POV of Dino Tanauan, Batangas "Psst, hoy Bogard, halika nga rito!" Malakas na bulyaw ko sa isa sa tauhan ko sa Paresan. Habang ako naman ay nakaupo sa isang maliit na mesa na nagsisilbing opisina ko na din at kaha din para sa mga pumapasok na benta. Mabilis naman itong lumapit sa akin at napapakamot sa ulo. "Tawag niyo po ako Bossing?" "Oo may ibang Bogart pa ba dito sa Parehan ha?" Nakakunot noong tanong ko pa sa kanya. Muli naman itong napangiti sa akin... "Wala na po Bossing, ako lang talaga." Sabi pa nito. "Tssss, minsan Bogart ano ka din eh., haist ka. Pasalamat ka at malakas ang benta ng Paresan ngayong gabi." Napapailing na sabi ko. "Oo nga Bossing, tingin ko ng umabot hanggang Taal Lake ang pila natin kanina e. Nako grabe talaga, halos kayod kalabaw kami kanina ayy, hindi

