Muli namang akong sumandal at ini relax ang ulo bago muling humarap kay Kim. "Wait pala Kim." Agad naman siyang natigilan. Huminga pa muna ako ng malalim bago naman muling nagsalita. "May gusto sana akong itanong kaso medyo personal, pero sana ay masagot pa din." Sabi ko pa. Muli namang humarap sa akin si Kimberly at... "Hmm sound interesting huh. Then tell me Bossing, ano yon pala?" Sandali akong napa-isip. "Ganito Kim...Naranasan mo nabang mag cheat sa asawa mo dati?" Rektang tanong ko sa kanya. Walang kaligoy-ligoy. Tila nasamid naman siya sa tanong ko at tumawa. "Parang bigla naman akong nalagay sa hot seat Bossing dahil sa tanong mo uhh." Muli siyang tumawa. Napaisip ako at... "Ganon ba? Iibahin ko ang tanong... Ganito nalang....Paano ba mag cheat ang mga babae?" Seryoson

