ANN POV'S
Alam kong nabigla si Drake sa mga sinabi ko about sa nakakausap kong matanda. Napansin ko kasing sunod sunod ang paghithit nya sa yosi.
"Oh relax kalang bakit parang mas ikaw pa ang na pressure HAHAHHAA." pagbibiro ko sa kanya.
"A-ah hindi naman wala to, hindi dahil dun dala lang siguro ng alak." nanginginig na sagot nya.
Alam kong nagsi sinungaling si Drake dahil hindi sya sanay sa mga gantong usapan mahahalata mo agad sa kanya kapag naiilang sya oh hindi okay sa kanya. Ang cute lang parang batang hindi pinayagan lumabas ng magulang.
"Oh sya mauuna na ako ha, maya maya uuwi na din kami ni Lei sunod ka nalang." pagpapa alam ko.
Agad nakong dumiretso sa kinauupuan namin ni Lei at nakita ko na naman ang kapatid kong kerengkeng. Aba, kanina kinikilig pa lang kay Paulo ngayon naka kandong na. Naka sunod naman sa akin si Drake.
"Lei andyan na ate mo." kabadong tinig ni paulo.
"Ano ka ba? okay lang yan kay ate sanay yan sa pag ka ganto ko. Diba ate?." ika naman ni Lei.
Hindi na ako sumabat at nag smirk na lang may magagawa pa ba ako dyan. Hindi naman yan bata para hilahin ko, nasa wastong gulang na din sya at alam ko naman na alam ni Lei ang mga gagawin sa ganyang sitwasyon.
"Oh pano mga pare, uuwi na din kami ni micah ala una na eh may pasok pa bukas." pag papa alam ni Rio.
"Sige sige kami din uuwi na, mag aasikaso lang ingat kayo." sabi naman ni drake.
Nag pa alam na din kami ni Lei para makauwi na, hindi na kami nagpa hatid dahil ayokong malaman nila kung saan kami nakatira. Baka sabihin pang Gold digger kami which is true HAHAHAHA mahirap ng hindi mai panalo ang larong sinimulan ni Lei baka magkanda letche letche pa.
"Oh sya Drake, Pau uuwi na kami salamat uli."
"Bye na baby boy text na lang ha. Bye drake." paalam naman ng kapatid ko.
Agad naman kaming nakauwi ni Lei ng ligtas, sanay na din kaming umuwi ng madaling araw kaya walang problema. Pag dating namin sa bahay ay nag bihis na ako agad upang makapag pahinga. Si Lei naman abot ang ngiti na akala mo na bembang ng sampong beses ni paulo.
"Huy para kang loka loka dyan nababaliw kana ba? tawa ka ng tawa dati ka atang adik eh." saway ko kay Lei.
"Ang kj mo ate eto naman di ka ba masaya na happy ang lil sister mo, like para akong nasa rainbow nag fly fly lang sa saya." bungisngis naman ni Lei.
"Pinagsasabi mong fly fly? High ka ata eh. Matulog ka na nga Lei jusmiyo ka."
"Basag trip ka talaga teh pero may chika ako teh."
"Ano na naman yun?"
"Diba teh naka kandong ako kay baby boy paulo, like teh hantigas naramdaman ko yun feel ko its so big na pereng hende ko kaya."
"Gaga buto buto kalang kaya ganyan nararamdaman mo tyaka anong di mo kaya, e sumusubo ka nga ng buong Hungarian Sausage sige nga? Wag kang oa dyan."
"Lohh si ate parang pinanganak sa mars di ka ata galing sa earth eh? Pinaglihi ka talaga sa sama ng loob teh, kaya akala tuloy ni baby paulo masungit ka."
Madalas talaga akong mapagkamalang masungit, dahil siguro sa awra ko tyaka sa dark make up ko. Hindi kasi ako mukhang soft girl ayoko ng ganon, piling ko ang cringe parang si Lei. Ang oa minsan kaya di ako fan sa mga ganyan.
"Anyways teh eto pala oh number ni Drake binigay ni Paulo kanina." habol na sabi ni Lei sabay abot sa papel.
"Txt mo daw teh baka sakaling magpa binyag sayo yang Drake HAHAHAHAHA." bulyaw ni Lei sabay pasok sa kanyang kwarto.
Anong ako magbi binyag? newborn baby ba yan? Di pa ba catholic? anak ng tokwa. Tiningnan ko ang number, aminado naman ako na willing pa din akong makita or makasalamuha ulit si drake why not, he's hot naman tangalin lang talaga natin yung hiya sa katawan nya. Nag txt ako sa kanya para magpasalamat and akala ko hindi na sya mag rereply mukha na kasi syang bangag kanina.
"Hey its okay nag enjoy din kaming kasama kayo sa uulitin ulit Ann."
"Eh sakin dika nag enjoy na kausap ako?"
"Yeah maganda ka din kausap and about pala kanina dun sa topic mo sorry ha di ko talaga alam ire response ko eh, dala siguro ng alak. If ever you have time coffee tayo or what para mapag kwentuhan natin yan. Goodnight have a sweet dreams Ann Tnx ulit!."
"Goodnight Drake Thankyou."
Naks nag aaya ng coffee. Maganda ang takbo ng pag uusap namin ni Drake Mukhang umaayon samin ang tadhana. Kung kay Drake wala nakong problema dito naman sa matandang to meron, antagal magbigay ng allowance jusko alanganin na naman kami ni Lei bukas.
!KINABUKASAN!
(kring..... kring....)
"Lintek na ang aga naman sino ba tong tumatawag?!."
Nang buksan ko ang cellphone ko nakita ko kung sino ang tumatawag ng 7am.
(Asukal de'papa)
Agad ko itong sinagot baka sakaling mag bibigay na ng allowance. Pag thunders na talaga maaga ng gumising eh para healthy.
(Phone Call)
"Hello Babe, yes why? kakagising ko lang."
"Hi Sweety busy ka ba ngayon, kung hindi maaari ka bang pumunta sa bahay, ipapakilala na kita sa anak ko at may mga aayusin na tayong papers para sa kasal natin."
"Huh? bakit napa aga babe, akala kopa naman sa christmas pa to?"
"Babe lumalala na kasi ang sakit ko, para naman makilala ka na din ng anak ko eh balang araw ikaw ang tatayong ina sa kanya diba. Mag ayos kana at mamaya ipapa sundo na kita sa mga bodyguard namin."
Agad na akong tumayo at nag ayos hindi naman pwedeng hindi ako magustuhan ng magiging stepson ko lalo na kung bata pa ito. Kailangan maging disenteng step mom tayo sa paningin nya. Mabait talaga sakin ang tadhana, yung naghahanap lang ako ng mamamatay na, mukhang maaga pang ibibigay sa akin ni lord.
After kong mag ayos ay sinilip ko muna si Lei tulog pa ang maharot kong kapatid napapanaginipan pa ata si Paulo. Agad na akong lumabas ng bahay at nakita ko na nag aabang na nga sa akin ang bodyguards nya. Ang ganda ng sasakyan halatang mayaman talaga.
"Konti na lang Lei aahon na tayo sa hirap." bulong ko sa sarili ko.
Ramdam kong konting konti nalang matatapos na ang problema na dala dala namin ni Lei. Ilang oras na lang makaka alis na kami sa maliit na apartment na to, Maaayos ko na din ang buhay ni Lei at maibabalik sya sa kanyang pag aaral. Kung sa anak naman ng matandang yun wala namang kaso, willing akong alagaan sya kapalit ng yaman ng tatay nya. Di pa naman ako ganoon kasama para tangihan sya.