At mabilis pa ngang mapaigtad ng biglang may tumapik sa balikat ko. "Haist, dito lang pala kita mahahanap Babe, pambihira... At ano ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong naman sa akin ng asawa ko. Habang nagsasalitan ang mga mata nito sa pagitan namin ng biyenan ko. Habang ngayon ay nakatayo pa din ako at nakaharap kay Papa. At tila natulala din at nabigla. "Magba banyo sana si Clarisse, dahil naiihi daw siya. Kaso ay tinawag ko muna siya para sana tikman niya ang niluto ko." si Papa na ang sumagot. At gumawa na din ng mga palusot para sa akin. Siguro ay napansin niya ang pagkalito ko, at kawalan din ng sarili upang masagot ng tama ang asawa ko. Kaya mabilis siyang sumagot para sa akin. Dahil, alam naman niyang hindi ako closed talaga kay Papa kahit sa simula. At nakakapagtaka din na

