Babaing Nakakahonni Gladz as GSGSa mundong puno ng misteryo at kababalaghan. Kailan kaya mauunawaan na iba-iba tayo ng pinaniniwalaan? Sa masukal na daan ng Sta. Catalina, matatagpuan si Diana. Isang babaing puno ng tigyawat ang pagmumukha, may kahabaaan ang buhok at mala-maskuladong mga braso. Isa siyang gangster sa kanilang lugar. Madalas siyang laitin ng kaniyang mga kapit-bahay dahil mapagkakamalang multo siya kung siya ay dumaraan. Kaya sa tuwing siya ay hahawakan ng iba ay agad niya itong binabalibag o kaya binabalian ng braso. Masipag siyang babae at matalino. Araw-gabi ay pinagsasabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho sa isang restaurant sa may Ermita, 'di kalayuan sa kaniyang tirahan. Mabuti na lang at may tumanggap sa kaniya kahit ganoon ang kaniyang hitsura. Sa mundo kasi ngayon na mapanghusga, laging ang tinitingnan na lang ang pisikal na anyo, balewala na ang gandang tinatago. Halos ibaon mo na lang ang sarili sa kahihiyan kung ikaw ay pagtawanan. Sa isip ni Diana, bakit siya mahihiya? nagtatrabaho siya nang marangal kahit mga pinggan at baso lang ang kaniyang kasama sa hirap at ginhawa. Ginagawa niya iyon upang mabuhay at ibigay ang lahat para sa natitira pa niyang kapatid. Wala na siyang mga magulang, tanging kapatid na lamang ang mayroon siya. Minsan, gusto na niyang magpakamatay, bumigay dahil parang sumpa ang kaniyang kinalalagyang buhay. Isang araw, madali niyang natapos ang kaniyang trabaho. Namasyal siya saglit at may nadaanan siyang isang matandang babae. "Nais mo bang malaman ang iyong kapalaran, ineng?" sambit ng matanda."Gusto ko lang pong malaman kung isinumpa ba talaga ako upang maghirap?""Ibigay mo sa akin ang palad mo upang makita ko ang nakaraan mo."Inilahad nga ni Diana ang kaniyang palad. Biglang umitim ang mata ng matanda matapos hawakan ang kamay ni Diana."Isinumpa ka nga, Ineng. Hindi lang ikaw kundi ang buong pamilya mo dahil sa inggit"."Inggit? Paano e, hindi naman ako maganda? hindi kami mayaman at lalong walang kaiinggitan sa amin!" Pailing-iling kong sabi."Hindi mo alam, isang modelo ang ina mo noon, maganda at sexy. Hinahabol siya ng kaniyang mga manliligaw pero isa lang ang nakapagpaibig sa kaniya. Iyon ay ang iyong ama. Dahil din sa nangyari, kaya isinumpa siya ng isang babaing may gusto rin sa iyong ama, naiinggit ang babaing iyon sa iyong ina kaya isinumpa kayong lalayuan ng mga tao at maghihirap.""Ano po ang pwede kong gawin? Upang mawala ang sumpa?""Kailangan mong pumasok sa mahiwagang closet na matatagpuan sa kwarto mo. Doon mamatay ka sandali, mga tatlong araw pero mabubuhay ka ulit at sa pagbabalik mo, aayos na ang lahat"Naguguluhan man ay sinubukan nga ni Diana na ipasok ang kaniyang sarili sa loob ng mahiwagang closet. Biglang naglaho na parang bula si Diana. Lingid sa kaalaman ng kaniyang kapatid ang kaniyang desisyon na pumasok sa ibang dimension. Lumipas ang tatlong araw, nakabalikakabalik na nga ang bagong Diana. Mas matapang, mas maganda at mas hahangaan ng iba pero may kapalit pala ang lahat. Natagpuan niyang duguan at wala ng buhay ang kaniyang kapatid, na ngayon ay minumulto siya.