CHAPTER 5 (sad reality)

1439 Words
Pagka akyat ko sa kwarto ay malaya ko'ng ibinuhos lahat ng luha at hinanakit na nararamdaman ko nang gabi'ng iyon dito sa dibdib ko.  'Yun ang unang beses na mapagbuhatan ko nang kamay si Austin. Masakit para sa akin ang gawin iyon pero higit na mas masakit para sa akin ang tanggapin at marinig ang lahat ng mga salitang isinampal niya sa akin. Gusto ko'ng pumalahaw ng iyak at sumigaw ng pagkalakas lakas para maibsan ang kirot dito sa puso ko. Ang sakit-sakit kasi eh, parang gusto ko'ng mag breakdown ng mga sandaling iyon. Hindi ko matanggap na mismong asawa ko ang magsasabi sa akin nang ganoon, pakiramdam ko ay napakawalang kwenta at napaka dumi kong babae. Bakit ba ang hirap niyang papaniwalaan na hindi ako ganoong babae katulad ng iniisip niya? Na isa lang akong biktima ng karasahan na naghahanap ng makakapitan at taong iintindi at poprotekta sakin. Akala ko siya ang taong makakaintindi sa akin sa lahat, pero siya rin pala ang taong hahatol sa akin nang wala man lang sapat na dahilan. " Bakit ganoon siya?*sniff* hindi naba niya ako talaga mahal?*sniff* bakit kasi* hindi muna niya ako pakinggan*sniff* napakaunfair naman."  Sinabunutan ko ang aking sarili saka pinagsusuntok ang mga unan na nasa aking tabi "Bakit ang *sniff* sama moh!!!! *sniff* Hindi mo*sniff* manlang ako*sniff* pakinggan!!!, ang sakit*sniff*kaya! Ang sakit*sniff* sakit ng ginagawa mo!"  Pagkatapos ko'ng gawin iyon ay isinubsob ko naman ang mukha ko sa kama saka parin nagpatuloy sa kakaiyak. Ang sakit kasi talaga, parang sasabog ang puso ko pag hindi ko iniyak ang lahat nang ito. Tutal wala din naman akong magagawa kun'di iyakan na lang hanggang sa kusa na lang tumigil ang luha ko sa pagbuhos, ganito talaga, kapalit ng pagmamahal ay ang masaktan tayo ng taong ating minamahal. "Mahal kita Austin, Mahal na mahal... pero bakit mo ako ginaganito? Ang sakit na eh, pero dahil mahal kita, lahat titiisin ko, huwag ka lang mawala sa buhay namin ng anak mo." AUSTIN'S POV Hindi ko maipaliwanag kung bakit nakaramdam ako ng kirot habang nakikita ko si Janelle na umiiyak sa aking harapan. Alam kong hindi dapat ako makaramdam nang ganito dahil kulang pa ang lahat nang iyon para maibsan lahat ng sakit na ginawa niyang pagtataksil.  Hindi ako dalawin nang antok dahil sa paulit ulit na bumabalik sa aking isipan ang nangyari kanina kaya napagpasyahan ko'ng uminom ng alak para makatulog ako. Naka pitong baso ako ng tequila nang makaramdam ako nang hilo, pero gusto kong magmanhid ang pakiramdam ko kaya inubos ko ang laman ng bote saka napagpasyahan ko nang umakyat sa taas. Nakakailang hakbang na ako palapit sa tinutulugan ko ng makarinig ako ng sunod sunod na hikbi na nanggagaling sa kanyang kwarto. Tila naman may sariling isip ang mga paa ko at kusang tumigil ako saglit sa may tapat nang pintuan. Sa pagkakataon na 'yon ay hindi ko ulit maiwasan ang hindi makaramdam ng awa kahit na labag man sa aking kalooban. Sh*t! don't pity her Dude! She's the reason why your life is on miserable!! She deserved to get hurt!! She deserved all of this pain! "Umiiyak pa rin siya hanggang ngayon?" Iiling-iling na lang ako na naiinis saka pumasok na sa aking kwarto. Hindi ba siya nauubusan ng luha sa kakaiyak niya? Ang galing talaga niyang magpanggap na nasasaktan siya. Kung tutuusin ay kulang pa ang mga sakit na nararanasan niya kumpara sa sakit na binigay niya.  Dapat lang sayo iyan Janelle, dahil manloloko ka, pinagkatiwalaan kita pero niloko mo lang ako. Flashback... "Sweetheart, andito na ako..." Tawag ko sa kanya pagkauwi ko galing trabaho. Binuksan ko ang pintuan pero walang Janelle na sumalubong sa aking harapan at nagbigay nang halik sa akin. "Sweetheart nasaan ka? may pasalubong ako sa inyo ni Baby Keisha." nakailang tawag ako ngunit walang kahit sino ang sumasagot. "Elle, Sweetheart, nasaan ka ba?" Inikot ko ang buong sala pero walang taong naroroon. Nagtungo din ako sa garden pero wala din sila doon.. "Saan kaya ang mga iyon? Umalis kaya sila? Hindi man lang nagsabi sa akin."  Papasok na ako ulit sa loob ng bahay nang makarinig ako ng kalabog galing sa taas na sa tantiya ko ay nanggaling ang ingay do'n sa mismong kwarto nami'ng dalawa. Dahil sa pagkataranta ay patakbo ko'ng tinungo ang itaas ngunit bago ko pa mabukas ang pinto ay napatigil ako bigla nang may marinig akong boses ng isang lalaki na nagmumula sa loob nang aming kwarto kasunod noon ay ang boses ni Elle na nagsasalita. "A-aray....ayoko.." "Huwag kanang pumalag, alam ko nama'ng gusto mo na ginagawa natin to diba?" Napalunok ako bigla na kinabahan sa aking narinig. Si Janelle ba yon? May kasamang lalaki siya sa loob? Hindi ko na mapigil ang sarili ko kaya pabigla ko'ng binuksan ang pinto ng kwarto kasabay no'n ay ang panlalambot ng katawan ko sa aking nakita. "Mga hayoopp kayoooo!!!!" Tila umakyat ang dugo ko sa aking ulo na nagdilim ang paningin na lumapit sa kanila at saka pinagsusuntok ang lalaking humahalik sa leeg ni Janelle habang siya naman ay walang damit na pang itaas. "Austinn!! "Umiiyak na yumakap siya sa akin kasabay noon ay ang pagtakbo ng lalaki palabas ng bahay. Kumalas ako mula sa kanyang pagkakayakap saka ko siya itinulak na siya namang pagkatumba niya sa kama. "Ang kapal ng mukha mo para dito pa gumawa ng kahayupan kasama ang lalaki mo!!!" Akma ko siyang susuntukin pero pinigil ko dahil ayoko parin na mapagbuhatan ko siya ng kamay. Napaupo ako dahil sa panlalambot at hindi napigilan ang aking sariling umiyak. End of flashback.. Nagtungo ako sa drawer at binuksan ito saka ko dinampot ang nakatagong litrato namin na magkasama. Ang saya namin sa picture na ito, nakayakap na nakangiti na maaaninag mo sa aming mga mata ang pagmamahal namin sa isa't isa. Isang pagmamahalan na nawasak at gumuho nalang bigla. "Kasalanan mo Elle, kung bakit humantong tayo sa ganito." Biglang tumulo ang mga luha ko ng di sinasadya pagkatapos kong sariwain ang kataksilang kanyang ginawa.  Ang sakit parin pala hanggang ngayon, kahit anong pilit ko'ng kalimutan ang nakaraan ay hindi ko parin magawa. Kahit pigilan ko man ay kusa pa ring bumabalik ang mga ala ala, mga masasakit na ala ala na ayoko nang balikan. Dahil sa galit at inis ko ay pinagdiskitahan ko ang pader nang kwarto at pinagsusuntok ito.  "Bakit ang sakit parin! Bakit ba hindi ko magawang makalimot sa nakaraan na iyon!! fvck myself!! I hate what I've feel right now ugh!!!" Tila pati katawang lupa ko at nagmanhid na kaya hindi ko namalayang duguan na pala ang kamay ko. Nang makita kong duguan ang aking kamao ay huminto ako sa pagsuntok nito saka naman binaling ko ang galit ko sa mga kagamitan sa loob ng kwarto at pinaghahagis lahat ng makita ko. "I hate you Janelle Mendoza!!! I hate you for what you have done in my life!!!! You make my life in vain!! you hurt me so bad!! I would never ever forgive you!!!" Galit na sigaw ko hanggang sa hindi ko namamalayan ay ang unti unting pagdilim ang paningin ko. Pagmulat nang mata ko ay maliwanag na sa buong paligid. Hindi ko namalayan na umaga na pala. Akma ko'ng hahawakan ang ulo ko dahil medyo sumasakit ito ngunit biglang sumidhi ang kirot sa kamay ko, pagtingin ko ay nakabenda ito kasabay ng pagkaalala ko na pinagsusuntok ko pala ang pader kagabi. Inikot ko ang buong paningin ko sa kwarto, ang alam ko ay pinaghahagis ko ang lahat ng nandito, pero bakit malinis? sino ang gumamot sa mga kamay ko? sino ang nagtanggal ng mantsa ng dugo sa pader?  "Yaya Sol!" tawag ko sa katulong.  Kaagad namang umakyat sa taas ang katulong. "Bakit po Sir?"  "Sinong naglinis ng kalat dito sa kwarto? saka itong sugat sa kamay ko? Ikaw po ba?"  "Ah 'yan ho ba Sir? Si Ma'am Elle po ang naglinis sa sugat n'yo, siya din po ang naglinis nitong kwarto." "Bakit siya ang pinaglinis mo? hindi ba sabi ko ayoko ng tumutuntong pa 'yung babaeng 'yon dito sa kwarto ko?!"  "Eh nagpumilit po siya eh, sabi po niya siya daw po maglilinis bago siya umalis kaya hinayaan ko na lang po."  Hindi na lang ako sumagot at isinenyas na lang ang kamay ko na lumabas na lang para makapagpahinga ako dahil nananakit pa rin ang ulo ko. Bakit ba kahit anong p*******t na gawin ko sa babaeng iyon ay pinagsisilbihan at inaalagaan pa rin niya ako? dahil ba sa nagi guilty siya sa panloloko na ginawa niya? huh! pwes, hindi ako ganu'n kadali amuin. Kahit na anong kabaitan ang gawin niya mananatili at mananatili pa rin ang pagkamuhi ko sa kanya. ______________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD