NANATILI akong nakatingin kay Mr. Avion Benavidez. Kabado at nawawala pa sa sarili dahil sa mga nararamdaman. Hindi ko mabasa ang kanyang iniisip at wala ring ekspresyon ang kanyang mga mata. “How are you feeling?” tanong niya sa akin. Napapiksi ako dahil hindi ko akalain na iyon ang kanyang unang itatanong sa akin. Iniyuko ko ang aking ulo at nahihiyang sumagot sa kanya. “O-Okay naman po.” Naalala ko ang ginawa niya kanina kaya inihabol ko ang pagpapasalamat. “Thank you po pala sa ginawa niyong pagpapatigil kay Mr. Maurice Riviere. Alam ko po na ginawa ninyo iyon para—” “I’m sorry.” Natigilan ako sa aking sinasabi nang bigla niyang sabihin ang dalawang salitang iyon. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at hindi mo siguro maipinta ang mukha ko ngayon sa sobrang gulat. Tama ba ang narini

