CHAPTER 2

1305 Words
ANN POV'S Grabe, ang hirap ng buhay kelan kaya kami yayaman. Simula ng namayapa na sila mama at papa kami na lang ni Lei ang naiwan. Kinakaya ko naman buhayin si Lei sa kakarampot na kinikita ko bilang tindera sa bakery pero minsan, sobrang hirap na talaga. Hirap maka diskarte, paano ba kasi makakahanap ng mayaman na malapit ng mamatay. "Teh? tara gala tayo libre ko." masiglang sabi ni Lei. "Oh san mo naman nakuha yan? ikaw talaga." "Alam mo na te, naka diskarte eh may amerikano akong Costumer kanina malaki ang datung kaya eto tiba tiba tyaka para mabawasan naman yang stress na iniisip mo nakakawala ng ganda yan." pagbibiro ni lei. Pumapasok ang kapatid ko sa bar or club, paikot ikot sya kapit patalim talaga kung tawagin. 29 na ako si Lei naman 23 palang. Hindi kami parehas ng trabaho ni Lei, ako nagtitinda ako sa bakery minsan naman nagha hanap din ng raket, pero iba ang raket na hanap ko. Ang gusto ko, makahanap ng matandang mamamatay na HAHAHAHA masama man pero kailangan kesa mag antay ako na gumapang kami sa hirap. Si Lei naman literal ang raket nya 10k kada'gabi kapag may costumer sya, hindi ko na sya binabawalan don hanggang sa mabubuhay kami tatrabahuin namin ang dapat trabahuin. "Teh, eto nga pala regalo ko sayo alam ko namang paborito mo ang black dress eh ayan bagay yan sayo, malay mo may makuha pa tayo sa pupuntahan natin, sayang pera." naka ngising sabi ng kapatid ko. Hanga ako sa kapatid ko na to kasi kahit anong hirap ng buhay hindi nya ako iniwan at patuloy syang lumalaban, yung iba kasi tinatapos ang sarili nilang buhay kesyo di na daw kinakaya. Ayoko naman na humantong kami sa ganoon ng kapatid ko. Di bale na lang. Agad na kaming tumungo sa bar na sinasabi ni Lei, naupo kami sa isang sulok at nag umpisa ng mag inom, gusto ko lang sana mag relax pero may lumapit samin ni Lei. "Hi girls, kayo lang ba dyan?" "Ahh yes bakit?." "Baka gusto nyong sumama samin ng mga friends ko? By the way my name is Rio and you are?" "Ann and she is Lei sister ko." malamig kong sagot. "Sure why not? sunod nalang kami dun rio." bungisngis na sagot ni Lei. Si Lei madiskarte pero pag pogi kahit walang pera go lang ng go, naghahanap pa din kasi sya ng magiging boyfriend sa kabila ng sinabi ko sa kanya na mahihirapan sya lalo na kung ganyan ang trabaho nya. "Tara na teh pogi naman yung Rio eh dali na." malamlam na tingin at malambing na tinig na ika ni Lei. "Ano pa bang magagawa ko? ikaw na yan sana mag success ka." pang aasar ko. Agad na kaming pumunta sa table nila Rio at duon namin nakilala si Micah, okay naman sila kausap mababait at marunong makisama hanggang sa dumating ang dalawa pa nilang kaibigan na nakilala namin na sila Drake at Paulo. May itsura si Paulo pero halatang babaero mabilis akong maka amoy sa lalake halatang kama lang ang habol sabay takbo, samantalang si Drake naman tahimik at halatang hindi sanay sa mga ganito. Ang gusto ko sa lalaki yung tahimik tapos pag nagtagal nag mimistulang halimaw na kumbaga, yung bastos pero maginoo at nakikita kong kuhang kuha ni drake lahat ng hinahanap ko. Ang kaso lang mukhang baby boy, batang bata ni hindi ko nga alam kung nakahawak na ba to ng babae. Nagtuloy tuloy ang inuman, pagkakakilala, kamustahan at kwentuhan. Sobrang solid nila kasama halatang masaya sa buhay at halatang mga mayayaman, sa tingin ko may mabibingwit si Lei dito. "Lei mag c'cr muna ako." "Teh sama ako. Excuse muna guys ha cr lang kami." pagpapa alam ni Lei. "Go lang." sagot naman ni paulo sabay kindat kay Lei. Nang makadating na kami sa cr agad kong tinanong si Lei kung may napala na ba sya sa pagsama sa grupo ni Rio. "Oh kamusta may mahahatak ka ba sa mga yan?" "Oo teh okay sana si Rio kanina kaso parang jowa nya yung micah, tapos si Drake naman oks din kaso virgin auto pass, bali si Paulo na lang teh mukha namang mayaman at may ibubuga sa kama HAHAHAHA." hagikhik ni Lei. "Eh mukhang babaero yun sure ka ba sa desisyon mo?" pagtatakang tanong ko. "Di ko naman sinabi te na seseryosohin ko pero depende nakaka kilig kaya yung bad boy matuturuan mong maging good boy like parang come to mama dear, halaaaa te kilig." "Gaga anong come to mama eh patpatin ka buti na nga lang may hubog yang katawan mo kung hindi mukha kang pinagdamutan ng feeding program nung elementary." pang aasar ko kay Lei. Payatot kasi talaga si Lei hindi biniyayaan sa hinaharap pero bawi naman sa kurba at sa pwet kaya okay na din pero kung wala sya non mukha syang adik sa kanto namin, sa totoo lang. "Balaka ngajan te porket biniyayaan ka ni lord ng ganyang kalaking pangarap gumaganyan ka na! Eh bakit kasalanan ko bang tulog ako non?." inis na sagot ni Lei. "Bakit ka kasi tulog nung nagpaulan ng dibdib? Katamaran mo yan pwet lang sinalo mo dati ka bang bibe? de jk." Bugnutin talaga si Lei pag dating sa asaran talo sya sakin buti na lang talaga hindi sya maoy sa inuman kung hindi malaking problema to. "Sige na teh balik nako dun." pagpapa alam nya. "Sige sige mag yo-yosi muna ako balik ako pagtapos." Dumiretso na ako kaagad sa area ng yosihan wala din akong makitang pwedeng trabahuin dito. Mukhang mag eenjoy na lang talaga ako ngayong gabi tyaka na uli iisipin yang lintek na pera na yan. "Bwiset talaga di ko na alam san pa kukuha para bukas." mahinang bulong ko habang humihithit ng sigarilyo. Natigilan ako sa pag hithit ng biglang bumukas ang pinto at tumambad sa akin si Drake. Nag yo yosi din pala to kala ko Good Boy lang eh. Nagulat ako kasi nakatulala lang sya sakin. Di nga ako makahanap ng matandang mamamatay ngayong gabi pero parang makakahanap ako ng binatang pasok sa standards ko. Di naman sa pag aano pero mahilig ako sa bata maliban sa fresh gusto ko yung innocent type sila kasi yung tipong anghel sa panlabas na anyo pero may tinatagong kademonyohan sa loob. "Oh baka matunaw na ako nyan bata." pagbibiro ko sa kanya. Naka kwentuhan ko si Drake at based sa pag o-observe ko sa kanya mukhang malaki ang biceps nya at mukhang pumapalo sa 6 pack abs yung mga nakatago sa polo nya. Halatang halata ko na nahumaling sya sakin ang tanong nalang, kung may issue ba sya pagdating sa age gap. "Drake i have a question naniniwala kaba sa age doesn't matter?." mahinang tanong ko "Ha? a-ah eh oo wala naman sa edad yan." tipid nyang sagot "Nasaan? nasa performance?" pagbibiro ko. Di nakasagot si Drake halatang hindi sanay sa gantong usapan. Good boy nga talaga pero mahahasa pa natin yan. Kuhang kuha mo ang gusto ko at sa tingin ko makukuha din kita kasi gusto ko. "Jk lang eto naman masyadong seryoso." pagbasag ko sa katahimikan "Pasensya kana ha, di ko lang nakasanayan yung ganyang topic busy din kasi sa work tyaka di ako gaanong nakikipag usap sa mga babae." paliwanag nya. "Bakla kaba?" diretso kong tanong. "Huh? hindi ah, busy lang talaga ako kasi sakin na iniwanan ni papa ang business namin at company so alam mo na, wala talagang time." ika nya. Mayaman check, matangkad check, matcho check, baby boy check pwedeng pwede talaga parang mas okay pa to kesa sa matandang mamamatay na. "Bat mo pala natanong about sa age?." "Ah wala naman may nakaka usap kasi ako na mas older sakin. As in older 29 palang ako diba then sya 50s na." Nakita ko ang pag ka bigla sa mga mata ni Drake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD