CHAPTER 1
CHAPTER 1
The Story to be Told page (1)
-
Nobody ever really knows how much anyone else is hurting. You can be standing next to somebody who is completely broken and you wouldn't even know it. – AZ
Posted
-
Happiness is greater than money – AZ
Posted
-
Money? I don't need one. Mas gusto kong mabuhay sa sarili kong pera at hindi umasa sa iba. Muli kong pinindot ang cellphone na hawak ko.
It’s been 4 years since I started writing my online diary. Well, I used to express my feelings in social media before I started to use this online diary application. It's a nice Diary app because no one will recognize you. I post everything I want here. May mga likes and comments pero hindi ko na lang pinapansin. I never tell this story to anyone to gain sympathy from them. I just want to share my feelings, my untold story.
I looked at the screen. This is my Secret Diary. All my pain, regrets and drama was written here. I don't know if someone was reading my story. The thing is, I don’t have someone that I can talk to. Wala na akong pakialam kahit ang cellphone ko na lang ang nakakausap ko sa nararamdaman ko.
Muli kong pinindot ang cellphone ko at hinanap ang gallery. Folder from another folder. Ganon naman pag may tinatago 'di ba? Tinatagong nararamdaman? Well, parang ganon na nga.
I smiled bitterly. I saw this person again. Nakasave ang pictures niya sa gallery ko and of course, sinigurado kong hindi niya mahahanap ang larawan na 'to.
"I'm so in love with you. Bakit ang hirap mong kalimutan?" Napangiti ako napatitig sa letrato na 'ming dalawa. Mga litratong ang hirap burahin. Ito na lang ang meron ako at ito na lang ang hawak ko.
Seven Years.
As in, seven years of relationship was not enough. Marami akong pinagsisihan sa relasyon na ‘min at marami akong gustong baguhin. Gusto ko ring bumawi sa kanya kahit pa walang kasiguradohan kung kami ba talaga hanggang sa huli. Well, sino bang nakakaalam sa magiging istorya nang bawat isa? Ikot at iikot ang mundo pero hindi mo malalaman kung anong magiging katapusan mo.
"Hey? What are you doing?" Agad kong binulsa ang cellphone na hawak ko at tiningnan ko si Elleb, my bestfriend and my untold story was all about her.
"It’s nothing." She rolled her eyes but I found it cute.
"'Wag ka kasing papaloko sa maling tao," how I wish maling tao nga siya. Sana nga maling tao siya. Sana ganon kadaling kalimutan siya. I just smiled to her saka ko siya inakbayan.
"Nasa tamang tao na kasi," saka ko siya tiningnan at saka ako nagpacute. I know she knew about how I felt towards her. Nothing change! Siya at siya pa rin naman ang mahal ko. Wala namang nagbago. Nakakilala nga ako nang ibang tao pero iba pa rin ang taong nakasanayan mo at alam mong mahal mo. Naalala ko pa nong pinayuhan ako ng tita ko na dun ka sa taong mamahalin at aalagaan ka.
'Walang nagbago,' Yun ang masakit eh. Walang nagbago at nanatili pa rin ako sa nakaraan. Mananatili na lang akong mapait na bahagi ng nakaraan niya. Alam kong isa ako sa mga taong ayaw niyang balikan at isa ako sa mga taong pinagsisisihan niya pero sana dumating ang araw na muli niyang mahanap ang daan papunta sa ‘kin, papunta kung saan kaming dalawa unang nagsimula.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya sa 'kin. Saan nga ba kami pupunta? Well, wala naman sana akong pupuntahan ngayon. Pag wala kasi akong pasok ay nasa bahay lang ako, minsan nanunuod ng TV at madalas naka harap sa laptop ko.
"Magpaprocess ako ng Death Benefit ni mommy. Gusto ko sana magpasama sa 'yo." Sabi ko at naglakad papunta sa kotse ko.
Sinulyapan ko siya likod ko para tingnan kung nakasunod ba siya pero nakita kong nakaharap na naman siya sa cellphone niya habang nakangiti. That was the most painful view I ever seen. Hindi ko man inaamin sa kanya pero nasasaktan ako. Alam kong alam niya 'yun pero mas pinili niyang hindi makialam sa nararamdaman ko.
"Bilisan mo kasi!" Inis na sigaw ko sa kanya saka niya pa inangat ang paningin niya sa 'kin. Nakita niyang nagbago ang reaksyon ng mukha ko. Ang kaninang masigla ay ngayon ay para bang pinagbagsakan ng langit at lupa.
Nauna akong sumakay sa passenger seat habang siya naman ay nakasakay sa driver seat. Hindi ako nagsalita at kunwareng naging busy sa pag-arrange ng mga papeles. Minsan sinusulyapan niya ako pero hindi ako nagsasalita. Naaasar ako pero anong magagawa ko? Hindi naman ako puwedeng magselos dahil matagal na kaming hiwalay. Ilang taon rin ang nagdaan bago muli niya akong pinansin. Dati kasi ay talagang bitter siya at para bang galit sa mundo sa tuwing nakikita niya ako.
Ako rin kasi 'yung tipo nang tao na hindi sinasabi ang nararamdaman ko hanggat kaya ko. Ganon naman talaga 'di ba? Matuto kang tiisin ang lahat nang mag-isa kesa umasa sa paglalambing ng iba na alam mong iiwanan ka rin pala.
"Hintayin na lang kita rito sa kotse," sabi niya nang marating na 'min ang opisina kung saan ko ipapasa ang requirements. The thing is, nasira na ang araw ko dahil alam kong ka chat na naman niya ang girlfriend niya.
Oh yes, I'm a girl do love girls. Well, not those girls with sexy body with a killer smile on their lips. I love boyish girls. Siguro baka may magtanong kung bakit 'yun ang gusto ko but I never question myself about it. Eh, sa 'yun ang gusto ko eh. Anong magagawa ko? That's me, Zoey Aragon.
Nang makabalik ako sa kotse ay hindi muna ako pumasok. Tiningnan ko lang si Elleb sa loob ng kotse habang nakayuko at halatang may ka text o ka chat na naman. Hinayaan ko lang na masaktan ang sarili ko habang nakatitig sa taong mahal ko na may mahal nang iba. Hindi ko to ginagawa para pahirapan ang sarili ko kundi gusto ko ako mismo ang tumigil para sa sarili ko. Gusto kong ibigay lahat, 'yung tipong wala akong ititira sa sarili ko.
“Hey?” tawag ko sa kanya nang makapasok ako sa loob ng kotse. Ngumiti ako sa kanya na para bang walang nangyari kahit sa kaloob-looban ko ay para bang gusto nang sumigaw at umiyak. Seven years was not easy. Marami kaming napagdaanan at marami rin akong naging kasalanan. I won’t blame her kung bakit naging ganito siya kalamig sa ‘kin ngayon. Hawak ko na siya noon pero tinulak ko lang siya palayo sa ‘kin.
“Let’s go?” I nodded. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag saka ko binuksan ang Secret Diary App ko saka sinulat ang mga hinaing ko. Psh! Hindi rin madali na wala kang nalalabasan nang nararamdmaan mo ‘di ba? Dati nga ay sinusulat ko lang sa notes ng cellphone ko lahat ng mga hinanakit ko pero nang nadiskubrehan ko ang secret diary na ito ay ito na ang ginagamit ko para mailabas ang nararamdaman ko.