Noah Abram Delavega
Dahan-dahang sumadsad sa isang malawak na patag dito sa isla ang sinasakyan kong private jet. The area was surrounded by dense forest, though it was also close to the sea.
Hindi pa man tuluyang humihinto ang jet, natatanaw ko na sa mga malalaking puno at matataas na talahib ang marami sa tribong nakatira sa lugar na ito. Each of them had their bows ready, all aimed directly at our aircraft.
Maaaring nanibago sila sa gamit kong aircraft ngayon, since I usually came here by helicopter—maging ang mga tao ko sa tuwing naghahatid sa kanila ng mga pagkain.
Hindi naman ako magtatagal dito ngayon at ayaw ko ring maubos ang oras ko sa himpapawid, kaya ito ang pinili kong sakyan—mas mabilis kaysa sa helicopter. We were now on one of the islands in Tawi-Tawi, where Miyona’s father—Milanor Suarez—was living.
'Di nagtagal ay huminto na rin sa pagtakbo ang jet. Binuksan ng isa sa mga tao ko ang pinto, and as soon as I stepped out, I immediately raised both of my hands as a sign that I had no intention of fighting.
My men quickly positioned themselves behind me, but I signaled for them to remain calm. Ayokong isipin ng tribo na dumating kami rito para maghasik ng gulo.
They already knew me, after all. I had visited this place three times since I discovered that Suarez was hiding here, eight years ago.
Pinapasok nila ako sa lugar nila dahil kay Milanor. Pero lingid sa kaalaman nila ang tungkol sa alitan naming dalawa.
Plano ko na talaga siyang patayin noon buhat nang matagpuan ko siya rito. Pero natuklasan kong may sakit ang buong tribo at siya ang inaasahan ng lahat para mapahaba pa ang mga buhay nila.
And I’m not that heartless, so I was forced to hold myself back. I knew that if I pursued my revenge back then, mas marami pang inosenteng buhay ang masasakripisyo.
Even now, this tribe still depends on him. That’s why, for the past eight years, I’ve been sending them medicine, food, clothes, and other supplies every three months.
Kusang bumaba ang mga hawak nilang pana nang makita na nila ako.
Lumapit kaagad sa amin ang pinuno ng kanilang tribo—si Datu, now sixty-five years old.
"Magandang umaga, Ginoong Noah," bati nito kasabay nang pagyuko sa harapan ko. "Hindi namin inaasahan ang biglaan mong pagbisita sa lugar namin ngayon."
Ngumiti ako at tuloy-tuloy na ring bumaba mula sa jet. Ilang taon na rin ang nakalilipas buhat noong huli akong magtungo rito, kaya inaasahan ko na ito.
Ilan sa kanila ay nakakaintindi at nakakapagsalita naman ng Tagalog, kaya hindi mahirap makipag-communicate sa kanila.
"Pasensiya na po kung nagambala ko ang pananahimik niyo ngayon, Datu," sagot ko sa kanya. "Nais ko lang pong bisitahin si Doctor Suarez para sa isang mahalagang bagay tungkol sa kanyang anak. Bukod doon, nagbaon na rin ako ng mga pagkain para sa inyo—bigas, groceries at kung ano-ano pa."
"Maraming salamat po, Ginoong Noah." Agad siyang yumuko sa lupa sa harapan ko, sa paraan nang pasasalamat nila sa tao. "Sa loob ng walong taon, hindi niyo kami kinaligtaan. Ang tulong niyo ay buhay sa aming tribo. Lagi naming naaalala at pinapahalagahan ang inyong kabutihan. Narito po kami para sa inyo at bukas ang aming tahanan sa anumang kailangan niyo."
I smiled and nodded. "Maraming salamat din, Datu. Tumayo na po kayo."
Agad din naman siyang sumunod.
Nilingon ko ang mga tauhan ko na ngayon ay ibinababa na ang mga dala naming pagkain para sa kanila.
Lumapit na rin ang iba pa sa tribo at yumuko rin sa harapan namin.
They accepted the food.
'Di nagtagal ay dumating na rin si Doctor Suarez.
Our eyes met—both cold, filled with tension. Pero bahagya niyang iniyuko ang ulo niya sa harapan ko para ipakita sa kanilang maayos ang samahan naming dalawa.
They moved away, leaving the two of us alone.
“What brings you here this time, Mr. Delavega?” he asked. "Balak mo na ba akong kunin?"
“No,” I replied calmly, a faint smile forming on my lips. “I just wanted to … invite you. You might want to attend my wedding—maybe two weeks from now.”
Kumunot ng bahagya ang noo niya. "Ano naman ang kinalaman ko sa kasal mong 'yan?" he asked immediately.
My smile widened even more. "Malaki... and it’s special… because I’m marrying your beloved daughter.”
I clearly saw how he froze, his mouth falling open as he stared at me. “W-What?”
“Miyona Saimori,” I answered. “Did you really think you could hide her from me forever?”
"H-Huwag mong idamay dito ang anak ko." Lumarawan kaagad ang matinding pag-aalala at takot sa anyo niya. “I beg you, Noah. Miyona has nothing to do with this. Huwag mo siyang idamay. Napakabuting bata at inosente ng anak ko. Wala siyang kaalam-alam."
Mas lumapit pa siya sa akin habang nakayuko at 'di malaman kung hahawak sa akin o ano.
“What are you so worried about, Mr. Suarez?” I asked him. “You should be thanking me… I saved your daughter from dangerous people.”
Tumunghay siyang muli sa akin. May luha na sa kanyang mga mata. "A-Ano'ng ibig mong sabihin?"
“I kept her away from your ex-wife, Laura—a dangerous woman. She was planning to sell your daughter to foreigners involved in human trafficking… I simply paid 20 million to protect her.”
Mas lalo pang umawang ang mga labi niya habang nakatitig sa akin.
"A-Ano?" Kumuyom bigla ang mga kamao niya. "Ang walanghiyang Laura na 'yon!"
“And now, since you couldn’t pay, Miyona is the price instead," I said, smiling at him. “She has to marry me.”
“W-What are you planning?” he asked again, his voice filled with worry. “I’m begging you, Noha. Don’t hurt my daughter. Ako na lang ang saktan mo. Gagawin ko ang lahat nang iuutos mo.”
“I think her life has actually gotten better under my care,” I said calmly. "Pinagsisilbihan siya ng mga staff ko... Huwag niya lang akong gagalitin ... at dapat ay susundin niya ang lahat ng iuutos ko; walang magiging problema."
"Lumaking walang ina si Miyona, at alam kong hindi maganda ang turing sa kanya ni Laura—"
"Alam mo pala 'yon, pero bakit iniwan mo siya?" agad kong putol sa sinasabi niya.
"Plano ko naman talagang bumalik. Pero ayaw na akong pakawalan ng tribong ito noon."
"Ang sabihin mo, pinagtaguan mo ako dahil alam mong hahanapin kita. At ayaw mo ring malaman ko ang tungkol sa anak mo. Kaya nga itinago mo pa siya sa ibang pangalan, hindi ba?"
Muling kumuyom ang mga kamao niya at bahagyang tumalim ang mga mata niya. “She’s my daughter, and I will do everything to protect her!”
Napahinga ako ng malalim. "Hindi na ako magtatagal pa. That’s all I came here for… Gusto ko lang dagdagan ang mga isipin mo habang ibang tao ang inaalagaan mo... Dumalo ka kung makakaya mong pumunta. Siguradong magugulat siya... You’ve been absent from her life for twenty years. Will she even recognize you? O baka nga abot-langit ang pagkasuklam niya sa'yo dahil pinahirapan mo siya buhat noong iwan mo siya."
Bumalatay bigla ang sakit at pagsisisi sa mga mata niya.
Nginisihan ko siya bago tuluyang tinalikuran at umakyat nang muli sa jet.
"Noah!" tawag niyang muli na ikinahinto ko.
Muli ko siyang nilingon.
“I’m begging you … take care of my daughter.” Umaagos na ang luha sa pisngi niya.
“I’ll try... Basta ba hindi ko maaalala ang mukha mo sa kanya?"
Tuluyan na akong pumasok sa loob. Isinara naman agad ng mga tauhan ko ang pinto.
Napahinga ako ng malalim.
The nerve of him, demanding that of me … after everything you did to my mother!
*****
Miyona Saimori
"Hi, Phoenix!" Agad kong nilapitan ang alaga kong aso sa bahay niya.
Kumawag din naman agad ang buntot niya habang nakatitig sa akin. Masayang-masaya na naman siya. Napakalikot ng katawan niya.
Itinatali ko siya kapag may mga pasyente ako para 'di siya makaabala. At ngayon ay katatapos ko lang operahan ang isang aso na nakalunok ng laruan. Awa ng Diyos, ligtas na siya. Kailangan na lamang niyang magpahinga at magpagaling.
Inalis ko mula sa pagkakatali si Phoenix. Agad din siyang tumayo at dumamba sa akin. Pinaghahalikan niya ako sa pisngi.
"Hmm, mis na mis mo agad ako? Nagkita naman tayo kanina, ah. Gusto mo bang maglaro?" Dinampot ko ang isa sa mga stuffed toys niya sa loob ng bahay niya at itinapon sa malayo. Naririto lang naman kami ngayon sa playground sa likod ng clinic.
Agad din naman siyang tumakbo at nilapitan ito. Kinagat niya iyon bago muling bumalik sa akin at iniabot iyon.
"Good job!" Tinanggap ko ito bago hinaplos-haplos ang ulo niya.
Nagtungo ako sa isang malapit na bench at naupo. Ang pahinga ko ay si Phoenix. Naglalaro kami at nagkukuwentuhan kapag walang pasyente.
Sumunod din naman siya sa akin at sumampa rin sa upuan sa tabi ko. Humarap siya sa akin at tumitig.
"May sasabihin ako sa'yo," ani ko.
Bigla naman siyang tumahol bilang sagot na para bang naiintindihan niya ako.
"Lumipat na ako sa ibang bahay," ani kong muli. "Sa isang napakalaking mansyon, na parang mga hari at reyna ang nakatira." Niyakap ko ang katawan niya at hinaplos-haplos muli ang ulo niya.
Tumingala siya sa akin at dinilaan ang chin ko hanggang sa humiga na siya sa lap ko.
Napangiti naman ako.
"Siguro doon, wala nang mang-aapi sa akin... Magpapaalam ako kay Noah; baka sakaling maiuwi kita doon. Sana pumayag siya... Malaki naman ang bahay niya... Pero ... allergic din kaya siya sa balahibo ng aso? Hindi ko alam."
Ako rin ang sumagot sa sarili kong tanong.
"Palagi ko lang siyang nakikita noon na kasa-kasama ni Kuya Devin Jr. Pero tahimik siyang tao, at 'di gaanong namamansin lalo na sa mga babae. Isnabero siya kung tutuusin. Oo, napapatingin lang ako sa kanya noon. Guwapo siya, kaya lang, lalo na sa tulad kong tahimik din naman sa gilid, 'di ko rin siya pinapansin... Kaya nga nagulat ako sa ginawa niyang ito ngayon. 'Di ko pa rin maintindihan... Pero 'di bale, ngayong kasama ko na siya sa iisang bubong, baka ito na ang simula para makilala ko siya—kung anong ugali talaga ang mayroon siya."
Muli akong napangiti habang nakatitig sa kanya.