"Masyado ka lang naging busy sa mga bagay na walang kwenta before, Dino. Kaya naman di mo namalayang halos anim na taon na kayong mag asawa nitong si Clarisse. At napaka imposible namang sa loob ng mahabang panahon na yon ay hindi ko makagaanan ng loob ng maganda mong asawa, tama?" Si Papa ang sumagot, habang ako naman ay nakamasid lang sa kanilang dalawang mag-ama. At makahinga din naman ng maluwag ng napakibit balikat si Dino at tumawa pa nga ng bahagya. Bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Papa. "Tama Pa, masyado akong naging busy sa barkada at pag inum. Kaya naman salamat Papa, dahil sa iyo ay magkakaroon na ng direction ang buhay ko at syempre ng pamilya ko." Sabi pa nito. Sumilay naman ang ngiti sa mga mukha ni Papa. "Mabuti kung ganon Anak, kaya naman pagbutihan mo para naman hin

