Chapter 4: Bakas ng Nakalipas

1436 Words
Parang ilog na rumagasa ang mga luha ni Gigi sa sandaling niyakap siya ng kahali-halinang babae sa kanyang harapan. Sa gitna ng maulap nitong pag-iisip ay tila nakaramdam ito ng pamilyar na init ng haplos mula sa isang matalik na kaibigan. Hindi niya maapuhap ang modernong istruktura ng apat na sulok na kanyang kinalalagyan ngunit ang yakap nito ang muling nakapanumbalik sa kanya ng kapanatagan sa kanyang damdamin. At sa hindi nito mawaring sitwasyon ay bigla niyang naramdaman ang presensya ng kanyang matalik na kaibigan “I…Ikaw ba yan… Luwalhati?” Nangangaralgal na boses nitong nasambit. Napanganga ang magandang babae sa kanyang harapan at binalot ng takot ang kanyang mga mata. Kumapit ito sa pisngi ni Gigi at inalog ang kanyang mukha habang lumuluha. “…Oh my God, Gi… What are you saying???” Natataranta nitong tanong sa kanya. Biglang tumirik ang mga mata ni Gigi sa sandaling dumampi ang palad ng babaeng ito sa kanyang pisngi at muli siyang idinala sa mga kaganapan sa nakalipas niyang buhay. --- Umuulang Gabi ng Mayo, 1868 Tumitilamsik ang putik sa saya ni Luwalhati ngunit hindi niya ito inalintana. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pagtakbo papunta sa mansyon ng mga Katigbak. Ngayon higit kailanman, kailangan niyang maibalita ang kanyang nakita upang masagip niya ang buhay ng kanyang amo at matalik na kaibigan na si Graciella. Bitbit nito ang kanyang saya sa walang humpay nitong pagtakbo kahit na unti-unti nang bumababa ang malalaking patak ng ulan sa kanyang nahahapong katawan. Sa isip nito ay wala siyang ibang hangad kundi ang mahanap ni Graciella ang tunay na kaligayahang kanyang nais na makuha, kaya itinulak nito ang kanyang sarili upang kaagad na marating ang silid ng kanyang amo at balaan sa nakaambang na panganib. Sa kanyang mabilis na pagtakbo ay biglang sumabit ang kanyang lumang suot na saya sa matulis na bato na nanging sanhi ng kanyang pagkasubsob sa namamasang lupa. "Ahhhhhhh! Mahabaging Ama!" Sigaw nito dahil sa galos na kanyang natamo sa braso nang siya ay mabuwal sa putik. Kahit maluha-luha ito ay pinuno pa rin niya ng lakas at determinasyon ang kanyang kalooban upang makatayo at matulungan ang kanyang kaibigan. --- Pagkatapos ng mabilis na pagsilay ng mga alaalang ito sa isipan ni Gigi ay muli siyang nakabalik sa kasalukuyang panahon bunsod ng pagyugyog ng babae sa kanyang mga balikat. "Gigi! Gigi! You're scaring me! What's happening???" Nag-aalalang sambit ng babae. Humigop ng hangin si Gigi at napatitig siya sa babaeng nakaluhod sa kanyang harapan. Hawak-hawak nito ng mahigpit ang kanyang mga braso. "Come back to me, Gi! Please!" Humahagulgol na sambit nito. Nilunok ni Graciella ang tila bumabara sa kanyang lalamunan at hinawakan nito ang ulo ng babae upang ito ay mapakalma. “Are you okay???” Muling usisa ng babae. Tumango ito at pinunasan ang kanyang mga luha. "Do you know me? Do you remember my name?” Malakas na boses nitong tanong sa kanya. Kahit na hingal na hingal pa si Gigi at naguguluhan pa sa mga nagaganap ay nagugunita niya ang pagkakakilanlan niya sa taong ito. "Allie... Alyana Del Valle..." Namamaos nitong tugon. "How about your name? Your age?" Sunod na tanong ni Allie na hindi pa rin lubusang kumbinsido sa kalagayan ng kanyang kaibigan. "Uhmm.. Gigi... Grace Lyne Smith... 30... Single..." Sumalampak si Allie at humagulgol. "Oh my God, you're okay na nga!!! You remember your whole name and your matandang dalaga status!" Umiiyak sa sambit ni Alie. Napangiti si Gigi sa tinuran ng kanyang kaibigan habang pinupunasan nito ang mga luha sa kanyang pisngi. --- “Miss Alie, this is remarkable! This is truly an extraordinary recovery! She just woke up today and showed no significant signs of neurological damage. This kind of recovery is incredibly rare and beyond what we could have hoped for. We'll need to do some further tests and rehabilitation to ensure she’s fully on the mend, but for now, this is nothing short of a miracle.” Masayang balita ng doktor kay Allie habang sinusuri nito ang paggalaw ng mga mata ni Gigi at ang sugat nito sa ulo. Nangingilid pa rin ang luha ni Allie sa galak habang minamasahe nito ang mga braso ng kanyang kaibigan. “Wala ka ba talagang natatandaan sa nangyari, Gi..?” Malumanay na tanong ni Allie kay Gigi. Pinagmasdang mabuti ni Gigi ang kabuuan ng kuwarto. Wala ni isang kagamitan dito ang ginagamit sa kanyang natatandaang nakalipas na buhay ngunit tiyak niyang alam niyang lahat ang nasasagap ng kanyang mga mata—ang humidifier, ang wheelchair, ang mga apparatus sa gilid ng kanyang kama, at iba pa. Tumingin siya kay Allie at nakaramdam ng paghihimok na magsalita. “Enlighten me, please…” Nasabi nito at bahagyang nabigla sa banyagang lenggwaheng kanyang ginamit ngunit alam nito ang kahulugan ng kanyang sinambit. Bumaba ang mga mata si Allie at naawa sa sitwasyon ng kanyang kaibigan. Idinikit nito ang kanyang mga hita sa kanya at ipinulupot ang kanyang kanang kamay sa braso ni Gigi. “Tatawid sana tayo ng daan sa harapan ng S&R para sumakay sa kotse ko nang bigla kang tumakbo palapit sa batang nasa gitna ng kalsada… Inabot mo ang kanyang katawan at itinulak palayo sa rumaragasang kotse at ikaw ang napuruhan… Bumangga sa katawan mo sa kotse at napatilapon sa sidewalk. Nabagok ang ulo mo sa metal stand ng signage at… yun… coma ka for a week… (muling umagos ang kanyang mga luha). A… ak… akala ko hindi… hindi ka na gigising… pero hindi ako sumuko… kasi ikaw lang ang tunay kong friend sa miserableng mundo na ito…” Pahikbing kuwento ni Allie. Pinikit ni Gigi ng madiin ang kanyang mga mata upang intindihin ang mga masalimuot ng nagaganap sa kanyang pagkatao. Sinubukan niyang hanapan ng pagkakatugma ang kanyang bago at hindi kilalang katawan sa kanyang mga pira-pirasong alaala sa kanyang lumang katauhan. Napahawak siya sa kanyang ulo nang kumirot sa sakit ang sugat na tinamo nito mula sa kanyang pagkaka-aksidente. Habang sila ay nakaupo sa kama ay biglang bumukas ang sliding door ng kanilang private suite kung saan siya inilagi ni Allie. “We’ve run all the tests and we’ve learned that you're in good health, Ms. Smith. While you’ll need some follow-up visits and possibly some outpatient rehabilitation to ensure a full recovery, you’ve made an incredible comeback. Take it easy, follow the discharge instructions, and know that we’ll be here to support you as you continue to heal. Deserve mo ang paggaling mo, Ms. Smith after saving that boy from imminent danger." Nakangiting sabi ng doctor. “Puwede na siyang lumabas, Miss Allie. Yung financial settlement sa cashier…” Dagdag ng doktor ngunit mabilis din siyang pinutol ni Allie sa pagsasalita. “Doc, ako na bahala. Mayaman ako at kaya naming magbakasyon dito hanggang 2026 kung gusto namin. Basta sooooobrang thank you! Thank you! Thank you!” Tumatalong tugon ni Allie habang inilalayo niya ang doktor kay Gigi. Sumenyas ito sa kanyang kaibigan na siya ay mabilis na babalik. Nang sila ay makalabas sa sliding door ay dahan-dahang naglakad si Gigi sa bintana at muling sinulyapan ang lugar kung saan niya nakita ang lalaking may bisikleta. “Hindi na ako si Graciella… Ako si Gigi… Grace Lyne Smith…” Bulong nito sa kanyang sarili. Tumingala siya at tumitig sa mga ulap. Itinaas niya ang kanyang kanang palad at hinaplos ang glass window na tila nais niyang hawakan ang bughaw na langit. “… Ngunit bakit ako naririto…? Anong nangyari sa akin…?” Tanong ng kanyang isipan sa kanyang sarili. Tumalikod ito at sumandal sa glass window. Muli niyang tinignan ang kanyang mga kamay at inobserbahan ang sarili. Bagamat nakikita nito ang mga manaka-nakang galos sa kanyang mga braso ay napagtanto nitong makinis ang balat ng kanyang bagong katauhan. Kulay tsokolate ang kulay ng kanyang maiksi at wavy na buhok. Naghanap ito ng salamin sa kuwarto upang lalo niyang matitigan ang kanyang kabuuan. Natagpuan nito ang pintuan ng CR at kanya itong binuksan. Doo’y natanaw niya ang isang malaking salamin at pinagmasdang mabuti ang kanyang sarili. Hinaplos niya ang napakakinis at mapupula niyang mga pisngi. Namagha ito sa kanyang sariling hitsura dahil sa angkin nitong kagandahan. Naroroon pa rin ang kanyang kulay kastanyas na mga mata ngunit mas bibilugin na ang hugis ng mga ito. Matangos ang kanyang ilong at may maumbok at kabigha-bighaning kulay mansanas na mga labi. Habang pinagmamasdan niya ang hubog ng kanyang katawan at hustong laki ng kanyang mga dibdib ay narinig nito ang boses ni Allie na tinatawag ang kanyang pangalan. Tumungo ito sa labas ng CR at nasilayan niyang nakangiti ang kanyang kaibigan. “Bes, I’ll drive you home.” Natutuwang sambit nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD