At mapamangha nalang makita ko ang laman ng brown envelope. Madami itong lamang bundle ng pera, mga blue bills to be specific. "S-Saan galing ito Dino?!" dudang tanong ko sa kanya. "Kay Papa galing ang iba niyan.. Pangsimula ko daw puhunan sa Batangas.." pagmamalaki niya. "Puhunan sa Batangas? Paanong puhunan?" napapakunot noong tanong sa kanya. Napangiti naman siya at buong pagmamalaking inilabas ito mula sa envelope. "50k bucks yan Babe. Pero gaya nga ng sabi ko ay hindi kay Papa galing lahat ng iyan." patuloy niya. Napatingin ako sa kanya, at sandali din tingnan ang mga mata niya. "Naguguluhan ako. Ano ba kasi? Pwede bang huwag installment ang pagku kwento?" napapailing na sabi ko. Napatawa naman siya sa sinabi ko. "Hay nako ang lakas pa din ng toyo mo, sa ibang Misis yan niyay

