Pangitain sa Panaginipni Gladz as GSG Hindi ako ordinaryong nilalang. Bata pa lang nabiyayaan na ako ng kakayahang makakità ng multo, maligno, engkanto, duwende at iba pang lamang lupa. Noong una, hindi ko lang pinapansin kasi akala ko, normal ako. Kinakausap ko naman ang mga bata, nakikipaglaro sa kanila at masayahin din. Ngunit di ko napapànsin habang ako'y lumalaki, nagkakatotoo ang aking mga sinasabi. Kapag sinabi kong, mamamatay siya, kinabukasan wala na nga, patay na. Medyo natakot ako sa aking sarili hanggang sa nanaginip ako, na huwag ko raw ikatakot iyon dahil bago pa man mangyari ang isang bagay malalaman ko na agad. Isang pangitain ang aking natatanaw kapag nakatutok ako sa kisame. Kagaya na lamang ng mga paglubog ng barko, pagkahulog ng eroplano at pagdating ng bagyo. Lahat iyon nakita ko. Gising man o tulog paulit-ulit na rumerihistro sa utak ko. Pinagsabi ko iyon sa malalapit sa akin, upang maging handa sila sa sakuna pero di sila nakinig, bagkus malutong na tawa ang kanilang pinakawalan,nakakabingi na para bang isinisigaw nila na ako ay nababaliw na. Hinayaan ko na lang, inayos ko mga gamit ko nun para maisalba sa bagyo. Dumating nga ang bagyo noong 2012. Ako naman ang tumawa sa kanila.."O, ano kayo ngayon? ako pa talaga ang baliw?" Hahaha. Simula noon, nirerespeto na nila ang mga sinasabi ko. Kaya maraming natatakot siguro sa akin kasi masama ako magalit. Naalala niyo pa ba? Iyong fallen 44? Ako rin ang nakakita sa pangitaing iyon. Kasi paulit-ulit kong napapanaginipan ang bakbakan, mga sundalo at mga pagsabog. Pagkagising ko, kahit sa orasan nakikita ko, 44. Kahit sa building ng ospital na pinuntahan ko para magpamedical, room 44 ang nakita ko, pati nung kukuha na ako ng board exam, 44 ang priority number ko. Naguguluhan pa ako nun kung bakit yun iyong lagi kong nakikita? Hangang sa napanood ko na lang sa telebisyon na may namatay at 44 ang bilang ng mga sundalong namatay. Doon ko nakumpirma na kakaiba ako. Na may misyon ako. Iyon ay ang magsalba ng mga tao? Pero paano? Malayo sila. Maniniwa kaya sila kapag sinabi kong bukas ang kamatayan mo? Di ba hindi? kaya mas pinili kong manahimik. Sarilinin ang problema pero pinipiga ang puso ko kapag wala akong nagagawa para iligtas sila. Kagaya na lamang noong criminologist na kaibigan ko, hindi ko rin siya nailgtas. Iyon ang bagay na hindi ko nakalimutan hanggang ngayon. Oras ng klase ko at may demo ako pero kahit may demo ako, naalala ko iyong kaibigan ko kasi nanaginip ako na maaaksidente siya kaya mas pinili kong hagilapin siya sa klasrum niya. Ngunit di ko siya natagpuan, di ko siya nabigyan ng babala na huwag gagamit ng motor niya. Nanlumo na lang ako kinabukasan nang may narinig akong, namatay na estudyante ng crim. Naisip ko agad siya. Sabi ko, sana hindi siya ngunit nabigo ako. Si A...ba ? type ko sa text. Naglandas na ang luha ko nang nagreply ang classmate ko, 'Oo, naaksidente siya habang hinahatid ang girlpren niya kagabi pero ikaw ang sinasambit niya.'