11:30 AM Tila wala pa ako sa sarili ng makalabas ng mall matapos ko din namang muling makuha sa locker ko ang bag ko. Mainit din ang simoy ng hangin na tila tumutusok sa aking mukha at braso dahil na din sa tirik na tirik na araw. At marahil ay nasanay ang katawan ko sa malamig na centralized airconditioning unit ng Mall. Sandali pa akong napatingin sa paligid bago naman muling lumakad patungo sa carpark. At mapanatag ng matanawan ko ang isang familiar na kotse na ngayon ay naka park ng paharap mula sa nilalakaran ko. Agad naman itong bumukas ng makarating ako dito at pumasok na din naman agad. Sa takot din na baka may makakita sa akin... "Kanina ka pa ba Papa?" Agad na tanong ko sa kanya matapos ko namang makaupo passenger seat at isara ang pintuan nito. Sumilay naman ang ngiti sa

