Mabilis akong pumasok ng bahay at iniwan siya sa labas. At tila walang lakas na inilapag ang mga dala ko kong damit sa isang upuan sa kusina. Muli naman akong napahawak sa aking mukha. “Muntik na kami doon. Paano nalang pala kung hindi niya binuksan ang ilaw at hindi siya nagsisigaw kanina na parang ewan lang? Marahil ay huling huli niya kami sa akto ni Papa, habang may ginagawang milagro…” Napapahingang bulong ko pa sa sarili tsaka dumiretso sa lababo upang maghilamos. . . . “Taena naman oh, bakit mo ako iniwan don Clarisse?” sunggab pa niya sa akin matapos naman siyang galit na pumasok at padabog na isinara ang pinto. Huminga naman ako ng malalim at inirapan siya. “At ano paba kasi ang aasahan mong gagawin ko dapat sa labas huh? Kailangan bang pati sa pagpasok ko ay magpapa alam

