Propesiya Pawisan na nagising si Angela dahil sa kaniyang masasamang pangitain.Binanggit kasi sa kaniyang panaginip na magkakaroon ng gutom at sakit ang buong mundo. Hindi niya maipaliwanag ang kaba sa kaniyang dibdib."Diyos ko, tulungan mo kami!" Iyon na lang ang tanging nasambit niya."O, anak gising ka na pala. Magkape ka muna."Napansin ni Aling Delia na tulala si Angela."Anak, anong problema? May gusto ka bang sabihin?""Nay, kailangan po nating maghanda, may paparating na krisis.""Anong gusto mong gawin natin?" "Kailangan nating mag-imbak ng pagkain at mag-ipon ng pera.Kasi kapag dumating iyon, tiyak mahihirapan tayo."Kabisado na ng ina ang sinasabi ng anak dahil napatunayan na rin nito noon, iyong pagdating ng bagyo sa lugar nila. Kaya simula, nang magbigay babala si Angela.Todo na ang pag-iipon ni Aling Delia kahit siya ay isa lamang labandera.Patay na ang tatay ni Angela kaya dalawa na lang silang mag-iina ang magkatuwang.Lumipas ang isang buwan. Dumating nga ang kaniyang kinatatakutan.Isang virus ang dumating sa Pilipinas galing China.Mabuti na lang at nakinig si ina, sa isip-isip ni Angela.Ngunit nag-aalala siya sa nakararami. Kinuha niya ang kaniyang selpon, sabay tingin sa f*******:. Nagtipa siya at kinamusta ang mga kaibigan niya at ang iba pang kakilala.Naglagay din siya ng caption na: "Mag-ingat at huwag nang lumabas ng bahay."Ilang segundo lamang, marami na ang reactions at mga komento."Lalabas pa rin kami, paano kami mabubuhay?""Magugutom kami, kapag nanatili sa bahay."" Walang makakapigil sa amin.""Basta ako, pupuntang mall pa rin!", saad pa ng isa niyang kaibigan sa post.Napailing-iling na lang si Angela sa kaniyang nababasa. Dapat sana nasabihan niya ito nang maaga. Ngunit mukhang huli na. Ilang araw pa, nabalitaan na marami nang namatay at ang iba ay isinugod sa ospital. Halos hindi na magkamayaw ang mga tao sa kanilang barangay. Nalilito sa kung ano ang solusyon.Mabuti na lang at may dumating na face mask at alcohol na bigay ng mga may mabubuting puso. Gamitin daw ito palagi."Nay, di pa rin tayo pinababayaan. Mahirap man tayo pero ang mahalaga nagsumikap tayong mabuhay at naging handa sa kung anumang pagsubok.""Matatapos din ito anak, at kapag nangyari iyon...Ipapakita nating walang kahit anong virus ang tatalo sa Pinoy!""Tama po kayo, Inay. Manalig lang tayo sa Maykapal at sumunod sa ipinatutupad ng mga eksperto at Pamahalaan, tiyak ayos na ulit ang kapaligiran."Anim na buwan ang lumipas, maayos na ang lahat. Nakaligtas ang may malalakas ang resistensya at iyong mga taong nanatili sa bahay nila pero nasawi ang mga natamaan sa labas ng COVID-19.Nasabi na lang ni Angela, "Simula ngayon. Tutulong na ako na mapanatili ang kalinisan dito sa Barangay Talisay at bibigyang babala ang mga taong matitigas ang ulo.""Ngayon ang unang araw ng pagbabago, sana ganoon rin ang takbo ng utak ng mga tao," sabat ng ina na nasa likuran niya."Maki-alam sa nagaganap. Huwag maging bulag sa katotohanan. Patuloy na magsikap habang walang unos. Upang maging handa sa lindol na paparating..."Nakita kong muli habang nakapikit ang aking mga mata.-Note: Pwede basahin o i-share pero huwag kokopyahin nang walang pahintulot sa may-ari.