Chapter 7 : Acceptance

1362 Words
Maulang Gabi ng Mayo, 1868 Humandusay sa putikan si Graciella upang abutin ang kamay ng naghihingalo niyang kasintahan. Hinawakan niya ang nakatikom nitong palad at hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Naghahalo ang mabilis na daloy ng tubig-ulan mula sa kanyang buhok at ang walang puknat na daloy ng kanyang mga luha habang pinipisil nito ang kamay ni Miguelito. Bahagyang gumalaw ang mukha ng kanyang kasintahan at tumitig sa kanyang mga mata. Pagkatapos ay ngumiti ito at nagsalita. “Gil…giliw ko… Uhhh… Alag..gaan mo ang iyong…s..sarili… Ta…tatawir..rin… ko ang… ang… ughh… kabilang buhay… mahanappp… lang…lang kita… PANGAKO… HAHA…NAPIN KITA… HANGGANG…SA…KAB…KABILANGG…BUHAY….” At tuluyang pumanaw si Miguelito. Naramdaman ni Graciella na wala ng init ang palad ni Miguelito. Binuksan nito ang nakatikom niyang palad at may hawak itong kakaibang bagay… Parisukat ang hubog at binalot ito ng kulay ginto na bakal. Hindi alam ni Graciella noon kung ano ang bagay na ito ngunit tumatak sa kanya ang nakaukit na mga salita sa bagay na iyon—TILL THE END OF TIME. Nang mapagtanto ni Graciella na wala ng buhay ang kanyang kasintahan at matalik na kaibigan na parehong nakadapa sa kanyang harapan ay para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig. Gumagalgal ang kanyang panga at tumingin sa madilim na langit upang salubungin ang hagupit ng ulan. Pagkatapos ay nagpakawala ito ng malakas na malakas na sigaw at hagulgol na umalingawngaw sa buong paligid. “WAAAAAAAAAHHHHHHH…AHHH….AHHHH…AHHHH!!!” Umiyak si Graciella na sinukuban ng matinding pagdadalamhati. Nilamukot niya ang suot niyang baro sa tindi ng sakit na kanyang nararamdaman sa puso. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang mukha upang tignan ang kanyang kapatid. Kitang-kita nito ang magkahalong pagluha at pagtawa ni Leonora habang siya din ay nakaluhod sa lupa. Nagmistulang parang baliw si Leonara sa kalye. Umaagos ang kanyang luha sa kanyang mga mata ngunit hindi niya mapiligan ang malakas niyang pagtawa. Nang mahimasmasan na ito ay muli niyang inabot ang bayoneta sa kanyang nanlulumong kamay. Tumingin siya kay Graciella at nagsalita. “Hanggang sa huling sandali… Hanggang sa huling sandali, Graciella! Ikaw pa rin ang nagtagumpay!” “Ano ang dahilan ng pagkamuhi mo sa akin, aking kapatid??? Minahal kita ng buong puso ngunit ito ang iyong sinukli!” “Kulang ang salitang pagkamuhi sa poot na aking nararamdaman sa iyo, Graciella! Inagaw mo ang lahat sa akin! Pumanaw ang ina nang ika’y ipinanganak! Nagbago ang pagtingin ng ating ama sa akin nang ikaw ay lumalaki na! Kinuha mo ang paghanga ng ating mga manggagawa na minsan ay aking tinatamasa! At ngayon! Ngayon!!! Pati ang puso ni Miguelito na matagal ko nang iniibig ay si sinungkit mo rin!!! Kulang pa ang buhay mo bilang kabayaran sa lahat ng aking dinanas mula nang ikaw ay dumating, Graciellaaaa!!!” “Kapatid ko!!! Kusa mong inilayo ang iyong sarili sa ating ama pati na rin sa aming mga humahanga sa iyo!!! Sa kabila ng hindi kanais-nais mong pakikitungo sa akin ay hindi ako tumigil sa paglapit sa iyo!!!” Tumawa ng malakas si Leonora at itinutok ang baril kay Graciella. “Hayaan mong ibaon ko ang pagdadalamhating sumasakal sa puso ko ng napakatagal na panahon sa paglaho mo. PAALAM, GRACIELLA…” At ipinutok ni Leonora ang hawak niyang bayoneta. --- Mayo, 2024 Sumubsob ang katawan ni Gigi sa semento nang biglang nanumbalik ang kanyang ulirat sa kasalukuyang panahon. Tumilapon ang kanyang bag at iginapang nito ang kanyang mga kamay upang buksan ito. Nakita siya ng ilang mga taong dumadaan at kumaripas ang mga ito para siya ay tulungan. Tinanong siya ng mga ito kung ano ang kanyang nararamdaman ngunit hindi ito sumasagot. Hinablot niya ang kanyang cellphone at i-dinayal ang numero ni Allie sa kabila ng panginginig sa katawan. “Oh, Gigi. Gabi na ah… What’s the matter?” Sagot ni Allie sa kabilang linya. “Allie… Allie... S&R…” Nasabi ni Gigi bago ito mawalan ng malay. --- Naalimpungatan si Gigi sa tunog ng tila pabalik-balik na pagyapak ng mga tao sa kanyang kinaroroonan. Binuksan niya ang kanyang isang mata at nasilaw sa malaking glass window sa paanan ng kanyang kama. Itinaas niya ang kanyang kamay upang maharangan ang sinag ng araw at nakitang nakahawi ang mga eleganteng kurtina sa glass window. Umupo at napahawak sa kanyang ulo dahil kumirot ang sugat nito. Pinagmasdan niya ang buong silid at napagtantong moderno ang mga dekorasyon at istilo ng pagkakagawa nito. Bumukas ang pintuan ng silid at nakita sina Allie, kasama ang ilang kalalakihang binibitbit ang kanyang mga gamit mula sa kanyang lumang bahay. Napatingin si Allie sa kanya at binitawan ang dalawang maleta na kanyang hawak-hawak. Lumapit siya sa kanya at dinuro-duro ang kanyang noo. “That’s it!!! Dito ka na titira sa unit na ito at sabay tayong papasok at uuwi sa trabaho. Lalabas ka ng kasama ako at hindi ka pupunta kung saan saan! Tatanda tayo ng magkasama hanggang sa isa sa atin ang matsugi! No complaining! End of conversation!” Tuloy-tuloy na sambit ni Allie na tila pinapagalitan ang kanyang kaibigan. --- Hawak-hawak ni Graciella ang tasang may mainit na kape na binigay sa kanya ni Allie. Pinagmasdan niyang muli ang unit at talagang humahanga ito sa mga makabagong kagamitan at modernong disenyo nito. Nagsasalita si Allie ngunit lumilipad ang kanyang isipan. Kumikirot sa sakit ang kanyang puso dahil kanyang mga ala-ala ng nakalipas. Unti-unti na niyang naintindihan kung ano ang sinapit niya sa kanyang nakaraan ngunit ang hindi niya mawari ay kung bakit muli siyang dinala ng tadhana sa modernong panahon upang bigyan siya ng pangalawang buhay. Nahihiwagaan ito kung bakit siya napunta sa katawan ng isang nilalang na ibang-iba ang hitsura kumpara sa kanyang nakaraan na tabas ng kanyang mukha at kung bakit siya nasa katawan nito. Kabisado niya ang ilang mga bagay na nakaugnay sa kanyang bagong pagkatao—ang kanyang trabaho, kaibigan, mga gamit sa kanyang kapaligiran at iba pa. Naipaling niya ang kanyang ulo ng patagilid nang maalala niya ang hawak ni Miguelito sa kanyang alaala. Pamilyar na sa kanya ngayon ang hawak ng kanyang kasintahan noon bago siya nalagutan ng hininga. Sinikap niyang itutok ang kanyang atensyon sa bagay na iyon at bigla siyang napatayo. Lighter! A gold-plated Zippo lighter! Naipukpok niya ang kanyang kamao sa mesa sa kanyang natuklasan at ngumiti ng maaliwalas. Sinapok naman siya ni Allie sa kanyang pagkabigla at nainis. “Were you even listening to what I was saying???” Nabubuwisit na tanong ni Allie sa kanya. Dahan-dahan siyang humarap sa kanyang kaibigan at nagbitaw ng mga salita. “Pangako… Tatawirin ang kabilang buhay… Ako, ngayong 2024… Lighter… That’s it!!!” Bulalas ni Gigi at niyakap ng mahigpit ang kanyang kaibigan. Nabigla naman si Allie sa kanyang ginawa at gulung-gulo ang isipan nito sa mga nangyayari. Napagtanto ni Gigi na kung nakabalik siya sa panahon ngayon ay siguradong sinundan siya ni Miguelito sa kasalukuyan. Hawak-hawak nito ang gold-plated na Zippo lighter na tiyak niyang hindi pa naiimbento noong 1868. Marahil ito ang naging mahiwagang daan upang sila ay muling ipanganak sa kasalukuyan at ito rin ang kanyang magiging simbolo upang mahanap nito ang katauhan ng kanyang kasintahan kahit na ito ay nasa ibang katawan at hitsura na. Ipinatong ni Allie ang kanyang palad sa noo ni Gigi upang ilayo ito sa kanyang katawan. “Earth to Gigi!!! Anong pinagsasabi mo? Naalog na yata ng tuluyan ang ulo mo, bes!” Nahihiwagaang sambit ni Allie. Tinitigan ni Graciella ang kanyang kaibigan ng may pagkinang ang mga mata. “Are you REALLY okay?” Tanong ni Allie. Napangiti si Gigi at tumango. Tanggap na niya ang kanyang bagong pagkatao. Hinawakan niya ang balikat ng kanyang kaibigan at nangusap. “Yes, Allie. I am PERFECTLY fine now. I will buy this unit and I will live here. I will continue my life, and THIS TIME, I will find the man for me and GET MARRIED!” Natutuwang sambit nito. Lumundag naman sa kinauupuan si Allie at iminuwestra ang mga kamay na parang yayakap sa kaibigan. “Oh my God, Gigi! Does this mean you are ready to fall in love? Like no more virgin v****a???” Tumango si Gigi at sinalubong ang pagyakap ni Allie. Sumigaw-sigaw sila sa tuwa habang tumatalon na paikot sa kuwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD