itim na sexy dress.
"Oh baka matunaw ako nyan bata." tawang sabi ni Ann.
Diko pala napansin na natulala ako sa kanya at di na nakagalaw. Ang lakas ng tama ata sakin ng alak ah, ngayon lang ako na turn on sa babae.
"Ah pasensya ka na medyo nakainom na eh tumatama na." sagot ko.
"Wala yun, nga pala pasensya na kanina kay Lei ha ganon lang talaga yun. Manyakis yung haliparot na yun eh bata pa kasi." paliwanag nya.
"Wala yun, magkaibigan kayo? At bakit bata pa yun ilang taon kana ba?" tanong ko.
"Kapatid ko yun si Lei HAHAHAHA di lang halata. Sa edad naman 29 na ko eh ikaw?"
"Ah 23 na ko. Ann tama? nice to meet you pala."
29? Going 30? Talaga ba parang hindi naman, bakit parang ang bata nya tingnan para sa edad na 29. Dala ba to ng amats ng alak? Nagtuloy tuloy lang ang kwentuhan namin ni Ann habang nagyo-yosi medyo bad girl din pala ito, ang hot nya din tingnan sa bawat hithit nya sa kanyang sigarilyo. Pagkatapos naming magsigarilyo ay agad din kaming bumalik sa pwesto namin kung nasan sila Paulo kanina.
"Kaya pala di mo pinapansin si Lei pare ah ate pala ang nais." pang aasar ni paulo.
"Baliw, kung ano ano iniisip mo sabay lang kaming nag yosi eto talaga eh pasalamat ka birthday mo kasi kung hindi nako."
Pero tama si paulo kung sabik lang ako sa babae baka si Ann talaga ang matipuhan ko, hindi dahil sa magandang kurba at angking kagandahan nya kundi dahil mabait at maayos syang makitungo at tila isa syang misteryosang babae.
Ala-una na ng madaling araw kami nakauwi ni Paulo at ng iba pa naming kasama. Pagod, antok at amats na ang nararamdaman ko pero diko pa ding maiwasang isipin si Ann kung nakauwi ba to ng ligtas o kung okay lang ba sya. Pero sa tingin ko naman okay lang sya, kung titingnan kasi para syang batak sa alak o sa pag iinom kaya piling ko hindi sya agad agad nalalasing.
Pagka-pasok ko sa kwarto at akma ng hihiga ay biglang nag ring ang cellphone ko. Unknown number halatang diko kilala.
"Hi salamat nga pala sa pakikitungo nyo samin kanina nag enjoy kami. Sana maulit uli tnx!"
-Ann
Halos mapaupo ako sa higaan ng makita ko na galing kay Ann ang text, para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil lang sa kilig.