Kinabukasan "Dino, kung hindi ka pa aalis ay ikaw na muna ang bahala sa mga bata... Pakainin mo din muna bago sila maligo. Nailuto ko na din ang breakfast niyong mag-aama at naka ayos na din sa mesa." Mabilis ang kilos ko habang nakaharap pa ako sa salamin at inaayos ang sarili. Naglagay din ako ng manipis na foundation makeup sa aking mukha, bago naman nag apply ng manipis na blush on at lipsticks. Inayos ko din ang kilay ko, bago naman muling bumalik sa sofa at kinuha ang aking bag. "Sige Clarisse... Mamaya pa naman alis ko papuntang Batangas. At ako na din ang maghahatid sa kanila sa school mamaya... Hayaan mo kapag nagsimula na ang negosyo ko sa Batangas ay hindi kana mahihirapan pa sa pagpasok ng maaga." Sabi pa niya tsaka naman yumakap mula sa likuran ko. Napahinga naman ako n

