CHAPTER 3

1523 Words
CHAPTER 3 ** ZOEY POINT OF VIEW ** Some people won’t love you no matter what you do. I can feel the gap between us. Having a mistake from the past was not easy especially if you are facing your mistake now. Dati iniisip ko kung bakit ko sinabi kay Elleb na mali ang relasyon na ‘ming dalawa. Dati lagi kong sinisisi ang sarili ko kung bakit hindi ako naging normal. Kaya rin siguro nagkamali ako, kaya rin siguro sinubukan kong maging normal tulad ng iba pero bakit hindi pa rin ako masaya? My friends, classmates and even my family told me that having a relationship with the lesbian is immoral. Sinasabi nila na ginawa ang babae para sa lalaki, na dapat ganito-ganyan. To be honest, apektado ako sa sinasabi ng iba kaya rin nagawa ko ang mag cheat kay Elleb noon. Don’t get me wrong. Elleb was kind, loving, caring and understanding person I ever knew. Actually, she’s my favorite person. Kaya nga nong nabuntis ako ay pinangalan ko sa kanya ang second name ng anak ko. Kung may naging kasalanan man ako, ‘yun ay hinayaan kong mawala ang taong mahal ko at mahal na mahal ako. Everything was perfect when I’m with her. Lahat ng gusto ko, lahat ng pag-aalalagang at atensyon na gusto ko ay nabibigay niya. For me, she’s perfect. Ngunit hindi naman lahat ay perpekto sa isang relasyon, di ba? ** FLASHBACK 11 Years Ago** “Avril Zoey!” galit na tawag sa ‘kin ni Elleb pero hindi ko pinansin ang galit niya saka ko inangat ang paningin ko. Nandito kami ngayon sa park at nakatambay lang. Well, we are high school at halos kadalasan ng mga classmates na ‘min ay nandito. “What?” “Anong what? Sino ba ‘yang katext mo?” sabay sulyap niya sa cellphone ko pero mabilis ko itong iniwas palayo sa kanya saka pilyang ngumiti. “You’re cheating again.” I can taste the pain in her eyes and its killing me at the same time it pleases me. Kinikilig ako sa tuwing nakikita ko siyang nagseselos. Hindi niya rin kasi ugaling magselos at magalit sa ‘kin. Minsan nga na e-spoil niya na ako dahil hinahayan niya lang ako sa gusto ko. Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti na parang walang kasalanan. “I’m not cheating, I’m communicating. At magkaiba ang bagay na ‘yun.” Malambing na sagot ko but I can sense the jealousy. “Really? Let me read the text.” Nakita niya sigurong umilaw ang screen ng cellphone ko kaya nagka-interest ulit siya rito. “You don’t trust me,” nagtatampo kong sabi sa kanya saka tumayo pero mabilis niya naman akong hinabol. “Let me read it!” sigaw niya kaya huminto ako at tumingin sa paligid na ‘min. “I will pero mangako ka munang hindi ka magagalit.” Kondisyon ko. “So, you’re cheating.” “I’m communicating.” Napahilot siya sa sintido niya at nilahad ang kamay niya sa harapan ko. “Promise me, then.” “Okay. I promised. Let me read it, Avril Zoey!” kinakabahang inabot ko ang cellphone na hawak ko sa kanya. I bit my lip. Binasa niya ang conversation na ‘min ni Angelo. One of my toys. Nakita ko ang mabilis na pagbago ng emosyon niya at nakita ko ang galit sa mga mata niya. It kills me to see her eyes like that. Hindi naman ako tanga para hindi maramdaman na nasasaktan ko siya. Pinigilan ko ang sarili ko na umiyak at yakapin siya at mabilis na nag-iwas ng tingin. “You’re communicating,” blankong simula niya, “Communicating but you’re sending hugs and kisses? Seriously, Zoey, sinong niloloko mo? Ilang beses mo na bang ginawa na sa ‘kin ‘to? Tuwang-tuwa ka ba na nasasaktan ako, huh?” Napatitig ako sa mga mata niya. Those eyes, those painful eyes. Of course, I’m not just communicating because it’s more than that. I admit, I’m flirting! Niloloko ko ba siya? Maybe yes, maybe no. Kung niloloko ko siya, bakit pinapaalam ko sa kanya? Bakit hinahayaan kong malaman niya? For me, it’s not cheating, hindi ‘yun panloloko. I’m still faithful to her though I’m not loyal to her. Ilang beses ko na nga bang ginagawa ‘to? Halos hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nag cheat pero alam niya naman ang bagay na ‘yun. I’m so honest to her! Lahat ng tungkol sa ‘kin o lahat ng sekreto ko alam niya. Why? Because I love her! Hindi ba sapat ‘yun. And of couse hindi ako masaya sa tuwing nasasaktan siya. Boys are just my cover sa mga taong mapanghusga sa ‘kin, sa ‘min. Bakit hindi niya ako maintindihan? It’s not about her or us, it’s about me finding my self, looking for my self. “You promised that you won’t be mad.” Paalala ko. “Why are you doing these, Zoey?” malungkot na tanong niya. “I don’t get it. Saan ba ako nagkulang? Ginawa ko naman ang lahat, binigay ko naman lahat. Ano pa ba ang kulang?” Why am I doing these? I don’t know. Do I need to prove my self? Pero para kanino? O para saan? Sino bang hindi takot o hindi naaapektohan sa sinasabi ng ibang tao? Isa lang rin naman ako sa mga taong takot mahusgahan ng iba dahil lang nagmahal ako. Even my parents suggested that I should love someone better that Elleb. I mean, ‘yung lalaki, pero naisip ko kung may lalamang pa ba sa nararamdaman k okay Elleb? Siya kasi ‘yung taong ayaw kong palitan at ayaw kong mawala sa ‘kin. I know she will understand me at kahit anong gawin kong kasalanan ay maiintindihan niya ako. She loves me more than I love her. And I trust her, I really do. “I love you. Babalik at babalik pa rin naman ako sa ‘yo, di ba –“ “You know what – “ hindi niya natapos ang sasabihin niya saka ito napabuntong hininga na para bang may malaking problemang pasan. Tumalikod si Elleb at naglakad palayo sa ‘kin. Wala akong ibang ginawa kundi tumitig sa likod niya habang papalayo sa direksyon ko. Lilipas ang araw at magiging okay na rin siya at babalik sa ‘kin. Sanay ako na laging ganon. ‘Yung tipong mag-aaway kami but at the end of the day ay babalik siya sa tabi ko. ** END OF FLASHBACK ** “Kanina ka pa lutang ah.” Salubong sa ‘kin ni Elleb. Ngumiti ako sa kanya saka ako yumakap. Agad rin naman siyang humiwalay saka niya tiningnan ang mukha ko. “Anong bang iniisip mo? Bakit parang wala ka sa sarili?” Gusto kong sabihin sa kanya na miss ko na siya, na miss ko na ang dating kami at miss ko na ang pag-aalaga niya sa ‘kin. Kung pwede ko lang ibalik ang lahat sa dati ay ginawa ko na. Magsasalita na sana ako nang mag-ring ang cellphone niya. Inangat niya ang paningin niya sa ‘kin nang makita niya ang pangalan na nasa screen. ‘Jelai was calling.’ “Answer it. Hindi ako mag-iingay.” Sabi ko sa kanya. Lagi naman ganyan ‘di ba? Sa tuwing tatawag si Jelai ay magpapanggap ako na wala sa tabi niya, na para bang hindi ako nag-eexist rito sa mundo. Tiningnan niya ang reaksyon sa mukha ko kung okay lang ba talaga at nang makita niyang okay lang talaga sa ‘kin na kausapin niya si Jelai ay agad niya itong sinagot at lumayo ng konte sa ‘kin. Napabuntong hininga na lang ako. Sa dalawang buwan na magkasama kami ni Elleb, at sa dalawang buwan mula ng maging okay kami ay palagi na lang siyang ganyan sa tuwing nandyan si Jelai. Katabi ko nga siya pero ibang babae naman ang nasa isip niya. Siguro nga ito na ang kabayaran sa mga nagawa kong pagsasawalang-bahala sa kanya noon. Narinig ko silang nag-uusap habang pinapaliguan ko si Angel, habang binibihisan ko si Angel, at habang pinapakain ko si Angel. Sobrang tagal nilang mag-usap at para bang tuwang-tuwa pa si Elleb sa kausap niya. Psh! Alam niya na ngang niloloko siya, tuwang-tuwa pa siya. Haist! Hindi ko rin naman siya masisisi dahil ganyan niya rin ako kamahal noon. Kung sana pinigilan ko ang sarili ko na magloko, sana hanggang ngayon ay kami pa. “Hey? Are you okay?” tanong ni Elleb pagkatapos nilang mag-usap. ‘Do you think I’m f*ckin’ okay? Of course I’m not okay. Nasasaktan ako. Gustong-gusto kong magalit, sumigaw at sumbatan siya pero hindi ko ginawa. Bakit? Dahil ayokong masaktan siya. Ayokong maramdaman niya ang naramdaman niya na she’s not worth it. Ganon ang pinaramdam sa kanya ni Jelai at hindi ko hahayaang maramdaman niya ulit ang bagay na ‘yun sa ‘kin. If I can bring back the time, I will never do the same mistake again. I smiled bitterly. “Yes, I am okay.” Of course not.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD