Ginawa ko ito upang i-divert ang emotions niya, dahil na din sa pag irap niya kay Zumba Instructor na si Geof matapos namang rektahang magpakita ito ng attention sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba umiral ang pagiging byenang babae niya para sa akin? O may mas malalim pa siyang dahilan. “Ang Papa mo? Hmmm… Parang hindi mo naman kilala yong si Steven. Ayaw na ayaw ng mga social gatherings na kagaya nito kaya naman nandon siya sa kusina. At siya ang punong abala sa pagluluto ng mga special recipes niya.” Tugon naman niya. “Ayy ganon po ba Mama? Kaya naman pala hindi ko siya makita sa paligid. Gusto ko lang sanang mag bless po sa kanya bilang paggalang din sa Padre de Pamilya ng tahanang ito.” Sabi ko habang napapatingin sa kanya at ganon din naman sa Zumba Instructor na si Geof. Gwapo i

